Ang Daluyan

Ang Daluyan

Share

VOX DISCIPULA, DIURNARIA HONESTA
Ang Opisyal na Pahayagan ng Paaralang Sentral ng Kanlurang Meycauayan

Photos from Ang Daluyan's post 18/06/2026

๐Š๐š๐ก๐š๐ง๐๐š๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š, ๐๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐Œ๐–๐‚๐ˆ๐’ ๐š๐ญ ๐‹๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž ๐ฌ๐š ๐๐’๐„๐ƒ
๐˜”๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜จ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฆ ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข.

Balita nina: Athea Borondia at Jasmin Sofocado

Matagumpay na isinagawa ng Meycauayan West Central Integrated School (MWCIS), katuwang ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) Meycauayan Rescue, ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Hunyo 18, 2026, ganap na alas-9 ng umaga, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan ng komunidad ng paaralan sa panahon ng sakuna.

Pinangunahan nina G. Jerick Q. De Guzman at Dr. Edgar Allan R. Calora ang naturang aktibidad, katuwang ang mga g**o at kawani ng paaralan upang matiyak ang maayos, maayos, at ligtas na pagsasagawa ng drill.

Sa unang warning signal, nanatili sa loob ng mga silid-aralan ang mga mag-aaral at g**o upang isagawa ang wastong โ€œDuck, Cover, and Holdโ€ procedure. Pagsapit ng ikalawang signal, maayos na lumikas ang mga mag-aaral mula sa Elementarya hanggang sa AM shift ng Junior High School, kabilang ang mga nasa Grade 8 at Grade 10, sa gabay ng kanilang mga g**o.

Matapos ang paglikas, nagtungo ang mga mag-aaral at g**o sa field ng paaralan na nagsilbing evacuation area ng MWCIS. Dito isinagawa ang mga susunod na bahagi ng drill dahil mas ligtas ang lugar at malayo sa mga gusali, puno, at iba pang estrukturang maaaring pagmulan ng debris sakaling magkaroon ng lindol.

Sinubaybayan at sinuri ang aktibidad ng mga kinatawan ng LDRRMO Meycauayan Rescue sa pangunguna ni Team Leader Rod Carlo Temblique. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga Mother Leaders ng St. Francis Gasak, mga kawani ng City Hall, at ilang miyembro ng Sangguniang Kabataan.

Sa kasagsagan ng drill, dalawang mag-aaral mula Grade 8 ang nakaranas ng pagkahilo dahil sa matinding init ng panahon. Agad silang nabigyan ng paunang lunas at kinakailangang atensiyong medikal ng mga g**o at miyembro ng rescue team.

Matapos ang aktibidad, nagsagawa ng ebalwasyon ang LDRRMO at mga g**o upang talakayin ang mga dapat pang pagbutihin sa pagpapatupad ng mga emergency procedure. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng palagiang pagdadala ng pito at Student ID upang mapadali ang pagkilala at pagtukoy sa mga mag-aaral sakaling magkaroon ng emerhensiya.

Sa kabuuan, naging maayos at organisado ang pagsasagawa ng NSED sa MWCIS. Sa tulong ng mga g**o, kawani ng paaralan, at mga katuwang na ahensiya, natiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa buong proseso ng drill. Layunin ng naturang aktibidad na higit pang palakasin ang kahandaan, disiplina, at kamalayan ng komunidad ng paaralan sa tamang pagtugon sa mga sakuna at emerhensiya.

06/06/2026

๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š, ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ข๐๐ข๐ง๐š๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐Œ๐–๐‚๐ˆ๐’

Isinagawa ang Brigada Eskwela 2026 mula Hunyo 1 hanggang 5 na may temang "Bayanihan sa lPaaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman." Bagama't sinalubong ng matinding pag-ulan ang unang araw ng programa, itinuloy at idinaos pa rin ng paaralan ang isang matagumpay na pagsasakatuparan ng mga bahagi ng gawain.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Zumbrigada 2026, isang energizer na pinangunahan ng mga piling mag-aaral at mga Zumba instructor. Nakiisa rito ang mga g**o, estudyante, at iba pang kalahok na nagbigay-buhay sa gawain sa pamamagitan ng masiglang sayawan at pakikilahok.

