DepEd Tayo - Tawiran Elementary School

DepEd Tayo - Tawiran Elementary School

Share

This is the official page of Tawiran Elementary School - Tawiran, Obando, Bulacan

Photos from DepEd Tayo - Tawiran Elementary School's post 18/06/2026

📢 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026

Ngayong araw, Hunyo 18, 2026, matagumpay na nakiisa ang mga mag-aaral, g**o, at kawani ng Tawiran Elementary School sa pagsasagawa ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng bawat isa sa tamang pagtugon sa oras ng lindol. Sa pamamagitan ng pagsunod sa wastong pamamaraan tulad ng Duck, Cover, and Hold naipakita ng ating paaralan ang kahalagahan ng disiplina, pakikiisa, at kahandaan sa panahon ng sakuna.

Patuloy nating isabuhay ang pagiging handa upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

Ang kahandaan ngayon ay kaligtasan bukas!

15/06/2026

𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗔𝗧𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦!

The school warmly congratulates Ma’am Maria Charito M. Baltazar on her well-deserved promotion to 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗜𝗩 through the 𝗘𝘅𝗽𝗮𝗻𝗱𝗲𝗱 𝗖𝗮𝗿𝗲𝗲𝗿 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 (ECP).

Your dedication, hard work, and commitment to quality education have truly paid off. We are proud of your achievement and wish you continued success in your teaching career.

Congratulations, Ma’am Maria Charito M. Baltazar!

Photos from DepEd Tayo - Tawiran Elementary School's post 14/06/2026

JUNE 15 | FLAG RAISING CEREMONY ✨

Simula ng panibagong linggo, puno ng sigla at pag-asa!

Sama-sama nating ipinakita ang pagmamahal sa bayan sa ating Flag Raising Ceremony.
Handa na ba ang lahat para sa isang masaya at makabuluhang linggo ng pagkatuto?

Happy Monday, learners! 💚

Photos from DepEd Tayo - Tawiran Elementary School's post 12/06/2026

GENERAL ASSEMBLY AT HRPTA MEETING 2026

Matagumpay na naisagawa ang ating General Assembly at Homeroom Parent-Teacher Association (HRPTA) Meeting na dinaluhan ng mga magulang, g**o, at mga opisyal ng paaralan.

Layunin ng gawaing ito na mapagtibay ang ugnayan ng tahanan at paaralan, maibahagi ang mga programa at plano ng paaralan, at mapag-usapan ang mga hakbang upang higit pang mapabuti ang pagkatuto at kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at stakeholders na naglaan ng oras at suporta upang makibahagi sa mahalagang gawaing ito. Ang inyong aktibong pakikilahok ay malaking bahagi sa tagumpay ng ating paaralan.

10/06/2026

PAANYAYA SA GENERAL ASSEMBLY AT HOMEROOM PTA MEETING 📢

Magandang araw, mga minamahal na magulang at tagapag-alaga!

Inaanyayahan po namin kayo na dumalo sa ating General Assembly at Homeroom PTA Meeting upang talakayin ang mahahalagang programa, alituntunin, at mga plano para sa School Year 2026–2027. Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang higit nating masuportahan ang pagkatuto at kapakanan ng ating mga mag-aaral.

📅 Petsa: June 11, 2026 (Huwebes)
🕐 Oras: 1:00 ng tanghali
📍 Lugar: Tawiran Elementary School

Ang pagtutulungan ng paaralan at tahanan ay susi sa tagumpay ng ating mga anak. Sama-sama nating pag-usapan ang mga mahahalagang usapin para sa ikabubuti ng ating paaralan at komunidad.

Ang inyong presensya ay lubos naming pinahahalagahan at inaasahan.

Kitakits po sa Tawiran Elementary School!

05/06/2026

🎉 Happy Birthday, Ma'am Analiza Nicodemus! 🎂

May your day be filled with happiness, good health, and countless blessings.

Wishing you a wonderful birthday and a year filled with success, joy, and fulfillment!

Photos from DepEd Tayo - Tawiran Elementary School's post 04/06/2026

🌟 BRIGADA HEROES 2026 🌟

Ang aming taos-pusong pasasalamat sa Gokongwei Brothers Foundation, Inc. at JG Summit, sa pangunguna ni Ma'am Joyce R. Doria, HR Business Partner, para sa kanilang mahalagang kontribusyon sa ating Brigada Eskwela 2026.

Maraming salamat sa inyong ibinahaging cleaning materials, school bags, at higit sa lahat, sa inyong oras at pagsisikap sa pakikilahok sa paglilinis ng aming paaralan. Ang inyong malasakit at diwa ng bayanihan ay malaking bahagi sa paghahanda ng isang ligtas at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Kayo ay tunay na inspirasyon at huwaran ng paglilingkod sa komunidad. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta sa edukasyon!

Sama-sama para sa mas maayos na paaralan at mas magandang kinabukasan ng kabataan.



Photos from DepEd Philippines's post 29/05/2026
Want your school to be the top-listed School/college in Obando?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Tawiran
Obando
3021

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm