24/04/2026
Ilan sa mga paalala ni Shaykh Rabīʿ ibn Hādī al-Madkhalī (rahimahullāh):
“Sa katotohanan, inilalagak ko ang aking pag-asa sa mga Salafī sa bawat lugar:
1. Na sundin nila ang landas ng mga matuwid na naunang henerasyon (al-salaf al-ṣāliḥ) sa pagpapalaganap ng mga bagay na nagdudulot ng pagmamahalan at pagkakaisa.
2. At iwanan ang pagyayabang gamit ang mga titulo o label.
3. At umiwas sa mga dahilan ng Ikhtilāf (mga alitan o pagtatalo).
4. At igalang ang mga taong may kaalaman at ang mga nag-aanyaya sa Salafiyyah.
5. At magkaisa sa kanilang mga pahayag o paninindigan.
6. At bumalik sa kanila (sa mga ulama) kapag may mga fitnah o mabibigat na pagsubok na nangyayari.
7. At pigilan ang dila sa pagsasalita laban sa ating mga kapatid.
8. At hinihiling namin sa mga internet website na nag-aangking sumusunod sa manhaj ng Salafī na kilalanin nila ang mga ulama ang kanilang katayuan at ranggo.
9. At umiwas sa pagmamaliit o paglapastangan sa kanila.”
📘“Advice and hope to the Salafī brothers” (pahina 1)
Ang payo na ito ni Shiekh dr. Rabīʿ ibn Hādī al-Madkhalī rahimahullah ay umiikot sa isang pangunahing prinsipyo:
Ito ay ang panatilihin ang pagkakaisa ng mga tunay na Salafī sa pamamagitan ng tamang asal, respeto sa mga ulama, at pag-iwas sa walang saysay na alitan.
Ibig sabihin sa praktikal nating buhay:
Hindi sukatan ng pagiging tama , ang dami ng titulo o label.
Ang mahalaga ay ang pagsunod sa manhaj ng al-salaf al-ṣāliḥ, hindi ang pagyayabang kung sino ang mas “tunay” o mas “senior.”
Ang madalas na awayan, bangayan, at siraan ay hindi paraan ng Ahl al-Sunnah.
Kapag may fitnah o magulong isyu, ang tamang hakbang ay bumalik sa mga ulama, hindi sa opinyon ng social media o sinomang umieksena gamit ang emosyon.
Ang pagmamaliit o pag-atake sa mga ulama ay senyales ng paglihis sa tamang adab.
Kahit may pagkakamali ang isang tao, ang asal ng Salafī ay may respeto at may hangganan sa pananalita.
Sa madaling salita, mga kapatid:
Ang tunay na Salafī ay nakikilala sa ugali ng pagkakaisa, paggalang sa ulama, at pagpipigil ng dila, hindi sa pagiging maingay o palaban sa kanila o paggamit ng ulama para pagsabungin ang mga ulama ng salafiyyah. Maging tagapag-agap ng fitnah at hindi maging tagapag gatong ng fitnah.
Sinabi ng Allah: وَاعْتَصِمُوا بِحَبْلِ اللَّهِ جَمِيعًا وَلَا تَفَرَّقُو
“At humawak kayong lahat sa lubid ng Allah at huwag kayong magkawatak-watak.” (Surah Āl ʿImrān 3:103)
𝑰 𝑺 𝑻 𝑰 𝑸 𝑨 𝑴 𝑨 𝑯
22/02/2026
MGA SUNNAH NA GAWAIN SA PANAHON NG IFTÂR
▪️ANG PAGPAPAAGA NG IFTÂR
• Sa sandaling lumubog na ang araw, mainam agahan ang pagkain ng iftâr at huwag na itong ipagpaliban o patagalin.
Sinabi ng Propeta ﷺ: ❝Mananatili ang kabutihan sa mga tao kapag kanilang minadali (pinapaaga) ang pagsagawa ng iftâr (pagkain sa hapon).❞ Iniulat nila Imam Albukhari at Muslim
▪️ANG PAGSASAGAWA NG DU’ÂA
Maaaring magsagawa ng DU’ÂA bago kumain, habang kumakain o pagkatapos kumain.
Binanggit sa Hadith: ❝Tatlong panalangin ang hindi matatanggihan…. Isa sa tatlong iyon ay ang panalangin ng taong nag-aayuno sa panahon ng Iftar.❞ Tirmidhi 10/56 Ibn Majah 1752. Silsilah Saheehah Albani (4/407)
Paramihin ang pagsagawa ng du’âa sa buong maghapon higit sa lahat kapag malapit na ang iftâr dahil sa panahon na ito tinatanggap ang du’âa at magdu’âa ng anumang nais na i-du’âa!!!
Maaari i-du’âa ang: ❝Dhahabadh-dhamau, wabtallatil-'uruoqu, wa thabatal-ajru, In Shâ Allâh. Sa panahon ng Iftar.❞
Ngunit kung ito ay isagawa pagkatapos ng iftâr ay siyang mainam ayon sa hayag na kahulugan ng Hadith.
MAINAM NA ITAAS ANG KAMAY PAMINSAN MINSAN HABANG NAGDUDU’ÂA SA PANAHON NG IFTAR!!
▪️MAINAM NA UNANG ISUBO ANG RUTAB “fresh dates”, KUNG WALANG MATAGPUAN AY ANG TAMR “dried dates” AT KUNG WALA PA AY KAHIT TUBIG NALANG, ito ang naaayon sa Sunnah!
▪️HUWAG MASYADONG MAGPABUSOG ALINSUNOD SA ALITUNTUNIN NG PROPETA ﷺ SA KANYANG PAGKAIN.
Naging kaugalian ng Mahal na Propeta ﷺ na kapag kumain ay hindi nagpapabusog sa panahon man ng Ramadhân o sa pangkaraniwang buwan.
