19/07/2025
Maraming Salamat mula sa ALS‑Obando District! 🎓
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong at nagtaguyod sa isang matagumpay na ALS Graduation 2025:
Mayor Leonardo "Ding" Valeda – sa pagtangkilik at patuloy na suporta. (Thank you po sa LED wall.. sa uulitin 😃)
Ma'am Anabell R. Palomo, ang aming District Supervisor – sa kanyang gabay at inspirasyon.
Ma'am Edna T. Gomez, ang aming ALS Adviser – sa pagbabahagi ng kaalaman at pagsuporta sa mga gawain ng ALS.
Sir Edgardo Macarasig - sa pagbibigay ng mga makabuluhang inspirasyon at realidad sa ating mga ALS Learners
Ma'am Armida SJ. Santos at Ma'am Cristina A. Sanchez - sa pagdalo at patuloy na pagsuporta sa mga programa ng ALS
OCS Technical Working Group, Utility Personnel at si Ms. Hazel– sa kanilang dedikasyon sa teknikal at pang‑logistikong mga gawain.
Mam Janette L. Robles, ang ating Emcee – sa kahusayan at galing sa pag‑host ng programa.
Ma. Lourdes Uy Ijan, ang ating very inspiring guest speaker
At higit sa lahat ang ating mga mahuhusay at matitiyagang mga g**o ng ALS
👏 Sir Simplicio Alcantara
👏 Ma'am Lorna Saluta Alcantara 👏 Ma'am Mary Edlyn Bautista Bermudo
at 👏 Sir Joel Resurreccion
At hindi rin namin makakalimutang pasalamatan ang aming mga espesyal na partners:
Allan Matias – sa napakagandang stage décor na tunay ngang nagpatingkad sa araw na iyon.
Ising’s Catering – sa masasarap na handa’t kanilang inihain.
🙏 Mula sa puso ng ALS‑Obando District, maraming salamat sa inyong lahat—sa pagtutulungan, sa malasakit, at sa pagserbisyo para sa ating komunidad. 🎉
[💙 I‑share at i‑like ito sa inyong FB page upang patuloy nating ipagdiwang ang mga tagumpay ng ating mga mag-aaral! 💙]
18/07/2025
🎓✨ ALS GRADUATION 2025 ✨🎓
ALS Obando District proudly celebrates the success of our resilient learners in the Alternative Learning System (ALS)!
Today, we honor your courage, your hard work, and your unwavering determination. Sa kabila ng mga hamon ng buhay, pinatunayan ninyong posible pa ring makamit ang pangarap sa tamang panahon, sa tamang paraan.
Kahit umuulan at suspended ang klase, tuloy pa rin ang graduation — dahil ang pangarap ay hindi kailanman nasususpinde. ☔🎓
Sa likod ng bawat ngiti ngayong araw ay mga taong hindi sumuko, kahit mahirap ang sitwasyon, kahit may hadlang, at kahit madalas ay parang imposible. Pero ngayong araw, napatunayan n’yo — kayang abutin ang pangarap basta may determinasyon at tiwala sa sarili.
💫 “Sa bawat diploma, may kwento ng pagsusumikap, sakripisyo, at panalangin.”
Mabuhay kayo, ALS Graduates 2025! Isang hakbang paakyat sa mas maliwanag na kinabukasan. 🌟
📍 Venue: Obando Central School
📅 Date: July 18, 2025
📸 Follow our page for more highlights and photos!
14/06/2025
✈️💔 Air India Crash: A Tragic Reminder to Never Delay Our Dreams
Yesterday’s heartbreaking news about the Air India crash reminds us all how fragile life is. In just a moment, hundreds of lives, dreams, and futures were gone. Many of them were students, workers, families—people with plans for tomorrow that never came.
To our dear ALS learners:
You are alive. You are given another chance.
Don't waste it.
Maaaring nahuli ka man sa pag-aaral, pero hindi pa huli ang lahat. Habang may hininga ka pa, may pag-asa pa.
May karapatan ka pa ring mangarap, matuto, at magtagumpay.
Bawat module na tinatapos mo, bawat sesyon na dinadaluhan mo, bawat pagsisikap mo—lahat ‘yan ay hakbang papunta sa mas magandang bukas.
Gawin nating aral ang trahedyang ito.
Mamuhay nang may layunin. Mag-aral nang may puso.
At huwag nang hintayin ang “balang araw”—dahil baka hindi na dumating iyon.
🙏💡Let’s pray for the victims and their families.At bilang paggunita sa kanila, gawin nating makabuluhan ang ating buhay.
Kaya ano pa ang hinihintay mo?
Tara na at mag enroll na sa Alternative Learning System sa Distrito ng Obando
Makipag-ugnayan:
Sir Simplicio Alcantara - Obando CS / Salambao CLC
Mam Lorna Saluta Alcantara - Obando CS
Sir Joel Resurreccion - Panghulo CLC / Tawiran CLC
Mam Mary Edlyn Bautista Bermudo - Lawa Es / Binuangan CLC
07/06/2025
BREAKING NEWS!
97 ALS A&E Passers, Ipinagmamalaki ng Obando District 🎓
Obando, Bulacan — Isang makasaysayang tagumpay ang naitala ng Obando District matapos makapagtala ng 97 bagong passers sa 2025 Accreditation and Equivalency (A&E) Test ng Alternative Learning System (ALS), ayon sa opisyal na anunsyo ng Department of Education noong Hunyo 6, 2025.
Ang mga pumasa ay mula sa parehong elementary at junior high school levels, na ngayon ay may pagkakataong magpatuloy sa Senior High School, kumuha ng mga kasanayang teknikal sa TESDA, alinsunod sa kanilang mga pangarap at layunin sa buhay.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng dedikasyon ng mga ALS learners, suporta ng kanilang mga g**o, pamilya, at ng buong komunidad ng Obando. Ito rin ay patunay na ang edukasyon ay bukas para sa lahat, anuman ang edad o estado sa buhay.
Para sa mga hindi pa pinalad na makapasa, huwag mawalan ng pag-asa. Ang bawat pagkatalo ay hakbang patungo sa tagumpay. Patuloy lamang sa pagsusumikap at tiwala sa sarili, sapagkat ang tagumpay ay para sa lahat ng may determinasyon.
07/06/2025
🎉 MABUHAY ANG 2025 ALS A&E PASSERS! 🎉
Isang mainit na pagbati sa lahat ng pumasa sa 2025 Accreditation and Equivalency (A&E) Test! Ayon sa Department of Education (DepEd), kabuuang 112,379 na indibidwal ang matagumpay na nakapasa sa pagsusulit na isinagawa noong Enero 26 (Luzon) at Pebrero 2 (Visayas at Mindanao) 2025.
📌 Mga Detalye ng Resulta:
✅ Elementary Passers: 12,938
🟡 Conditional Elementary Passers: 3,767
✅ Junior High School Passers: 73,833
🟡 Conditional Junior High School Passers: 21,841
Ang mga conditional passers ay kinakailangang sumailalim sa dalawang linggong learning enhancement program na pangungunahan ng kani-kanilang Community Learning Centers o Schools Division Offices.
📄 Para sa kumpletong listahan ng mga pumasa, bisitahin ang opisyal na DepEd Memorandum No. 046, s. 2025:
👉 DepEd Official Announcement
🎓 Para sa mga pumasa:
Maari nang mag-enroll sa Grade 7 o Grade 11, depende sa antas ng pagsusulit na natapos.
Ang Certificate of Rating (COR) ay maaaring kunin sa Schools Division Office kung saan isinagawa ang pagsusulit.
👏 Muli, isang malaking pagbati sa inyong lahat! Patunay ito na ang sipag at tiyaga ay nagbubunga ng tagumpay. Ipagpatuloy ang inyong paglalakbay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan!
03/06/2025
Just In!
SB session to promote ALS advocacy of Obando District. Lubos ang aming pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng San Pascual, sa pangunguna ni Punong Barangay Esmer Papa, sa kanilang buong suporta sa aming layunin na maabot ng bawat Obandeño na nagnanais makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng alternatibong edukasyon.
Ang pakikiisa ng pamahalaang barangay ay mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibong edukasyon, na nagbibigay ng bagong pag-asa sa mga out-of-school youth at adult learners sa ating komunidad. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy nating pinapatunayan na ang edukasyon ay karapatang dapat ipaglaban at abutin ng lahat.
Maraming salamat po, Sangguniang Barangay ng San Pascual, sa inyong dedikasyon at malasakit para sa kinabukasan ng ating mga kabaranggay.
