16/06/2026
Ano ang kailangan dalhin sa araw ng pasok ng bata?
narito ang mga kailangan dalhin:
1 Plastic Envelope with Handle
1 Big Notebook ( color accdg /Session)
3 Mongol Pencil #2
1 Sharpener
1 Crayola So Big (8 colors)
1 Elmers Glue
1 Scissors
1 Set Molding Clay (non-toxic)
1 Set Color Paint
50pcs colored Popsicle Sticks
Hygiene Kit
ilagay sa maliit na Pouch (Transparent)
Wet Tissue
Tissue
Alcohol
Soap
Powder
Comb (Suklay)
Tooth Brush
Tooth Paste
Extra Underwear
ito po ang mga kailangan dalhin araw araw ng ating mga anak sa loob ng ating Daycare Center.
15/06/2026
📚 PARENT ORIENTATION 2026–2027 📚
Ngayong araw ay matagumpay na ginanap ang ating Parent Orientation para sa Panuruang Taon 2026–2027.
Nakakatuwang masdan ang halos 100% na pagdalo ng ating mga masisipag at responsableng magulang, bilang pagpapakita ng kanilang suporta at pakikiisa sa edukasyon at paghubog ng kanilang mga anak.
Pinangunahan ang nasabing programa ng ating g**o na si Teacher Kian Perez , kasama ang mga Teacher Aides na sina Ate Jas, Ate Dhalz Gregorio Ruz , at Ate Teresa Magdasoc.
Ang gawaing ito ay isa lamang sa mga unang hakbang ng ating mga programa para sa Barangay Baclaran Child Development Center, na naglalayong mapalakas ang ugnayan ng paaralan at pamilya para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Lubos din ang aming pasasalamat kay Punong Barangay Kap Jun Zaide - Baclaran kasama si kagawad Sean Sanciego komite sa edukasyon at kagawad Roldan Magnaye sa kanilang patuloy at walang sawang suporta sa edukasyon at kapakanan ng mga batang mag-aaral ng ating daycare center.
Sama-sama nating harapin ang bagong panuruang taon na may pagkakaisa, pagtutulungan, at dedikasyon upang makamit ang isang maayos, masagana, at matagumpay na pagbubukas ng ating paaralang sinta.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta! 💙💙💙
📖✨
14/06/2026
Isang Mabiyayang Araw! 💙📚
Ngayong araw ay narito tayo sa Baclaran Elementary School Central upang maging kabahagi sa misyon ng The Channel of Hope Foundation Inc. sa pamimigay ng LIBRENG SCHOOL SUPPLIES para sa mga mag-aaral ng ating Child Development Center.
Lubos po ang aming pasasalamat kay Sir Simeon Bishop ng The Channel of Hope Foundation Inc. sa kanyang kabutihang-loob at pagmamalasakit sa ating mga kabataan.
Maraming salamat din kay Kapitan Jun Zaide, ang ama ng Barangay Baclaran, at kay Kagawad Sean Sanciego sa kanyang pag-aasikaso upang maging matagumpay ang programang ito.
Kasama rin natin ang ating mga lider-kabataan sa pangunguna nina Ate Dhapney Ramae Eugenio, Ate Pola Santos, Ate Maria Marijue Dulog, Kuya Manolito Gonzales Jr., Kuya Bryan Tagle, Kuya Earl Dhan Dueñas, at Kuya Benedict Gabarda, na naglaan ng kanilang oras at serbisyo para sa ating mga mag-aaral.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating G**o Kalinga, Teacher Kian Perez, sa pangunguna at pag-aasikaso upang maisakatuparan ang programang ito para sa mga mag-aaral ng daycare center, kasama sina Ate Dahlia Ruz, Ate Jasmin Ramirez, at Ate Teresa Magdasoc.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa napakabait at may pusong School Principal ng BES Central, Ms. Myla Velasquez. Isang tawag lamang ay agad ninyong ipinagkaloob ang inyong suporta at pahintulot para sa gawaing ito. Maraming-maraming salamat po sa inyong kabutihan at malasakit sa edukasyon ng mga bata.
At higit sa lahat, ang aming pinakamataas na pasasalamat ay para sa ating Panginoong Diyos, na siyang nagbigay ng pagkakataong ito at gumamit ng mga taong may mabubuting puso upang maging daan ng biyaya para sa ating mga mag-aaral.