Kung sakali kinailangan ang pagkain ay gawin niyang 1/3 ang pagkain, 1/3 inumin at 1/3 para sa kanyang panghinga!
▪️BAWAT ISA AY MAGSAGAWA NG PANALANGIN SA TAONG NAGPAKAIN “indibidwal” AT MAINAM BIGKASIN ANG DU’ÂA NA ITO:
❝Akala ta’âmakum al-abraar, wa aftara indakum as-sâimuon, wa sallat ‘alaikum al-malâikah.❞
Ang kahulugan ay: ❝Kumain sa inyong pagkain ang mga matutuwid, kumain “nag-iftar” sa inyo ang mga taong nag-aayuno, at kayo ay ipinanalangin ng mga anghel.❞
❞ أَكَلَ طعامَكُمُ الأبرارُ ، وأفطرَ عندَكُمُ الصَّائمونَ ، وصلَّت عليكُمُ الملائِكَةُ ❝ “ مشكاة المصابيح ” للألباني ، رقم ( ٤٢٤٩ )
▪️MAINAM SA PAGKAIN SA IFTÂR NA MAY KASAMA ALINSUNOD SA GAWAIN NG IILANG MGA SAHÂBAH
Naging kaugalian ni Anas Bin Malik na naghahanap ng mahirap upang maging kasama niya sa pag-iftâr!!
PAALAALA: Huwag kalimutan bigkasin ang: Bismillâh, bago sumubo!!
📚Sinulat at inipon ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (hafidhahullâh)
____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)
22/02/2026
ANO ANG GAGAWIN KAPAG NAGDASAL NA NG WITR SA TARÂWEEH AT NAIS NIYANG MAGDASAL NG TAHAJJUD, UULITIN PA BA NIYA ANG PAGDASAL NG WITR??
Ang pinaka mainam sa lahat, kung ikaw ay magdasal ng Tarâweeh at nais mo ring magdasal ng Tahajjud, huwag ka munang magsagawa ng Witr pagkatapos ng Tarâweeh, bagkus saka muna isagawa ang Witr ay pagkatapos na ng Tahajjud at doon mo isagawa ang Witr.
Alinsunod sa naiulat na Hadith: ❝Gawin ninyo ang huling dasal ninyo sa gabi ay dasal na Witr.❞ Iniulat nila Imam Albukhari at Muslim.
حديث : ❞ اجعلوا آخر صلاتكم بالليل وترًا ❝ رواه البخاري ومسلم
• Ngunit, Kung siya ay nakapagdasal na ng Witr pagkatapos ng Tarâweeh at nais niyang magdasal ng Tahajjud, idadasal pa ba niya ulit ang Witr?
Sagot: Ang pinaka tamang pananaw ay hindi na siya idasal ulit ang Witr dahil ito ay naisagawa na niya sa una. Alinsunod sa Sinabi ng Propeta ﷺ: ❝Walang pagsasagawa ng dalawang Witer sa isang gabi.❞
قول النبي ﷺ : ❞ لا وتران في ليلة ❝
Naiulat din mula kay ‘Âishah na nakita niya ang Propeta ﷺ na nagdasal ng dalawang Rak’ât pagkatapos niyang magdasal ng Witr. Dito sa salaysay ni ‘Âishah, nagpapatunay na ipinahintulot magdasal ng anomang Sunnah kahit nakadasal kana ng Witr.
• Sila na nagdasal ng Witr sa panahon ng Tarâweeh na kasama ang Imam ay nais nilang magdasal ng Tahajjud, maaari po silang magdasal ng Tahajjud at hindi na nila uulitin ang pagdasal ng Witr.
• Gayundin, yong mga nag-imam sa Tarâweeh at nagsagawa ng Witr dahil sa kung hindi nila pamunuan ang Jamâ’ah ay maaaring hindi nila maisagawa ang Witr. Sa ganitong kalagayan ay mas mainam na idasal nalang nila ang Witr at kung nais nila magTahajjud ay hindi na nila uulitin ang dasal ng Witr.
KADALASANG PAGSASAGAWA NG WITR
1. ISANG RAK’AH (1 RAK’AH)
Isasagawa ang Witr sa isang Rak’ah lamang at basahin ang Sûratul Fatiha + Sûrah mula sa Qur’an. Pagkatapos tumayo mula sa RUKU ay isagawa ang DU’ÂA ng Qunuot at isagawa ang Tashahhud (tahiyyat) sa huling pag-upo at (bigkasin ang una at huling Tahiyyat) at mag-Salam (Tasleem).
2. TATLONG RAK’AH (3 RAK’AH)
Ito ay may dalawang pamamaraan ng pagsasagawa:
• UNANG PAMAMARAAN:
Idasal ang tatlong Rak’ah na buo at basahin ang Sûratul Fatiha + Sûrah mula sa Qur’an para sa first Rak’âh. Basahin ang Sûratul Fatihah + Sûrah mula sa Qur’an para sa 2nd Rak’âh na walang pag-upo sa pangalawang Rak’ah upang magsagawa ng Tashahhud (tahiyyat), Bagkus saka lamang magsagawa ng Tashahhud (Tahiyyat) ay sa pangatlong Rak’ah. Basahin ang Sûratul Fatihah + Sûrah mula sa Qur’an para sa last Rak’ah Pagkatapos tumayo mula sa RUKU sa pangatlong Rak’âh at isagawa ang DU’ÂA ng Qunuot at isagawa ang Tashahhud sa huling pag-upo at (bigkasin ang una at huling Tahiyyat) at mag-Salam (Tasleem).
• PANGALAWANG PAMAMARAAN:
Idasal muna ang dalawang Rak’ah at basahin ang Sûratul Fatiha + Sûrah mula sa Qur’an para sa first Rak’âh. Basahin ang Sûratul Fatihah + Sûrah mula sa Qur’an para sa 2nd Rak’âh at isagawa ang Tashahhud (bigkasin ang una at huling Tahiyyat) at Mag-Salam (Tasleem).
