17/06/2026
Pagbati sa lahat ng ๐จ๐ฃ ๐๐ข๐ฆ๐ง ๐ฆ๐ members na matagumpay na naitawid ang ๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐บ๐ฒ๐๐๐ฟ๐ฒ ng A.Y. 2025โ2026! ๐๐
Bagaman hindi nasusukat ng mga numero ang tunay na halaga ng inyong mga pagsusumikap, nararapat lamang na kilalanin at ipagdiwang ang mga tagumpay na inyong nakamit. Kaya bilang pagpupuri, binabati namin kayo, lalong-lalo na ang mga Academic Achievers.
Academic achievers? More like academic weapons. ๐โก
Nawaโy ipagpatuloy ang pag-alab ng puso sa karunungan ng may dangal, tapang, at dedikasyon. Lagiโt lagi para sa bayan.
Padayon, mga Iskolar ng Bayan!
13/06/2026
๐ฃ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฝ๐ฒ, ๐ข๐ป๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ ๐ง๐ถ๐บ๐ฒ
Far-flung communities are often the last to receive assistance during disasters, leaving many without access to communication and essential services. For many families, staying connected can mean faster rescue, relief, and recovery.
Through Bangon Mindanao Network, we aim to provide 14 portable solar-powered charging stations to vulnerable barangays in General Santos City. These devices will be deployed to provide reliable source of power for communication and emergency coordination when communities need it most.
With a fundraising goal of โฑ70,000, we can help ensure that communities remain connected during emergencies and recovery efforts.
Every contribution brings us closer to a more resilient and disaster-ready Mindanao.
Join us in this initiative and be part of the movement to power hope and strengthen communities. โก
12/06/2026
๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ
Ngayong araw ginugunita ang ika-128 Anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas. Noong ikaw-12 Hunyo 1898 unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite kasabay ng pagpapahayag ng kasarinlan ng bansa mula sa pananakop ng mga Kolonistang Espanyol.
Hindi malilimutan na ang panandaliang pagtamasa sa inaasam na kalayaan na ito ay muling ipinagkait nang lumusob ang nooโy umuusbong na puwersang imperyalista na Estados Unidos. Ang kanilang marahas na paggapi sa ating kasarinlan ay pilit na tinabunan ng mapagbalatkayong mga programa na nagpapangako ng pag-unlad.
At ngayon, bagaman โmalayaโ sa puntong may lokal na pamahalaang pinamumunuan ng mga Pilipino, mananatiling huwad ang kalayaang ito hanggaโt patuloy ang panghihimasok ng mga imperyalistang puwersa gaya ng Tsina at Estados Unidos sa ating ekonomiya, politika, edukasyon, at maging sa mga kabuhayan.
Sa kasalukuyan, isang nakapangangambang kasunduan ang nabuo sa pagitan ni Marcos Jr. at ng Estados Unidos. Ang Pax Silica ay programang pinangungunahan ng imperyalistang U.S. upang makamit ang seguridad nito sa supply ng semi-conductors na kinakailangan sa pagbuo ng mga AI-systems at maging sa pagbuo ng mga kagamitang pandigma. Sa loob ng kasunduang ito ay ang pagbibigay ng 1,600 ektaryang lupa sa U.S.-Israel upang pagtayuan ng AI-native investment acceleration hub. Sa paglagda nito, nalalantad ang bansa sa mas malawak na operasyon ng pagmimina at land grabbing na siyang kakamkam ng ating mga likas na yaman gaya ng nickel, copper, chromite, at cobalt. Dahil sa kasalatan sa pambansang industriya, marahil ay magiging madali ang pananamantala ng mga industriyalisadong bansa. Ang Pilipinas ang ituturing na supplier ng hilaw na materyales habang mananatili pa rin sa mga dambuhalang korporasyon at makapangyarihang bansa ang pinakamalaking kita.
