20/06/2026
BINABATI NAMIN ANG ATING MGA ATLETANG TAEKWONDO! 🎉🏆
Taos-pusong pagbati sa ating mga natatanging atleta na nagbigay ng karangalan sa Parañaque Batang Pinoy Selection 2026!
🥇 Vril Anjoe Timbas • Poomsae Individual (Cadet) – Ginto • Freestyle – Ginto
🥈 Adam Dwayne C. Suratos • Poomsae Individual (Grade School) – Pilak
🥈 Khryz Courtney P. Balagtas • Poomsae Individual (Novice Grade School) – Pilak
🥇 Jimeina Joyce C. Salazar • Kyorugi (Cadet) – Ginto
🥇 Zyana Altria B. Adobas • Kyorugi (Novice Grade School) – Ginto
Ang inyong sipag, tiyaga, disiplina, at husay ay nagdala ng karangalan sa ating paaralan at sa Lungsod ng Parañaque. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa kapwa kabataan upang patuloy na magsikap at abutin ang kanilang mga pangarap.
Taos-puso rin naming pinasasalamatan at binabati ang ating mga coaches na sina Coach Ma. Divina Medallada, Coach Antonino Medallada, at Coach JM Medallada sa kanilang walang sawang paggabay, pagsasanay, at suporta sa ating mga atleta. Ang tagumpay na ito ay bunga rin ng inyong dedikasyon at pagmamahal sa isport.
Muli, pagbati sa ating mga kampeon! Patuloy ninyong dalhin ang dangal at karangalan ng ating paaralan at komunidad.
Mabuhay ang ating mga atletang SDES!
Patuloy na lumaban at magtagumpay! 🎉👏
18/06/2026
Isang Milestone para sa San Dionisio ES
Buong puso naming ibinabahagi ang tagumpay ng San Dionisio Elementary School sa pag-abot ng Minimum Proficiency Level sa ELLNA na may Overall MPS na 79.26 mula sa 215 na mag-aaral.
Hindi magiging posible ito kung wala ang pagtutulungan ng ating mga g**o, ang tiyaga ng ating mga mag-aaral, at ang walang sawang suporta ng mga magulang at komunidad.
Gawin nating inspirasyon ang tagumpay na ito upang mas pagbutihin pa natin ang layunin ng paaralan: ang hubugin ang mga batang may husay at may pag-asa.
18/06/2026
San Dionisio Elementary School extends a warm and respectful Welcome to our esteemed District III Public Schools District Supervisor, Ms. Editha O. Adal.
Your visit is sincerely appreciated, and we look forward to your guidance and continued support in advancing quality education for our learners and school community.
07/06/2026
READ: Message of DepEd NCR Regional Director and concurrent Officer-in-Charge of the Office of the Assistant Secretary for Operations, Asec. Jocelyn DR Andaya, for the Opening of Classes, School Year 2026-2027
28/05/2026
Bayanihan para sa Paaralan!
Makiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng San Dionisio Elementary School ngayong June 1–5, 2026. Sama-sama nating linisin, ayusin, at pagandahin ang ating paaralan upang maging handa at ligtas para sa bagong taong panuruan. 💙📚
Ang bawat oras, pawis, at tulong ay malaking ambag para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral. Tara na at magkaisa para sa kaayusan at kaalaman! 💪🏫
19/05/2026
Hindi lamang mga parangal—ito ay bunga ng sama-samang sipag, dedikasyon, at pagmamahal sa edukasyon.
Ang San Dionisio Elementary School ay buong pusong nagpapasalamat sa pagkilalang ito bilang patunay ng husay at tagumpay ng ating mga mag-aaral, g**o, magulang, at buong komunidad ng paaralan.
📚 96.77% MALAYA Readers sa Phil-IRI
🥇 Rank 1 sa Grade 6 National Achievement Test
🏅 Rank 5 sa Rapid Mathematics Assessment (Key Stage 1)
Patuloy nating itataas ang bandera ng SDES tungo sa mas mataas na antas ng kahusayan at tagumpay. 💙💛
“Kapag nagkakaisa, kayang maabot ang tagumpay.”
10/05/2026
📢 Magandang Balita!
Bukas na ang ✨Alternative Learning System (ALS)✨ sa San Dionisio Elementary School para sa mga out-of-school youth at adult learners na nais muling makapag-aral at makapagtapos. 📚💙
✅ Libreng pag-aaral
✅ Para sa Elementary at Junior High School
✅ Bukas para sa bagong pag-asa at oportunidad
Mangarap, mag-aral, at magtagumpay — dahil sa ALS, posible ang second chance! 🌟
Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa Guidance Office ng SDES o makipag-ugnayan sa ALS Implementer ( Maam Haide I. Peñafuerte)
01/04/2026
March 27,2026
🎓 Pagbati sa mga Nagsipagtapos ng San Dionisio Elementary School, Class of 2026! 🎓
Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag at tiyaga. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa patuloy ninyong pag-abot sa inyong mga pangarap.
Muli, taos-pusong pagbati at mabuhay kayo! 🎉