Muling Tumayo ng isang Rak’âh lamang at basahin ang Sûratul Fatihah + Sûrah mula sa Qur’an para sa last rak’ah pagkatapos tumayo mula sa RUKU ay isagawa ang DU’ÂA ng Qunuot at isagawa ang Tashahhud sa huling pag-upo at (bigkasin ang una at huling Tahiyyat) at mag-Salam (Tasleem).
Ito ang madalas na pagsasagawa ng Witr.
DAGDAG KAALAMAN:
• Ang pinaka mainam na babasahin na Sûrah after Sûratul Fatihah sa tatlong Rak’ât na Witr.
• Sa unang tayo ay Sûratul ‘Alâa (Sabbihisma rabbikkal ‘A’alâa).
• Sa pangalawang tayo ay Sûratul Kâfiruon (Qul Yâ Ayyuhal Kâferuon).
• At sa pangatlong tayo ay Sûratul Ikhlas (Qul Huwallâhu Ahad).
• Kung sakali hindi saulado ang nasabing mga Sûrah ay magbasa nalang ng anumang Sûrah na naisaulo.
📚Sinulat at inipon ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (hafidhahullâh)
____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Goggle)
22/02/2026
PARUSA SA MGA TAONG HINDI NAG-AAYUNO NG WALANG MABIGAT NA DAHILAN
ANG SINADYANG HINDI PAG-AYUNO NG WALANG MABIGAT NA KADAHILAN AY ISA SA MGA MABIGAT NA KASALANAN.
Ang pag-aayuno sa buwan ng RAMADHÂN ay kabilang sa haligi ng Islam, at hindi nararapat sa isang Mananampalataya na may sapat na kaisipan at nasa tamang gulang na ipagpaliban ang pag-aayuno maliban lamang kung may sapat na dahilan katulad ng manlalakbay, may sakit at iba pa.
Sinuman ang hindi mag-ayuno kahit isang araw man lang na walang sapat na dahilan, katunayan, siya ay nakagawa ng isa sa malaking kasalanan na maaaring mailagay ang sarili sa kapahamakan at sa p**t ni Allâh.
Sa nakagawa nito ay magmadaling magsisi at magbalik-loob kay Allâh at palitan ang mga araw na hindi niya napag-ayunuhan.
Ang FATWÂA na ito siyang pananaw ng nakakaraming mga pantas sa Islam at may iilan sa mga iskolar na nagsabi na kabilang ito sa IJMAH “napagkaisahan”.
FATÂWÂA NG MAGA PANTAS HINGGIL SA MGA TAONG HINDI NAG-AAYUNO NA WALANG SAPAT NA KADAHILANAN:
Ayon sa fatâwâa “verdict” ng mga pantas: ❝Ang hindi pag-aayuo sa Buwan ng Ramadhân ay kabilang sa malalaking kasalanan, maliban lamang sa mga may mabigat na kadahilan.❞ PERMANENT COMMITTEE / Saudi Arabia 10/357
Sinabi Shaikh Ibnu Bazz: ❝Sinuman ang hindi mag-ayuno sa Buwan ng Ramadhân na walang mabigat na dahilan ay nakagawa ng isang mabigat na kasalanan at nararapat sa kanya ang mag-tawbah “magbalik-loob kay Allâh” pagsisihan ang nagawang kasalanan at huwag ng hangaring balikan ito at magmadaling bayaran o palitan ang hindi niya napag-ayunuhan.❞
PARUSA SA MGA TAONG HINDI NAG-AAYUNO
Nakita ng Propeta ﷺ sa kanyang panaginip ang pagpaparusa sa mga taong hindi nila tinatapos ang kanilang ayuno sa maghapon.
Sinabi ng Propeta ﷺ: ❝Nang dalhin ako ng dalawang anghel upang ipakita ang taong pinaparusahan ay nakita ko ang mga taong nakabitin na ang kanilang mga paa ay nasa itaas at ang kanilang ulo ay nasa bandang ibaba na binabatak o hinihila ang kanilang mga bibig na kung saan dumaloy ang dugo mula sa kanilang mga bibig at naitanong ko: ❝Sino ba sila?❞ Sinabi ng dalawang Anghel: ❝Sila ang mga taong sumisira ng kanilang ayuno bago pa ipahintulot sa kanila na kumain “hindi tinatapos ang ayuno.”❞ SILSILAH SAHEEHAH (ALBANI 3951)
حديث : ❞.... ثُمَّ انْطَلَقَا بِي فَإِذَا قَوْمٌ مُعَلَّقُونَ بِعَرَاقِيبِهِمْ ، مُشَقَّقَةٌ أَشْدَاقُهُمْ تَسِيلُ أَشْدَاقُهُمْ دَمًا، قُلْتُ: مَنْ هَؤُلَاءِ؟ قَالَ: هَؤُلَاءِ الَّذِينَ يُفْطِرُونَ قَبْلَ تَحِلَّةِ صَوْمِهِمْ ❝ وصححه الألباني في الصحيحة ” ٣٩٥١ ”
Ito ang kaparusahan ng mga taong sumisira sa ayuno “kumakain” bago pa dumating ang tamang oras ng pagkain. Kung ito ang kaparusan nila, paano nalang ang mga taong hindi na nag-aayuno??! Nawa’y ilayo tayo sa ganitong uri ng mga nilalang
Sinabi ni Imam Adh-Zahabie: ❝Sinuman ang mag-iwan ng ayuno “hindi mag-ayuno” na wala namang sakit at wala ring sapat na kadahilanan sa kanyang pag-iwan ng ayuno. Katunayan! ang kasalanan nito ay mas matindi pa sa taong nangangalunya o nalulong sa pag-inom ng alak.❞
Sinuman ang naglisan ng ayuno ay kanyang nilisan ang isa sa haligi ng Islam at siya ay nakagawa ng malaking kasalanan.