Kasunod nito ay ang pambungad na seremonya na pinangunahan ni Principal IV Edgar Allan R. Calora, PhD. Dumalo rin sa programa sina Kapitan Paul John P. Prodon ng Hulo, Kapitana Mary Grace T. Portento ng Poblacion, Kapitan Homer J. Evangelista ng St. Francis Gasak, SK Chairmain Jascel Floro ng St. Francis Gasak, SELG President Gio Guevarra at SSLG President Shane Carwin Zamora bilang pagpapakita ng suporta sa adhikain ng paaralan. Samantala, ang pangwakas na pananalita ay ipinahayag ni Teacher I at Brigada Eskwela Chairperson Sabreena A. Catacutan.

Noong Hunyo 3 naman, matagumpay na idinaos ang Volleyball Tournament na nilahukan ng walong koponan mula sa iba't ibang pangkat. Layunin ng aktibidad na palakasin ang pagkakaisa, kooperasyon, at aktibong pakikilahok ng mga kalahok bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Ipinamalas ng bawat koponan ang disiplina, pagtutulungan, at sportsmanship sa buong paligsahan.

Nagpatuloy rin ang paglilinis at pagsasaayos ng paaralan sa tulong ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at miyembro ng komunidad. Naging katuwang din ng paaralan ang mga TUPAD team sa pagpapatupad ng KPKK o Kalinisan sa Paaralan, Kaaya-ayang Kapaligiran upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagbubukas ng klase.

Photos from Ang Daluyan's post 01/06/2026

๐—œ๐—–๐—ฌ๐— ๐—œ: ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐ž๐ฒ๐œ๐š๐ฎ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐–๐ž๐ฌ๐ญ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐š๐ง๐  ๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐š๐ง๐  โ€œ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง: ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐š๐ฒ๐ฎ๐ฌ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง.โ€

Pinangunahan nina Punongg**o IV Dr. Egar Allan R. Calora at Gng. Sabrina A. Catacutan, Overall Chairperson, ang pagbubukas ng programa. Sa kabila ng maulang panahon, naging matagumpay ang pagsisimula ng Brigada Eskwela dahil sa pakikiisa ng mga g**o, magulang, at iba pang katuwang ng paaralan.

Ang Brigada Eskwela ay isasagawa hanggang Hunyo 5 bilang paghahanda sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026โ€“2027 sa Hunyo 8.

Mga larawan kuha ni Ykho M. Giron

30/05/2026

Enrollment, ano, tara?

Muling magbubukas ang MWCIS para sa pagpapatala ng mga mag-aaral para sa Taong Panuruan 2026โ€“2027. Inaanyayahan ang mga bagong mag-aaral, transferees, balik-aral, at mga magpapatuloy ng kanilang pag-aaral na makiisa sa enrollment na gaganapin sa Hunyo 1โ€“5, 2026.

Simulan ang panibagong taon ng pagkatuto, pagtuklas, at pag-abot ng mga pangarap. Kita-kits sa MWCIS! โœจ

๐Ÿ“ข PAUNAWA
๐ŸŽ’๐Ÿ“š READY NA BA?

Ang Enrollment para sa School Year 2026โ€“2027 ay magsisimula sa Hunyo 1โ€“5, 2026.

โฐ 8:00 ng umaga โ€“ 5:00 ng hapon
๐Ÿ“… Lunes hanggang Biyernes

Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral, kasama ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga, na magpatala sa itinakdang petsa. Mangyaring tiyakin na kumpleto ang mga kinakailangang dokumento upang mapadali ang proseso ng enrollment.
Maraming salamat po.