Bilang organisasyon na binubuo ng mga siyentista at mga inhinyero, ang UP DOST Scholarsโ Association ay naniniwala na ang agham at teknolohiya ay nararapat na isinusulong upang pagsilbihan ang sambayanan. Ito ay nagsisilbi sa pagpapabuti ng buhay at hindi sa pagpapalaki ng kita at pagpaparami ng kagamitang pandigma.
Ang araw na ito ay mananatiling tanda, isang hamon upang kamtan ang diwang mapagpalaya na taglay ng mga Pilipinong nauna sa atin. Buong lakas at buong paninindigan nating isulong ang agham na tunay na makamasa at makakalikasan. Hanggat patuloy ang panghihimasok ng mga imperyalista, pang-aabuso ng mga elitista, at kawalan ng karapatan, hindi mawawala ang banta sa ating kasarinlan. Mananatiling huwad ang kalayaan.
๐๐ฌ๐ค๐จ๐ฅ๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐ ๐ก๐๐ฆ ๐๐ญ ๐๐๐ค๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ก๐ข๐ฒ๐, ๐ฅ๐๐ง๐ฌ๐๐ ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฐ๐๐ซ๐ฌ๐๐ง๐ ๐ข๐ฆ๐ฉ๐๐ซ๐ฒ๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐. ๐๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ ๐ก๐๐ฆ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐ฆ๐๐ฌ๐!
30/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Isang taos-pusong pagbati mula sa ๐จ๐ฃ ๐๐ข๐ฆ๐ง ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ๐โ ๐๐๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป para sa mga pumasa sa ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐ข๐ฆ๐ง-๐ฆ๐๐ ๐จ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ด๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ๐๐ฒ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ๐๐ต๐ถ๐ฝ๐ ๐๐
๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป!
Sa panahong kinahaharap ng bansa ang samuโt saring hamonโmula sa krisis sa edukasyon, lumalalang epekto ng pagbabago ng klima, hanggang sa paglaganap ng maling impormasyonโmas lalong nagiging mahalaga ang papel ng agham at teknolohiya sa paglilingkod sa mamamayan.
Bilang mga bagong iskolar, mahalagang tandaan na ang pribilehiyong ito ay higit pa sa pinansyal na suporta o pagkilala sa husay sa akademya. Ito ay isang pamumuhunan ng sambayanan sa kabataang may kakayahang mag-ambag sa pag-unlad ng bansa. Kaakibat nito ang responsibilidad na gamitin ang ating kaalaman at kakayahan upang tugunan ang mga suliraning kinakaharap ng ating mga komunidad.
Sa inyong pagpasok sa ibaโt ibang larangan ng agham at teknolohiya, nawaโy manatili kayong mapanuri, makatao, at nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan. Ang agham ay hindi lamang para sa mga laboratoryo at silid-aralan; ito ay para sa mga magsasaka, manggagawa, g**o, estudyante, at lahat ng Pilipino.
Mga bagong iskolar, mayroon na kayong mas malakas na boses at mas malawak na komunidad na handang sumuporta sa inyo. Gamitin natin ang ating edukasyon hindi lamang para sa pansariling tagumpay kundi para sa kolektibong pag-unlad ng bayan.
๐๐ช๐ก๐, ๐ข๐๐ก๐ช๐๐ค๐ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐ ๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฉ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐จ๐ ๐ค๐ก๐๐ง ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ข, ๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ค๐ก๐ค๐๐๐ฎ๐, ๐๐ฉ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ!
Para sa ating mga bagong iskolar ng agham, teknolohiya, at bayan, maaaring pakisagutan ang form na ito:
https://tinyurl.com/2026UPDOSTUGQualifiers
https://tinyurl.com/2026UPDOSTUGQualifiers
https://tinyurl.com/2026UPDOSTUGQualifiers
๐๐๐ข๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ข๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐๐๐ข ๐๐ฉ ๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ค๐ก๐ค๐๐๐ฎ๐, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐จ๐๐ง๐๐ก๐, ๐ ๐ช๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ. ๐๐
01/05/2026
๐๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐ต๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ผ!