At ang ibang mga Pantas ay nagsabi: ❝Kung tuluyan na niya itong iniwan, katunayan siya ay mapapabilang sa mga taong walang pananampalataya.❞
Sapat na ang mga batayan na ito na ating nailahad.
May iilang mga Hadith na mahina “hindi authentic” na bumanggit sa kaparusahan ng mga taong hindi nag-aayuno.
❝Sinumang sinadya niya ang hindi mag-ayuno sa Buwan ng Ramadhân ay hindi tatanggapin ni Allâh ang kanyang pag-aayuno kahit pa man siya ay mag-ayuno ng buong taon.❞
Ang Hadith na ito ay hindi maaaring panghawakan bagkus ang Tawbah “pagbalik-loob kay Allâh” ay bukas sa sinumang magsisi at magbalik-loob sa kanya, bagkus gawin nalang niya ay palitan “bayaran” niya ang mga araw na hindi niya napag-ayunuhan, at kapag nabayaran niya ay sapat na sa mga nagawa niyang hindi pag-ayuno.
Ang totoong pagtawba “pagbabalik-loob kay Allâh ay tinatanggap, kahit pa siya ay nakagawa ng Shirk “pagtatambal”.
PAYO: Ang pinaka maiman ay subukan nalang ng tao mag-ayuno dahil napapaloob dito ang kaluwagan, kaginhawaan, kapanatagan at pagiging malapit sa Panginoon.
❝Hinahangad ni Allâh sa inyo ang kaluwagan at hindi niya hinangad na kayo ay pahirapan.❞
📚Sinulat at inipon ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (hafidhahullâh)
____________________
🔎 (FaceBook | Twitter | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)
22/02/2026
Isang gintong payo para sa mga kababaihang tila naka-iʿtikāf sa kusina tuwing Ramadhan:
Huwag kang magluto ng kahit isang butil ng bigas, at huwag kang maghugas ng kahit isang kutsara, hangga’t hindi mo inaayos ang iyong niyyah (intensyon) at iniaalay ang gantimpala nito para sa Mukha ng Allah.
Napakapalad mo, dahil pinili ka ng Allah upang magkaroon ng gantimpala sa pagpapakain at pagtulong sa mga nag-aayuno. Kaya gawin mo ito nang may pagmamahal, hindi may pagkainis. Huwag mong hayaang tumigil ang metro ng iyong mga hasanāt (gantimpala).
Kay sarap ng pagkain kapag ito’y naluto kasabay ng pag-alaala sa Allah.
ويُروى من أخبار بعض الصالحين أن رابعة زوجة الإمام أحمد بن أبي الحواري ، كانت إذا طبخت قدرًا قالت :
" كُلْ يا سيدي ، فما نضجت إلا بالتسبيح ."
ويُحكى أن حفيد الشيخ المقرئ أبي الحسن الكردي الدمشقي رحمه الله سأل جدته :
كم يحتاج الأرز بالحليب من الوقت كي ينضج ؟
فقالت : يحتاج ألف " لا إله إلا الله ".
Isinasalaysay tungkol sa ilang mga salihin na si Rābiʿah asawa ni Imām Aḥmad ibn Abī al-Ḥawārī kapag siya’y nagluluto ng isang palayok ay sinasabi niya:
“Kumain ka, aking mahal, sapagkat ito’y naluto lamang sa pamamagitan ng tasbīḥ.”
At isinasalaysay rin na ang apo ni Shaykh al-Muqri’ Abī al-Ḥasan al-Kurdī ad-Dimashqī رحمه الله ay nagtanong sa kanyang lola:
“Gaano katagal bago maluto ang arroz con leche?”
Sumagot ang lola:
“Kailangan ito ng isang libong ‘Lā ilāha illā Allāh.’”
Kaya ang mga salaf, kapag sila’y nagluluto, binubuhay nila ang kusina sa tasbīḥ at tahlīl.
Hindi man literal na “isang libong Lā ilāha illā Allāh” ang sukat ng pagluluto
ngunit malinaw ang mensahe:
Ang oras ng pagluluto ay maaaring maging oras ng pag-alala sa Allah.
Kaya kapatid…
Habang hinihiwa mo ang gulay
mag-subḥānallāh ka.
Habang naghihintay kang kumulo ang sabaw
mag-istighfār ka.
Habang nagsasaing
magpadala ka ng ṣalawāt sa Propeta ﷺ.
At baka isang araw
kapag inilatag na ang iyong Aklat ng mga Gawa
makikita mo ang mga pahina ng Ramadhan
na puno ng hasanāt mula sa kusina.
Hindi dahil sa ulam.
Kundi dahil sa niyyah.
At doon mo maiintindihan
na minsan,
ang pinaka-tahimik na ʿibādah
ang may pinakamalakas na tunog sa langit.
ctto : 𝑰 𝑺 𝑻 𝑰 𝑸 𝑨 𝑴 𝑨 𝑯
20/02/2026
MGA BAGAY NA HINDI NAKAKASIRA NG PAG-AAYUNO!!
1. ANG PAGPAPATUROK NA HINDI PAMALIT SA PAGKAIN AT PAG-INOM.
Tulad ng paggamit ng injection na gamot, anti rabies, regular na bakuna o panlaban sa sakit, anesthesia “lahat ng uri nito” at mga makabagong vaccine tulad ng covid-19 vaccine etc..
2. ANG PAGPAPAGAMOT SA MGA SUGAT NA HINDI IDINADAAN SA BIBIG AT ILONG.
Kung ito man ay maidaan sa bibig at ilong na hindi makakarating sa lalamunan ay hindi rin nakakasira ng pag-aayuno.
3. ANG PAGGAMIT NG HENA O PABANGO, MALIBAN LAMANG SA PABANGO NA IDINADAAN SA USOK “Bukhuor o Smoke perfume” NA NAAMOY O NASISINGHOT NG TAO.