15/05/2026

๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐›๐ก๐š๐ฌ๐š
Ni: Althea Borondia

Sa ilang taong paglilingkod,
Araw gabing dala-dala ang pagod.
Ngunit nananatili siyang matatag,
At sa kahit ano maโ€™y hindi nagpapatinag.

Pagkaโ€™t alam niya ang kaniyang halaga,
Dahil pinaghihirapan niya ng lubusan ang mga bagay na nais makuha.
Papasok at magtuturo ng napaka-aga,
Pagtuturo sa mga mag-aaral ang nagpapasaya sa kanya.

Sa gabiโ€™y nakaharap sa kompyuter
Upang gampanan ang pagiging dalubhasang School Paper Adviser.
Mga mag-aaral ay itinuturing niyang parang tunay na mga anak,
Dedikasyoโ€™y di mabubuwag kahit luha maโ€™y pumatak.

Ngunit hindi lahat ng kabanata sa buhay ay positibo,
Maraming beses na rin siyang muntikang sumuko.
Pero kahit tamaan pa man ng malalakas na bagyo,
Ay makikita pa rin natin siyang lumalaban at nakatayo.

Hindi mapapalitan ng sinuman,
Ang iyong pagmamahal na parang isang tunay na ina.
Ang pag-aalaga at pagdamay sa oras ng problema,
At pagsama sa laban kahit nahihirapan ka na.

Sa tatlumpuโ€™t tatlong taon na ikaโ€™y nabubuhay,
Narito kamiโ€™t patuloy na umaalalay.
Nawaโ€™y bigyan ka pa ng madaming lakas at pag asa,
At patuloy na magpakatatag sa kabila ng mga problema.

Photos from Ang Daluyan's post 02/04/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—”๐˜๐—ฒ ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐˜‚๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜†๐—ฎ๐—ป!

Kasabay ng pagtatapos ng taong panuruan 2025โ€“2026 ay ang pagsisimula ng panibagong yugto para sa mga mamamahayag ng Ang Daluyan na naglipat-antas noong ika-31 ng Marso 2026.

Isang matagumpay na taon ang ating pinagsaluhan. Baunin ninyo ang aming taos-pusong pasasalamat sa pagbabahagi ng inyong talino, talento, at oras sa pagsusulong ng tapat at makatotohanang pamamahayag.

Kaisa ninyo ang buong patnugutan sa pagdiriwang ng inyong tagumpay. Ikinararangal naming kayo ay naging bahagi ng pagbuo at paghubog ng ating pahayagan.

Patuloy na maging DALUYAN ng kahusayan at katotohanan, JourKnows! โœจ


08/03/2026

NAILATHALA AT KINILALA NA!

Sa diwa ng ๐“๐€๐๐€๐“ at ๐Œ๐”๐‹๐€๐“ na ๐๐€๐†๐’๐”๐‹๐€๐“, buong lugod na isinasapubliko ng ๐€๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š๐ง ang ikaapat na elektronikong sipi ng pahayagan na kinilalang ๐’๐ƒ๐Ž ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐ž๐ฒ๐œ๐š๐ฎ๐š๐ฒ๐š๐งโ€™๐ฌ ๐Ÿ๐ง๐ ๐๐ž๐ฌ๐ญ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐š๐ฉ๐ž๐ซ ๐ข๐ง ๐’๐ž๐œ๐จ๐ง๐๐š๐ซ๐ฒ ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ฌ๐š ๐ง๐š๐ ๐๐š๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐ž๐ฌ๐ญ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐š๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ.