Ang agham at teknolohiya, mula sa isang konsepto ay kinakailangang hubugin at pandayin ng mga kamay ng uring manggagawa upang makamtan. Sa bawat disenyo at inobasyon, mababakas ang pawis at pagod ng mga manggagawang Pilipino. Kaya bilang mga Iskolar ng Agham at Teknolohiya, ang UP DOST Scholarsโ Association ay mulat na kinikilala na ang aming edukasyon ay bunga ng buwis na kinakaltas sa kakarampot na sahod ng mga manggagawa, tsuper, at magsasaka.
Ang Mayo Uno sa Pilipinas ay hindi lang araw ng pagkilala sa uring manggagawa. Bagkus, ito ay nagbunga sa pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Noong Ika-1 ng Mayo, 1903, humigit-kumulang sa 10,000 na manggagawa ang nagmartsa patungong Malacaรฑang sa pangunguna ng Union Obrera Democratica Filipinas (UODF). Bitbit nila ang mga panawagan para sa makatarungan at nakabubuhay na sahod, at laban sa pang-aabuso at sa imperyalismong nagiging daan upang pagsamantalahan ng mga dayuhang korporasyon ang mga Pilipino.
Ngayon, 123 taon na ang nakalilipas mula noong unang iginiit ng mga manggagawa ang kanilang karapatan sa Malacaรฑang, subalit patuloy pa rin ang pakikibaka para sa makatarungan at nakabubuhay na sahod. Sa kasalukuyan, ang umiiral na minimum wage sa National Capital Region ay โฑ695 lamang. Malayo ito sa family living wage na tinukoy ng IBON Foundation na โฑ1,266 kada araw para sa pamilyang may limang kasapi sa NCR. Ito ay manipestasyon ng malawakang panggigipit at pagkakait sa mga manggagawa ng kakayahang makamit ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
Matatandaan nitong nagdaang Abril lamang ay nagkasa ng welga ang mga manggagawa ng Kowloon House sa West Avenue, Quezon City. Ito ay bunsod ng pagtanggi ng pamunuan sa โฑ25 dagdag sahod at sa hindi nito pagbabayad sa service charge fee ng mga manggagawa na umabot na sa kalahating milyong piso. Bagaman ipinakita ng welga na ang organisado at nagkakaisang hanay ng mga manggagawa ay kayang mapaluhod ang mga ganid na nagkakait sa karapatan nila, hindi rito natatapos ang laban para sa makataong pagtrato sa mga manggagawa.
Sa kasalukuyan, patuloy ang panlulumpo sa kabuhayan ng higit na nakararaming Pilipino. Habang kinakaladkad ng gyerang agresyon ng US-Israel sa Iran ang mga manggagawang Pilipino patungo sa kahirapan, patuloy pa rin ang pagsisilbi ng pamahalaan sa interes ng mga dambuhalang korporasyon ng langis sa patuloy nitong pagpapatupad sa Oil Deregulation Law. Ramdam ng mga drayber at operator ng ibaโt ibang anyo ng transportasyon ang dagok ng tumataas na presyo ng krudo. Pati ang mga karaniwang manggagawa ay hindi rin ligtas sa nagtataasang presyo ng bilihin at bayarin na sumisimot sa barat na minimum na pasahod.
Ang ganitong panggigipit ay umaabot din hanggang sa kanayunan. Hanggang ngayon, patuloy na sumisidhi ang malapyudal na pananamantala sa ating mga kababayan. Bukod sa sumisirit na presyo ng pataba at abono, ang malapyudal na pang-aalipin ng mga panginoong maylupa ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng paghihirap ng ating mga magsasaka. Madalas silang sumasailalim sa โpakyawanโ na isang porma ng kasunduan kung saan sumasahod ang mga magsasaka ng labis na mababang halaga para sa bulto-bultong trabahong walang anumang seguridad o benepisyo. Walang saysay ang anumang pananaliksik sa agrikultura kung ang mismong nagbubungkal ng lupa ay pinagkakaitan ng pag-aari nito at unti-unting pinapatay sa gutom ng mga panginoong maylupa at agri-corporations.