4. ANG PAGLABAS NG DUGO MULA SA ILONG, PAGSUSUKANG HINDI SINASADYA, PAGSAGAWA NG BLOOD TEST O BLOOD TYPE, PAGTANGGAL NG NGIPIN AT ANG PAGLABAS NG DUGO SANHI NG SUGAT ETC..
5. ANG PAGLABAS NG PUNLAY “sperm” SANHI NG PANAGINIP (wet dreams) O SUMAMA SA IHI ay hindi nakakasira ng ayuno.
6. ANG PAGGAMIT NG SPRAY SA BIBIG NA WALANG TUBIG TULAD NG nebulizer, ANG PAGPATAK NG GAMOT SA ILONG, MATA, TAINGA O ANG PAGBAWAS NG DUGO NA HINDI MARAMI AT ANG GAMOT NA IDINADAAN SA NILALABASAN NG DUMI (puwet).
7. ANG PAGKAIN, PAG-INOM AT PAKIKIPAGTALIK NA HINDI SINADYA O NAKALIMUTAN O NAKATULOG.
8. ANG PAGTIKIM SA LASA NG NILULUTONG PAGKAIN NA KINAKAILANGAN NA HINDI NAKAKARATING SA LALAMUNAN KUNDI HANGGANG DILA LAMANG.
9. ANG PAGLIGO (dagat, ilog, shower o swimming pools etc..), ANG PAGPAPALAMIG LABAN SA INIT, ANG PAGLINIS NG NGIPIN SA PAMAMAGITAN NG SIWAK O TOOTHPASTE NA HINDI NAKAKARATING SA LALAMUNAN.
10. ANG PAGGAMIT NG MGA KABABAIHAN NG MAKE-UP O LIPSTICK NA WALANG LASA, NGUNIT ITO AY KANYANG TATANGGALIN KAPAG MAGSAGAWA NG WUDHU.
11. ANG PANANATILI NG LAWAY SA BIBIG O ANG PAGKALUNOK NITO AY HINDI RIN NAKAKASIRA NG PAG-AAYUNO.
12. ANG PAGGAMIT NG Nose, Eye o Ear drops AY HINDI RIN NAKAKASIRA NG PAG-AAYUNO SA KUNDISYON NA HINDI MAKAKARATING SA LALAMUNAN.
13. ANG PAGGAMIT NG mouth gargle o mouth wash AY HINDI RIN NAKAKASIRA NG PAG-AAYUNO SA KUNDISYON NA HINDI MAKAKARATING SA LALAMUNAN.
ITO AY IILAN LAMANG SA MGA INIHAYAG NG MGA PANTAS!!
ALALAHANIN:
Ang mga bagay na walang matibay na batayan ng pagbabawal o walang batayan na nakakasira ng pag-aayuno, nangangahulugan na ito ay ipinahintulot at hindi nakakasira ng pag-aayuno.
Ang mga bagay na ating binanggit ay sinang-ayunan ng nakakaraming mga Great Scholars!!! ALLÂHU TA’ALÂ A'ALAM.
📚Sinulat at inipon ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (hafidhahullâh)
____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)
05/06/2025
SUNNAH NA GAWIN SA ARAW NG EIDUL-ADHA❗❗❗
MGA ALITUNTUNIN NG EIDUL ADHA:
♦️-Maligo bago magdasal ng Eid
♦️-Magsagawa ng Takbeer
♦️-Magdasal ng Salatul Eid
♦️-Ang pagbabatian ng bawat Muslim
♦️-Ang pagsuot ng bagong damit
♦️Ang pagpapabango (sa mga lalaki lamang)
♦️-Ang pagkatay ng Udhiyya (Kurban) at Sunnah na kumain nito after ng Salah
♦️- Ang pagsasaya
PALIWANAG:
👉👉 Basahin hanggang dulo bilang dagdag kaalaman.
1.MALIGO BAGO MAGDASAL NG EID ISALI NARIN ANG PAGPABANGO
- Kung ang pagdasal ng Eid ay sa loob lamang ng tahanan at ang mga nagdarasal ay kapwa mahram ng babae, ipinahintulot sa kanila na mga babae na magpabango.
Ngunit kung may kasamang hindi Mahram ay iwasan nalang ng mga kababaihan na magpabango maliban lamang kung malayo siya sa mga kalalakihan na hindi niya mahram
☆ Naisalaysay ni Imam Malik sa kanyang aklat na Muatta na si Ibn Umar ay naging nakaugalian nito na maligo sa araw ng Eid bago siya tutungo sa lugar na pinagdadarasalan ng Eid (Muatta: Hadith na ika 428)
☆ Binanggit ni Imam Nawawi (Kahabagan siya Ni Allah) na ang pagligo sa araw ng Eid ay Sunnah ayon sa pinagkaisahan ng mga Pantas sa Islam
2.KUMAIN NG UDHIYYA PAGKATAPOS NG SALAH
☆ Bago tumungo kung saan isasagawa ang Salatul Eid, ay mas mainam na kumain ng Dates. Kung sa pagdasal naman ng Salah sa Eidil Adha, mas mainam kumain pagkatapos ng Salah.
☆ Sa panahon ng Eidil Adha, ang pinaka Sunnah ay kumain pagkatapos ng dasal ng Eid upang ang makain niya mismo ay ang kanyang kinatay. Ngunit kung sino naman ang kumain bago magdasal Eidil Adha ay siya ay hindi magkakasala.
3. ANG PAGSAGAWA NG TAKBEER (pagsambit ng “Allahu Akbar”)
☆ Sa panahon ng Eidil Adha ay sisimulan ang pagsagawa ng Takbeer mula Fajr sa araw ng Arafah hanggang sa hapon ng huling araw ng Ayyamut-Tashreeq, ang ika 13 araw sa buwan ng Dhul-Hijjah.