Taglay ng bawat pahina ang diwa ng ๐‘ฝ๐‘ถ๐‘ฟ ๐‘ซ๐‘ฐ๐‘บ๐‘ช๐‘ฐ๐‘ท๐‘ผ๐‘ณ๐‘จ, ๐‘ซ๐‘ฐ๐‘ผ๐‘น๐‘ต๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘จ ๐‘ฏ๐‘ถ๐‘ต๐‘ฌ๐‘บ๐‘ป๐‘จ. Tapat na tinig ng mga mag-aaral ang laman ng bawat artikulo. Katotohanan ang puhunan at katapatan ang gabay. Iyan ang tatak ng Ang Daluyan.

Tuluyang nailathala ang mulat na isyung ito dahil sa husay ng mga mag-aaral at g**o sa pangunguna nina Punong Patnugot Jerbin T. Acosta, Kawaksing Patnugot Kylle A. Consad, Tagapamanihalang Patnugot Althea Jasmin Borondia, at Punong Taga-anyo G. Wendell M. Reyes, katuwang ang Tagapayo ng Pahayagan Bb. Iana Pauline G. Bulaong at ang mga patnugot sa ibaโ€™t ibang seksyon.

Sa paggabay nina Punongg**o IV, Dr. Edgar Allan R. Calora at Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino Bb. Eliza Mae A. Evangelista, patuloy na dumadaloy ang tinig ng kabataang mamamahayag.

Handa nang basahin ang buong isyu. I-click lamang ang link na ito:

https://tinyurl.com/AngDaluyan2026

Ipagmalaki ang galing ng mga mamamahayag na Kanluranin sapagkat ang mga ๐’๐’‚๐’Ž๐’–๐’๐’‚๐’• ๐’๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’• ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’•๐’–๐’๐’๐’š ๐’๐’‚ ๐’…๐’‚๐’…๐’‚๐’๐’๐’š, ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’–๐’Ž๐’–๐’๐’‚๐’•, ๐’‚๐’• ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’๐’‚ ๐’Ž๐’–๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‘๐’Š๐’‘๐’Š๐’Œ๐’Š๐’•.

04/03/2026

๐€๐ง๐  ๐ง๐š๐Œ๐”๐‹๐€๐“ ๐š๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ค๐ข๐ญ!

Bilang patuloy na pagtindig para sa ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—” at ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—ข๐—ง๐—ข๐—›๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—š pamamahayag, inihahandog ng ๐€๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š๐ง ang ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ถ๐—ต๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ถ na tampok ang mga ๐—ถ๐˜€๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป na tuwirang nakaaapekto sa mga mag-aaral.

Bawat pahina ay isinulat upang ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป at maghatid ng ๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ sa gitna ng mga umuusbong na ๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ป.

Ngayong ika-4 ng Marso 2026, halinaโ€™t saksihan ang ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ ng ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐˜‚๐—ธ๐—ต๐—ฎ ng ๐€๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š๐ง!


Photos from Ang Daluyan's post 25/02/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐š๐ฅ๐š๐› ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ๐ง๐  ๐€๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐š ๐ง๐š๐ ๐ฐ๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐‚๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐๐š๐ฌ๐ž๐ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐“๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ. ๐ŸŽ‰

๐Ÿฅ‡๐‘ช๐’“๐’†๐’‚๐’•๐’Š๐’—๐’† ๐‘ท๐’‚๐’Š๐’๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’๐’๐’•๐’†๐’”๐’•
Unang Puwesto โ€“ Kylle A. Consad
Tagapagsanay: Bb. Romina S. Evangelista
DFOT Qualifier

๐Ÿฅ‡๐‘ท๐’๐’‘ ๐‘ซ๐’†๐’—โ€“๐‘ท๐’๐’‘ ๐‘ธ๐’–๐’Š๐’›
Unang Puwesto โ€“ Nikki C. Zamudio
Tagapagsanay: Bb. Geline T. Fajardo
DFOT Qualifier

๐Ÿฅ‡๐‘ซ๐’๐’Œ๐’š๐’–๐‘พ๐’†๐’๐’•๐’
Unang Puwesto
Ykho M. Giron
Luvi G. Binamira
Tagapagsanay: Bb. Iana Pauline G. Bulaong
DFOT Qualifiers