Ang UP DOST Scholarsโ Association ay hindi mananatiling tahimik sa gitna ng krisis. Mariin naming kinokondena ang patuloy na pambubusabos sa uring manggagawa dulot ng kapabayaan ng estado. Kami ay nananawagang ipatupad ang national living wage at wakasan ang lahat ng anyo ng kontraktwalisayon, ibasura ang Oil Deregulation Law, at isulong ang pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa.
๐๐๐ข๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ข ๐๐ฉ ๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ค๐ก๐ค๐๐๐ฎ๐ ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ข๐ช๐ค ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐ช๐จ๐ฉ๐ง๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐ช๐ค ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฉ๐ง๐๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐๐ค๐ฃ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค!
30/04/2026
๐๐พ๐๐๐๐พ๐ ๐ฝ๐๐๐๐
๐๐ก๐ฎ ๐ข๐ ๐ฉ๐ค ๐ฉ๐๐ ๐๐ค๐ค๐ฃ: ๐ผ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ค ๐จ๐ ๐ฝ๐ช๐ฌ๐๐ฃ
Nitong nagdaang Abril 11, 2026, matagumpay na lumapag sa Karagatang Pasipiko ang Orion spacecraft lulan ang apat na astronaut ng Artemis II. Ang sampung-araw na misyong ito ang itinuturing na pinakamahalagang milestone sa space exploration sa nakalipas na 50 taon. Bakit nga ba naging usap-usapan ang misyong ito sa buong mundo, at ano ang mga rekord na naitala mula rito?
Ayon sa opisyal na ulat ng NASA, ang Artemis II ang kauna-unahang crewed mission na lumampas sa low Earth orbit mula noong Apollo 17 noong 1972. Gamit ang dambuhalang Space Launch System (SLS) rocket, matagumpay na naipadala ang Orion spacecraft palibot sa Buwan. Sa misyong ito, naitala ng apat na astronaut ang bagong rekord para sa pinakamalayong distansya na narating ng tao mula sa Daigdigโmahigit 406,771 kilometro (252,756 miles), na tumalo sa dating rekord ng Apollo 13.
Kilalanin ang mga mukha sa likod ng terminong โMoon Joyโ:
๐๐ผ๐บ๐บ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฅ๐ฒ๐ถ๐ฑ ๐ช๐ถ๐๐ฒ๐บ๐ฎ๐ป โ Ang namuno sa operasyon at naging pinakamatandang tao na nakarating sa orbit ng Buwan.
๐ฃ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ ๐๐น๐ผ๐๐ฒ๐ฟ โ Ang kauna-unahang Black astronaut na lumipad patungo sa Buwan.
๐ ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ ๐๐ผ๐ฐ๐ต โ Ang unang babae na nakasama sa lunar mission.
๐ ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐ป โ Ang unang non-US citizen (Canadian) na nakarating sa deep space.
๐ฅ๐ถ๐๐ฒ โ Isang zero gravity indicator na mascot at dinisenyo ng isang Grade 3 student kalakip nito ang milyon-milyong mga pangalan na isinumite ng mga tao sa NASA.
๐๐ฏ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ช๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ?
Sa loob ng halos 10 araw, sinubok ng mga astronaut ang mga kritikal na sistema ng Orion, kabilang ang life support at komunikasyon. Ayon sa inisyal na pagsusuri ng NASA nitong Abril 20, ang heat shield ng Orion ay naging matatag sa kabila ng matinding init habang muling pumapasok sa atmospera na mas mabilis nang 35 beses sa bilis ng tunog.
