Deped Tayo - Camalig ES - Meycauayan City

Deped Tayo - Camalig ES - Meycauayan City

Share

Camalig, Meycauayan City, Bulacan

19/06/2026

📢 PAALALA SA MGA MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA

Upang mapanatili ang maayos, ligtas, at disiplinadong kapaligiran sa loob ng Camalig Elementary School, hinihiling po namin ang pakikiisa ng lahat sa pagsunod sa itinakdang Dress Code para sa mga magulang at bisita na pumapasok sa paaralan.

Ang wastong pananamit ay pagpapakita ng paggalang sa ating paaralan, mga g**o, kawani, at higit sa lahat, sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at patuloy na suporta sa mga programa at patakaran ng paaralan.

💚 Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, maayos, at makabagong Camalig Elementary School!




Photos from Deped Tayo - Camalig ES - Meycauayan City's post 18/06/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat kay Mayor Henry R. Villarica at sa Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan para sa mga school supplies na ipinagkaloob sa ating mga mag-aaral.

Ang inyong suporta at malasakit sa edukasyon ay malaking tulong upang mas maging handa at masigla ang ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Tunay na ang bawat kagamitang natanggap ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtataguyod sa kapakanan at kinabukasan ng mga batang Meycauayan.

Edukasyon ang susi sa pag-unlad, at sama-sama natin itong isinusulong para sa kabataan. 💙✨




Photos from Deped Tayo - Camalig ES - Meycauayan City's post 18/06/2026

Inspection Conducted by the Bureau of Fire Protection – City of Meycauayan
JUNE 18, 2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng kaligtasan at kahandaan sa sakuna, nagsagawa ang Bureau of Fire Protection (BFP) – City of Meycauayan ng inspeksyon sa ating paaralan upang suriin ang mga pasilidad, kagamitan, at mga hakbang na may kaugnayan sa disaster preparedness.

Ang gawaing ito ay naglalayong matiyak na ang paaralan ay handa sa anumang emerhensiya at ligtas para sa lahat ng mag-aaral, g**o, at kawani. Lubos ang aming pasasalamat sa Bureau of Fire Protection sa kanilang gabay at suporta sa pagpapanatili ng isang ligtas at handang kapaligiran sa pagkatuto.

Kaligtasan ng bawat isa, ating pangunahing prayoridad! 🚒🧯📚





Photos from Deped Tayo - Camalig ES - Meycauayan City's post 18/06/2026

Bilang pakikiisa sa mga programang naglalayong itaguyod ang kapakanan at kalusugan ng mga bata sa ating komunidad, dumalo ang aming punong-g**o sa 2nd Quarterly Meeting ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at Barangay Health Nutrition and Population Committee ng Barangay Camalig.

Patuloy na nakikipagtulungan ang paaralan sa mga lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya upang mapalakas ang mga programang nakatuon sa kaligtasan, kalusugan, at kabuuang pag-unlad ng ating mga mag-aaral.

Sama-sama para sa mas ligtas, mas malusog, at mas maunlad na kinabukasan ng bawat bata. 💙




Photos from Deped Tayo - Camalig ES - Meycauayan City's post 18/06/2026

Taos-pusong pasasalamat sa LEMON SQUARE para sa masarap na snacks na napagsaluhan ng aming mga Grade 1 learners. Ang inyong kabutihang-loob ay naghatid ng saya at ngiti sa aming mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong suporta at pagmamalasakit sa aming mga bata. Nawa’y patuloy pa kayong pagpalain at maging inspirasyon sa iba.


Photos from Deped Tayo - Camalig ES - Meycauayan City's post 18/06/2026

📢NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED) 2026

Nakiisa ang Camalig Elementary School sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng paaralan sa anumang sakuna o emerhensiya. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, naipakita ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ang kahalagahan ng pagiging handa, alerto, at disiplinado sa oras ng lindol. Isinagawa rin ang tamang “Duck, Cover, and Hold” at maayos na paglikas patungo sa mga itinakdang evacuation area. Patuloy nating isabuhay ang kahandaan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.
Sama-sama tayong maging handa sa anumang sakuna!




Photos from Deped Tayo - Camalig ES - Meycauayan City's post 16/06/2026

Taos-pusong pasasalamat sa ating masisipag na PTA officers sa paghahanda ng mga munting regalo para sa ating mga batang kindergarten. Ang inyong oras, pagsisikap, at kabutihang-loob ay nagdudulot ng malaking saya sa ating mga mag-aaral. ❤️❤️❤️



Photos from Deped Tayo - Camalig ES - Meycauayan City's post 11/06/2026

PARENT'S ORIENTATION ❤️
📅JUNE 11, 2026

Matagumpay na naisagawa ang ating Parents' Assembly/Orientation ngayong araw. Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na naglaan ng kanilang oras upang dumalo at makiisa sa mga talakayan tungkol sa mga programa, patakaran, at layunin ng paaralan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Ang inyong suporta at pakikipagtulungan ay mahalagang bahagi sa paghubog ng isang ligtas, maayos, at de-kalidad na kapaligiran sa pagkatuto. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at pakikiisa.



10/06/2026

Magandang araw po!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang na dumalo sa ating pagpupulong na gaganapin bukas, alas-8:00 ng umaga June 11, 2026 sa Covered Court ng Camalig Elementary School.

Ang inyong pagdalo ay mahalaga upang mapag-usapan ang mga mahahalagang usapin at programa ng paaralan. Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa at suporta.

Maraming salamat po!

Photos from Deped Tayo - Camalig ES - Meycauayan City's post 09/06/2026

Taos-pusong pasasalamat sa Sangguniang Barangay Camalig sa pangunguna ni Kapitan Mark Joseph Violago at sa ating mga masisipag na Barangay Tanod sa kanilang patuloy na pagalalay at pagbabantay sa mga mag-aaral sa pagpasok sa gate ng paaralan.

Ang inyong presensya at dedikasyon ay malaking tulong sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan, at seguridad ng ating mga mag-aaral araw-araw. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa para sa kapakanan ng ating mga kabataan.

Sama-sama para sa isang ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan!


Want your school to be the top-listed School/college in Meycauayan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Camalig
Meycauayan
020