☆ Isinalaysay ni Walid Bin Muslim na kanyang sinabi: “Tinanong ko si Imam Awzaie at Imam Malik Bin Anas hinggil sa paghahayag ng Takbeer sa araw ng dalawang Eid, at kanyang sinabi: “Oo! Dahil naging kaugalian ni Ibn Umar na naghahayag ng Takbeer sa araw ng Eid at ito ay pansamantala niyang ihinto kapag tumayo na ang Imam upang magsagawa ng dasal ng Eid.
4. ANG PAGDASAL NG SALATUL EID:
☆ Kanais-nais na maging maagap sa pagsagawa ng mga obligadong Salah, at Pagpaparami sa pagsagawa ng mga Sunnah (Mga hindi obligadong dasal), dahil ito ay kabilang
sa pinakamainam na paghahandog.
☆ Ang Salatul Eid ay binubuo ng dalawang tayo na walang Adhan at Iqama.
Wala ring Sunnah na Salah na maaring gawin sa unahan o pagkatapos nito, maliban lamang kapag idinasal ang Eid sa loob ng Masjid. Kapag ito ay isinagawa sa loob ng Masjid ay mas mainam na magsagawa siya ng Sunnah na Salah na tinawag na “Tahiyyatul Masjid”
5. ANG PAGBABATIAN NG BAWAT MUSLIM
☆ Kabilang sa alituntunin ng Eid ay ang pagbati ng Muslim sa kanyang kapwa Muslim.
Ang mga sinaunang Mananampalataya ay nagbabatian kapag sila ay nagkikita at kanilang sinasambit ang:
" تقبل الله منا ومنكم
“Tanggapin nawa ni
Allah ang ating mga mabubuting gawa at gayundin ang
inyong mga mabubuting gawa”
☆ Isinalaysay ni Jubair Bin Nufair na kanyang sinabi: “Naging kaugalian ng mga kasamahan ng Propeta (sumakanya ang pagpapala at kapayapaan) sa tuwing sila ay nagkikita sa araw ng Eid ay kanilang winiwika sa bawa’t isa ang: “Tanggapin nawa ni Allah ang ating mga mabubuting gawa at gayundin ang inyong mga mabubuting gawa”
☆ Walang pag-aalinlangan na ang pagbabatian na ito ay kabilang sa magagandang asal ng isang Muslim at pagpapakita ng tunay na pagmamahalan sa bawa’t isa.
6. ANG PAGSUOT NG MAGANDANG DAMIT
☆ Ayon kay Jaber (Kalugdan siya ni Allah) na kanyang sinabi: “Si Propeta Muhammad ay may damit na Jubbah (isang damit na karaniwang sinusuot ng mga may katungkulan sa lipunan) na kalimitan niya itong isinusuot sa dalawang Eid at sa araw ng Beyernes) (Inipon ni Ibn Khuzaima
☆ Nararapat sa isang mananampalataya na magsout ng magandang damit sa tuwing siya ay lalabas papunta sa pinagdadausan ng Eid
☆ Ngunit sa mga kababaihan ay nararapat na lumayo sa mga suoting nakakatawag pansin o ang paggamit ng pabango upang hindi makatukso sa mga kalalakihan na kanilang nadadaanan. Hindi nararapat sa isang Mananampalataya na sa panahon ng kanyang pagsunod at pagsagawasa ng kautusan ng kanyang Tagapaglikha ngunit sa kabila nito ay kanya itong sinusuway.
7. ANG PAGBABAGO NG DINADAANAN
Maaari ang bagay na ito ay hindi na natin maisasagawa dahil sa loob na nga tahanan isasagawa ang Eid.
☆ Isinalaysay ni Jabir Bin Abdullah (kalugdan silang dalawang ni Allah) ay kanyang sinabi: “Naging kaugalian ni Propeta Muhammad sa araw ng Eid na hindi dumadaan sa kanyang kalimitang dinadaanan.” Inipon ni Imam Bukhari 986
8. ANG PAGLILIBANG AT PAGSASAYA SA ARAW NG EID.
☆ pinag-utos ang pagsasaya sa araw ng Eid sa kondisyong hindi lalabag sa ipinagbawal ng batas ng Islam, gayundin kanais-nais ang pagbisita sa mga malalapit na kamag-anak, kaibigan at kapatiran.
9- ANG PAGKATAY NG UDHIYYA (Kurban)
✍️ Zulameen Sarento Puti
03/06/2025
ANG IYONG AMA ANG SENTRO NG PINTUAN NG PARAISO❗❗❗
👉Kadalasan kapag pinag-uusapan ang pagmamahal sa magulang, laging nababanggit ang ina at nakakalimutan ang ama. Walang pag-aalinlangan na binanggit ng Propeta na mahalin ang ina, Ngunit ang katotohanan ay ipag-utos ni Allah na mahalin silang pareho at sundin ang kanilang mga kautusan❗
👉Sinabi ni Allah: "..At pakitunguhan ang inyong magulang (ama at ina) ng mainam"
👉 Sinabi ng Propeta" Ang Ama ang sentro ng pintuan ng Paraiso. Kaya, kung nais mong suwayin na hayaang mawala ang pintuan o iyong pangalagaan ito at iingatan (mapanatili ang pintuan)”. (At-Tirmidi: 1900)
KUNG NAIS MONG MAKAPASOK SA KALAGITNAAN NG PARAISO AY MAHALIN MO ANG IYONG AMA🌹🌹🌹
MAHAL NA KAPATID,
Nagawa mo nabang magpasalamat sa iyong mga magulang higit sa lahat sa iyong ama?
Kung lagi mo nasasabi sa iyong ina na:
"Mahal ko po kayo aking ina"
nasabi mo narin ba ito sa iyong ama?!