Ang tagumpay ng Artemis II ay hindi lamang isang pagbisita sa ating natural na satellite; ito ang nagsisilbing "green light" para sa Artemis III, kung saan nakaplano na ang muling pagtapak ng tao sa Buwan (lunar surface) sa susunod na taon.
Sa pagbabalik ng mga astronaut sa White House ngayong linggo upang makipagpulong sa pangulo, dala nila ang mensahe ng pag-asa at pagkakaisa. Ang Artemis II ay patunay na ang pangarap nating maabot ang kalawakan ay hindi na lamang science fiction, kundi isang realidad na unti-unti nating binubuo.
Caption by: Marcus James Tayo
Pub by: Medina Fe Palmera
Pub Template by: Christopher John Sumilang, Jhon Henson Jacalne
30/04/2026
Havenโt registered yet for our free online CETs Review Sessions? Today is da day!
๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ signup form will accept responses until ๐ญ๐ญ:๐ฑ๐ต ๐ฃ๐ ๐๐ผ๐ฑ๐ฎ๐, ๐๐ฝ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฏ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ. This program will consist of 10 sessions every Saturday (2-4 PM) from ๐ ๐ฎ๐ ๐ฌ๐ฎ ๐๐ผ ๐๐๐น๐ ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ.
Donโt miss your chance! Sign-up now using the link or scan the QR code below ๐ฅธ๐
21/04/2026
๐ข๐พ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ผ๐ผ๐ฏ๐พ๐ต๐ต๐ ๐ฒ๐ท๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ป๐ช๐ฝ๐ฎ๐ญ!
Last night, scholars gathered to navigate the complexities of multivariable calculus during our ๐ ๐ฎ๐๐ต ๐ฎ๐ฏ ๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ฆ๐๐๐๐ถ๐ผ๐ป, in collaboration with the ๐๐ถ๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ.
Thank you to everyone who joined us at the Student Union Building! We hope this session left you feeling more confident and less "curled" up in stress.
Good luck with Math 23 LE 3, scholars!
18/04/2026
Feeling like your study load is increasing at a แดสษชแดสแด สแดแดแด? ๐ง
Whether youโre stuck in Rectangular, Cylindrical, or Spherical coordinates, weโre here to help you integrate it all!
Join us for the ๐ ๐ฎ๐๐ต ๐ฎ๐ฏ ๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ฆ๐๐๐๐ถ๐ผ๐ป as we tackle Unit 3 together in partnership with the ๐๐ถ๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ. Weโll cover everything from Mass calculations to Line Integrals, ensuring youโre ready to face LE 3 with confidence.
๐
Date: April 20, 2026
โฐ Time: 06:00 PM - 08:00 PM
๐ Venue: Room 417, 4th Floor, Student Union Building
Don't let the workload curl you up in stress; let's solve it together! The registration link is in the comments.
10/04/2026
๐ธ๐๐ฅ๐๐ง๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ผ๐๐๐ฃ๐๐ช: ๐๐ ๐จ๐๐ฃ๐๐,
๐๐๐๐๐ฃ๐ค๐ฅ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ โ๐๐๐ โ๐ ๐๐๐๐ก๐ฅ๐ค: ๐๐๐๐ฃ๐๐๐ค๐๐!
The ๐จ๐ฃ ๐๐ข๐ฆ๐ง ๐ฆ๐, in partnership with the ๐๐ถ๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ (๐๐๐ฅ๐), successfully conducted the ๐๐ต๐ฒ๐บ ๐ญ๐ฒ ๐๐ ๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ฆ๐๐๐๐ถ๐ผ๐ป last Wednesday at Room 415, Student Union Building! A huge thank you to everyone who joined and to our volunteers for making the session a ๐๐๐๐๐ก๐ฎ ๐๐๐ซ๐ค๐ง๐๐๐ก๐ one! ๐ฅ
Best of luck on your exams today! May your confidence level be as stable as a noble gas. ๐งช