Nawa'y patuloy tayong maging instrumento ng pag-asa at pagmamahal para sa ating mga kabataan.
God bless us all! ❤️🙏📚
11/06/2026
🇵🇭 Maligayang Ika-128 Taon ng Araw ng Kalayaan! 🇵🇭
Ang buong Barangay Baclaran Child Development Center ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Ika-128 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.
Nawa’y patuloy nating mahalin, pahalagahan, at ipagmalaki ang ating bayan habang itinatanim sa puso ng ating mga kabataan ang diwa ng pagkakaisa, pagmamahal sa kapwa, at pagiging mabuting mamamayan.
Sama-sama nating ipagdiwang ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani para sa mas maliwanag na kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Maligayang Araw ng Kalayaan!
🇵🇭 Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭
– Barangay Baclaran Child Development Center
09/06/2026
Child Development Worker’s Week
June 8 - 11, 2026
CDW’s Week 2026
with the theme "MGA CHILD DEVELOPMENT WORKERS HALIGI NG MAAGANG EDUKASYON, GABAY SA MATATAG NA EDUKASYON NG KABATAAN" was celebrated with great enthusiasm by the ECCD.
Child Development Workers play a crucial role in the early stages of a child’s life, helping lay the foundation for future learning and development. Their work supports children's overall well-being and prepares them for success in school and beyond.
The celebration highlighted the significant contributions of child development workers to the community, emphasizing their dedication to fostering the growth and development of young children.
05/06/2026
📚✨ Excited ka na ba? ✨📚
Tapos na ang summer, simula na ng klase! 🎒🍎
Ayusan na si baby at ihanda na ang kanyang mga gamit para sa nalalapit na pasukan ngayong June 22, 2026 (Lunes).
Sabik na kaming makita kayong muli sa unang araw ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027!
Kita-kits tayo, mga bata at parents! 💙🏫
05/06/2026
Magandang Araw mga Magulang!
Narito po ang design ng ating SCHOOL UNIFORM para sa darating na pasukan.
Nais din po naming ipaalam na ang ating mga g**o at staff ay hindi po nagbebenta ng school uniform. Ang pagbili o pagpapatahi po nito ay maaaring gawin sa inyong napiling supplier o mananahi.
Maraming salamat po at inaasahan po namin ang inyong pakikiisa para sa maayos na paghahanda sa nalalapit na pasukan. 😊
05/06/2026
‼️BALIK ESKWELA‼️
balik eskwela na ang mga mag-aaral ngayong hunyo,
handang handa na ang mga supportive parents natin,
kaya naman kanina po ay ipinamahagi po natin ang mga FREE SCHOOL UNIFORM na handog ng ating City Mayor L. Olivarez. Maraming Salamat po sa ating butihing Mayor Kuya Edwin L. Olivarez sa napakagandang proyekto para sa lahat ng mag aaral sa elementarya ng buong lungsod ng Parañaque.
Maraming Salamat din sa aming OIC Head sir Fajardo at ECCD Focal Ms. Malen Ocampo sa pangunguna at pag inspekyon sa pamimigay ng mga Libreng Uniporme ng ating mga nagsipagtapos na mag aaral (Batch 2025-2026). kaya naman agaran natin ipinamahagi ito sa mga magulang ng ating mag aaral upang ito ay kanilang magamit na sa unang araw ng pasukan sa darating na LUNES.
Maraming Salamat din sa ating Punong Barangay Kap Jun Zaide - Baclaran sa service na aming ginagamit sa tuwing ito ay aming kailangan. taos puso pong pasasalamat sa patuloy na pag yakap sa aming mga mag aaral.
04/06/2026
Magandang Araw po!
Nais po naming ipaalam na ang ating
PARENT ORIENTATION
ay gaganapin sa darating na June 15, 2026 (Lunes), alas-9:00 ng umaga
3rd Floor, Kalele Hall, Baclaran, Parañaque City.
Ito po ay para sa mga mag-aaral
ni Teacher Kian A. Perez.
Inaanyayahan po namin ang lahat
ng mga magulang na dumalo.
Kita-kita po tayo, mga magulang! Maraming salamat po.