Ang pinaka mainam sa lahat ay huwag mo silang suwayin at lagi mo silang isama sa iyong panalangin habang sila ay nabubuhay, gayundin kung sila ay pumanaw na🌹
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: " الْوَالِدُ أَوْسَطُ أَبْوَابِ الْجَنَّةِ فَإِنْ شِئْتَ فَأَضِعْ ذَلِكَ الْبَابَ أَوِ احْفَظْهُ" صححه الألباني في صحيح الترمذي1900
✍️ Zulameen Sarento Puti
19/03/2025
وعن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: (ارْتَقى النبيُّ صلى الله عليه وسلم على المنبر درجةً فقال: آمين، ثم ارتقى الثانيةَ فقال: آمين، ثم ارتقى الثالثةَ فقال: آمين، ثم استوى فجلس، فقال أصحابُه: على ما أمَّنْتَ؟ قال: أتاني جبريلُ فقال: رَغِمَ أنفُ امرئٍ ذُكِرْتَ عنده فلم يُصَلِّ عليك، فقلتُ آمين، فقال: رَغِمَ أنفُ امرئٍ أدرك أبوَيه فلم يَدخُلِ الجنة، فقلتُ: آمين، فقال: رَغِمَ أنفُ امرئٍ أدرك رمضانَ فلم يُغْفَرْ له، فقلتُ، آمِين) رواه البزار وصححه الألباني
Salin at Paliwanag:
Si Anas bin Malik (radiyallahu 'anhu) ay nagsabi:
(Umakyat ang Propeta (sallallahu ‘alayhi wasallam) sa unang baitang ng mimbar at nagsabi ng "Ameen." Pagkatapos, umakyat siya sa ikalawang baitang at muli niyang sinabi, "Ameen." Pagkatapos, umakyat siya sa ikatlong baitang at muling nagsabi ng "Ameen." Pagkatapos ay naupo siya. Kaya't tinanong siya ng kanyang mga kasamahan, "Ano ang dahilan ng iyong pagsabi ng 'Ameen'?"
Sinabi niya:
*"Dumating sa akin si Jibril at sinabi: 'Nawa'y mapahiya (o maging kasumpa-sumpa) ang isang tao na binanggit ang iyong pangalan sa harap niya ngunit hindi siya nagpadala ng salutasyon (salawat) para sa iyo.' Kaya sinabi ko, 'Ameen.'
Pagkatapos ay sinabi ni Jibril: 'Nawa'y mapahiya ang isang tao na inabutan ang kanyang mga magulang (sa kanilang katandaan) ngunit hindi siya pumasok sa Paraiso (dahil sa kanyang pagpapabaya sa kanila).' Kaya sinabi ko, 'Ameen.'
Pagkatapos ay sinabi ni Jibril: 'Nawa'y mapahiya ang isang tao na inabutan ang buwan ng Ramadan ngunit hindi siya napatawad (dahil sa kanyang pagkukulang sa pagsisisi at pagsamba).' Kaya sinabi ko, 'Ameen.'"*
(Isinalaysay ni Al-Bazzar at itinuring na sahih ni Al-Albani.)
---
Paliwanag:
Ang hadith na ito ay nagpapakita ng tatlong mahahalagang bagay na hindi dapat balewalain ng isang Muslim:
1. Ang pagpapadala ng salawat sa Propeta (sallallahu ‘alayhi wasallam) – Kapag binabanggit ang pangalan ng Propeta, nararapat na magpadala ng salawat (halimbawa: "Sallallahu ‘alayhi wasallam") bilang tanda ng paggalang at pagmamahal sa kanya. Ang hindi paggawa nito ay isang malaking kawalan sa isang Muslim.
2. Ang kabaitan at pagsunod sa mga magulang – Ang pagkakaroon ng buhay na magulang ay isang malaking oportunidad upang makamit ang Paraiso sa pamamagitan ng paglilingkod at kabaitan sa kanila. Ang hindi pagtupad sa tungkuling ito ay isang malaking kapahamakan.
3. Ang pagpapahalaga sa Ramadan – Ang Ramadan ay isang buwan ng pagpapatawad at habag mula sa Allah. Ang hindi pagsasamantala sa pagkakataong ito upang mapatawad sa mga kasalanan ay isang malaking pagsasayang ng biyaya.
Ang tatlong bagay na ito ay ipinanalangin ni Jibril laban sa mga taong nagpapabaya rito, at inaprubahan ito ng Propeta sa pamamagitan ng pagsabi ng "Ameen," na nangangahulugang pagsang-ayon at pagpapatibay sa kahilingan.
Ang hadith na ito ay nagsisilbing paalala sa ating lahat upang bigyang-halaga ang ating pananampalataya, ang ating tungkulin sa Propeta, sa ating mga magulang, at sa mga banal na buwan tulad ng Ramadan.
06/03/2025
❌𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗧𝗨𝗧 𝗧𝗔𝗥𝗔𝗪𝗘𝗘𝗛❌
📍1. Ang pagsasabi ng Imam na "Salatu Taraweeh Yarhamukomollah" odikaya ay "Salatul Qiyam Athabakomollah" Tuwing mag-uumpisa.
Isa itong Bid'ah.
📍2. Ang pagsigaw ng mga Ma'moum ng "La Ilaha Illallah" pagkatapos sabihin ng Imam ang mga kataga na nabanggit sa #1.
Isa din itong Bid'ah.
📍3. Ang masyadong mabilis na pagbabasa ng Imam.
Ang mabilis na pagbabasa ay pinapahintulutan sa kondisyong maisakatuparan ang mga patakaran ng pagbabasa, ang tinatawag natin na Tajweed.
Ang ginagawa ng ilang Imam na halos hindi na maunawaan ang mga Ayat sa labis na pagmamadali ay ipinagbabawal, dahil naiiba ang mga kahulugan ng mga Ayat, at kung sa Fatihah niya ito gawin ay invalid ang dasal, dahil ang pagbabasa ng Fatihah ay isa sa mga haligi ng pagdadasal.