25/09/2023
Ang Alternative Learning System (ALS) Obando ay Nakikiisa sa National Family Week
September 25, 2023
Sa pagdiriwang ng National Family Week, hindi nagpapahuli ang Alternative Learning System (ALS) sa pagpapakita ng pagsuporta sa pagpapahalaga sa pamilya at pagkakaisa. Kasama ang mga estudyante, g**o, at mga kawani ng ALS, sumasali ang sistema sa mga aktibidad at proyektong nagbibigay diin sa pagiging bukas para sa mga pamilya at sa pagtutulungan upang mapalaganap ang edukasyon.
Ang ALS Obando ay hindi lamang naglalayong magbigay ng edukasyon kundi pati na rin magkaroon ng positibong impluwensya sa mga komunidad at pamilya. Isinasagawa ng ALS ang kanilang pangako na magtulungan upang mapanatili ang mga halaga ng pamilya at pagkakaroon ng mas matatag na ugnayan.
Sa pagdiriwang ng National Family Week ang ALS Obando ay patuloy na nagpapakita ng kanilang pagtitiwala sa pagiging bukas para sa pamilya, at sa kanilang pangako na patuloy na maglingkod at magbigay inspirasyon sa mga pamilyang Pilipino.
25/09/2023
P A G B A T I !
Ang ALS Obando District ay nasasabik at nalulugod na ipinapaabot ang aming taos-pusong pagbati sa iyong kahanga-hangang tagumpay na nakapagtapos ng Cum laude mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa kursong Bachelor of Arts in Broadcasting Communication.
Ang iyong dedikasyon, tiyaga, at hindi natitinag na pangako sa iyong pag-aaral ay nagbunga sa nararapat na karangalang ito. Ang pagtatapos ng cm laude ay hindi lamang isang testamento sa iyong kahusayan sa akademya kundi isang patunay din sa iyong katatagan sa harap ng mga hamon at iyong determinasyon na ituloy ang kaalaman at pag-unlad.
Hindi lamang ikaw ang nagtapos; ikaw ay magiging inspirasyon sa iba na nagpapakita na sa kabila ng mga hamon at limitasyon, mayroong paraan para sa tagumpay. Ang iyong tagumpay ay nagpapatunay na ang edukasyon ay walang hanggan at nagbibigay ng pag-asa sa lahat na nagnanais na magkaroon ng magandang kinabukasan.
MARY JANE N. BUHAWI
Bachelor of Arts in Broadcasting Communication
🏅 CUM LAUDE
🏅 Dean's List Award
🏅 President's List Award
Polytechnic University of the Philippines (PUP)
ALS GRADUATE BATCH 2017
Sa ALS Obando nasa mabuti kayong mga kamay!
27/07/2023
Congratulations Sir Joel S. Resurreccion for passing the Microsoft Certified Educators Examination for DepEd Teachers as per DM-OUHROD-2023-0974.
Sir Joel was one of the 524 examinees in the nation. You truly are Obando Central School's pride! We are proud of you and are all glad of your new achievement!
21/06/2023
"Where Dreams Meet Determination: Inter-District Revalida Celebrates ALS Learners Achievements"
Dreams became reality as students showcased their dedication and determination at the Inter-District Revalida held on June 21, 2023 at Obando Central School.
Attended by 175 ALS Learners who unleash their untapped potential. Through rigorous preparation and a determination to succeed, participants discovered their true capabilities, proving that with the right mindset and opportunities, extraordinary achievements are within reach.
Guided by the Division Validators headed by Sir Edgardo C. Macarasig, EPSA II, Mam Melissa Serrano, Sir Enrique Sanchez, Mam Carla Dela Cruz and Mam Lyza Marie H. Mendoza, Leaners engaged in a series of assessment thru Oral and Written Exam and Interview, designed to evaluate their Presentation Portfolio, mastery of 6 Learning Strand, critical thinking abilities and practical application of knowledge.
As the revalida concluded, learners left with a profound sense of accomplishment and renewed determination to continue their educational journey, ensuring that no one is left behind in the pursuit of knowledge.
Special Thanks,
Dr. Edna T. Gomez, Principal IV Obando Central School
Imelda S. Joaquin - Master Teacher II-OIC (OCS)
Dr. Anabell R. Palomo - District Supervisor
ALS Teachers
Simplicio D. Alcantara Jr.
Joel S. Resurreccion
Mary Edlyn B. Bermudo
Lorna S. Alcantara