๐Ÿฅ‡๐‘ท๐’Š๐’๐’‚๐‘บ๐’‚๐’š๐’‚๐’˜
Unang Puwesto
Enrico Pascual
Gerardo Delfin Barretto
Tagapagsanay: G. Aljon B. Valenzuela
DFOT Qualifiers

๐Ÿฅˆ๐‘บ๐’๐’๐’ˆ๐’˜๐’“๐’Š๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’๐’๐’•๐’†๐’”๐’•
Ikalawang Puwesto โ€“ Nazh Ivler Gonzales
Tagapagsanay: Gng. Monica Alison A. Luza

๐Ÿฅ‰๐‘จ๐’…๐’—๐’๐’„๐’‚๐’„๐’š ๐‘ท๐’Š๐’•๐’„๐’‰
Ikatlong Puwesto โ€“ Kurt Laurence R. Villanueva
Tagapagsanay: Bb. Shiena May A. Carullo

๐Ÿฅ‰๐‘ท๐’“๐’๐’‹๐’†๐’„๐’• ๐‘ด๐’‚๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’๐’”๐’‚
Ikatlong Puwestoโ€“ Rhian Marie C. Pramoso
Tagapagsanay: Bb. Regene T. Torres

Ang inyong husay, talino, at talento ang patuloy na nagpapatingkad sa pangalan ng ating paaralan hindi lamang sa larangan ng pamamahayag bagkus maging sa sining.

Ang buong patnugutan ay lubos kayong ipinagmamalaki.๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘

๐๐š๐๐š๐ฒ๐จ๐ง, ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐š๐ง ๐‰๐จ๐ฎ๐ซ๐Š๐ง๐จ๐ฐ๐ฌ! โœจ

Photos from Ang Daluyan's post 12/02/2026

๐ƒ๐ข๐ ๐ข๐ญ๐š๐ฅ ๐‹๐š๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ , ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐ƒ๐ˆ๐†๐Œ๐€
Balita nina: Althea Reileen Ragsac at Catherine Roberto.
Larawan kuha ni: Ccier Ian Ceriales

Isinagawa kahapon, ika-11 ng Pebrero 2026, ang ikalawang araw ng pagpapatuloy ng Project DIGMA o Dihital na Galaw ng mga Mamamahayag, na naglalayong palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng digital journalism.

Tampok na tagapagsalita si G. Wendell M. Reyes, School ICT Coordinator at Head Layout Artist ng Ang Daluyan. Sa kaniyang talakayan, ibinahagi niya ang mahahalagang kaalaman sa Digital News Paper Layouting, kabilang ang wastong pag-aayos ng ulo ng balita, larawan, teksto, at paggamit ng angkop na disenyo upang maging malinaw, organisado, at kaaya-aya ang isang digital na pahayagan.

Matapos ang talakayan, isinagawa ang isang aplikasyon kung saan inatasan ang lahat ng kalahok na lumikha ng kani-kanilang sariling layout. Layunin nitong masukat ang kanilang pag-unawa at malikhaing kakayahan sa pagdidisenyo ng isang digital na pahayagan.

Sa pagtatapos ng programa, itinampok ang isang awarding session kung saan kinilala ang mga natatanging kalahok. Itinanghal na mga wagi sina Zander Pepanio, Kylle Consad, at Khloe Jade Caniete dahil sa kanilang kahusayan at malikhaing presentasyon ng layout.

Naging masigla at makabuluhan ang ikalawang araw ng Project DIGMA, lalo na sa awarding session na nagbigay inspirasyon sa mga batang mamamahayag na higit pang paghusayin ang kanilang kasanayan sa digital na pamamahayag.

Want your school to be the top-listed School/college in Meycauayan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


St. Francis, Gasak
Meycauayan
3020