📍4. Ang pagbawalan ang mga babae na magdasal sa Masjid.
Inaakala ng iba na bawal magdasal ng Taraweeh ang mga kababaehan sa Masjid, at ito'y malaking pagkakamali, mas mainam para sa mga babae ang magdasal sa bahay, ngunit hindi pweding ipagbawal sa kanila ang pagdadasal sa Masjid.
Sinabi ng Propeta (ﷺ):
"لَا تَمْنَعُوا إِمَاءَ اللهِ مَسَاجِدَ اللهِ." متفق عليه.
"Huwag ninyong ipagbawal ang mga Masjid sa mga babaeng alipin ng Allah." [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].
📍5. Ang ginagawa ng mga tamad.
Ang ilan ay hindi sumasabay sa Imam, nakaupo lamang sa likod ay hinihintay na yuyuko (Ruko') ang Imam at saka siya papasok. Hindi ito nararapat.
📍6. Ang pagtingin sa Mushaf ng Ma'moum habang nagbabasa ang Imam.
Ang Imam lamang ang pinapahintulutang tumingin sa Mushaf tuwing nagbabasa, ang Ma'moum ay nararapat na makinig lamang sa pagbabasa ng Imam at mag-focus sa pagdadasal.
📍7. Ang pagrerecord sa pagbabasa ng Imam.
Ilan sa mga Ma'moum ay nirerecord ang basa ng Imam, lalo na kung maganda ang boses, kaya naabala ng ibang bagay sa pagdadasal, bago magsisimula ay uumpisahan ang record, at pagyuyuko ang Imam ay i-stop ang recording o i-pause, hindi ito karapat-dapat.
📍8. Ang paghahanap ng natatanging Masjid.
Ang iba ay naghahanap ng Masjid na kung saan ay mas malamig ang aircon, odikaya ay mas maganda ang boses ng Imam, odikaya ay mas mabilis makatapos magdasal.
Ipinagbawal ito ng Propeta (ﷺ), ang nararapat ay magdasal sa malapit na Masjid.
Sinabi ng Propeta (ﷺ):
"ليُصلِّ الرجل في المسجد الذي يَليه، ولا يتتبَّع المساجد." رواه الطبراني.
"Magdasal ang tao sa Masjid na malapit sa kanya, at huwag pagpilian ang mga Masjid." [Isinalaysay ni Tabaranie].
Maliban nalang kung may sapat na dahilan, halimbawa ay hindi karapatdapat ang Imam sa malapit sa Masjid, sa ganitong kalagayan ay nararapat na maghanap ng angkop na Masjid.
📍9. Ang hayaan ang bata na hindi alam ang mga alituntunin ng pagdadasal na maging Imam.
May mga bata na maganda ang boses, kaya hinahayaan ng mga tao na pangunahan sila sa pagdadasal kahit na hindi alam ang mga alituntunin, hindi ito nararapat, paano kung magkamali halimbawa at hindi alam ang tungkol sa Sujoud As-Sahow? Paano kung hindi nakapag-wudhou'? Atbp.
📍10. Ang malakas na pag-iyak.
Umiiyak ang Propeta (ﷺ) sa pagdadasal ngunit pinipigilan ito, kaya ang dapat mong gawin sa tuwing maiiyak ka ay pigilan mo, mali ang ginagawa ng iba na hinahayaan ang sarili.
📍11. Ang paglabas sa Masjid bago makapag witer ang Imam.
Kung magdadasal ng Witer ang Imam, nararapat na magdasal din ng Witer kasama siya. Napakalaki ng gantimpala nito, parakang nagdasal ng buong gabi.
📍12. Ang pagiging masigasig sa pagdadasal ng Taraweeh, ngunit natutulog sa mga obligadong dasal.
📍13. Ang pagdadasal ng Taraweeh habang inaantok ng matinding antok.
Sinabi ng Propeta (ﷺ):
"إذا نَعَس أحدكم في الصلاة، فليَرقد حتى يذهب عنه النوم." متفق عليه.
"Kapag inantong ang sinuman sa inyo sa pagdadasal ay matulog muna." [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].
Matulog ka muna ng sandali, pagkatapos ay gumising at ipagpatuloy ang pagdadasal kahit na mag-isa, mas mainam kaysa nagdadasal kang antok na walang malay.
📍14. Ang pagmamadali ng mga kalalakihan sa paglabas pagkatapos ng dasal.
Ang nararapat ay maghintay muna bago lumabas, upang mauna lumabas ang mga babae at walang mangyari na paghahalo.
📍15. Ang hayaang maglaro ang mga bata sa loob ng Masjid habang nagdadasal.
📍16. Ang pagpunta ng babae sa Masjid na naka-pabango.
Matinding ipinagbabawal sa mga kababaehan ang anumang anyo ng pabango sa labas ng kanyang bahay, lalo na sa Masjid.
📍17. Ang pagpunta sa Masjid ng sinuman (babae man o lalaki) na may masamang amoy.
Sinabi ng Propeta (ﷺ):
"مَن أكل ثُومًا أو بصلًا، فليعتزِلْنا، أو لِيعتزِلْ مسجدنا، وليقعُدْ في بيته."
"Sinuman ang kumain ng ahus o sibuyas ay iwasan ang aming Masjid at manatili sa kanyang bahay."
Ang dahilan nito ay nangangamoy sa kanya ang ahus o sibuyas.
📍18. Ang pananalangin o pag-du'a ng sabay-sabay pagkatapos ng salam sa pagdadasal.
Isa itong Bid'ah.
Gabayan nawa tayo ng Allah at laging patnubayan, at tanggapin mula sa atin ang ating mabubuting gawa.
✍ 𝑫𝒓. 𝑴𝒖𝒉𝒅-𝒂𝒕𝒂 𝑨𝒃𝒅𝒖𝒍𝒌𝒂𝒓𝒊𝒎