26/04/2026
💨 HAZE ALERT (USOK) DULOT NG NAGPAPATULOY NA MALAKING SUNOG SA NAVOTAS SANITARY LANDFILL 🔥⚠️
As of 10:30 PM, April 26, 2026, Sunday
Dahil sa nagpapatuloy na sunog na sumiklab sa Navotas Sanitary Landfill simula alas-8 ng Biyernes ng gabi, Abril 10, na nagpapatuloy hanggang ngayon, Abril 26 na nagdadala ng makapal na usok sa kapaligiran, asahan ang haze sa ilang bahagi ng :
METRO MANILA
• Parañaque City [ ]
• Pasay City [ ]
• City of Manila [ ]
• Navotas [ ]
• Las Piñas City [ ]
• Makati City [ ]
• Mandaluyong City [ ]
• Malabon City [ ]
• Valenzuela City [ ]
• Caloocan City [ ]
• Ilang bahagi ng
• San Juan City [ ]
• Taguig City [ ]
Ang haze ay mapanganib sa kalusugan, lalo na sa mga bata, matatanda, at mga may sakit sa baga. Hanggang sa hindi pa humuhupa ang sunog, narito ang mga paalala sa lahat ng mga residenteng nakatira sa mga nabanggit na lugar:
• Manatili sa loob ng bahay at isara ang lahat ng bintana at pinto.
• Magsuot ng face mask kung kailangang lumabas ng bahay.
• Iwasan ang pag-eehersisyo o mabibigat na gawain sa labas.
• Uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated.
• Mag-ingat sa pagmamaneho dahil sa malabong paningin sa kalsada (low visibility).
• Agad magpatingin sa doktor kung nahihirapang huminga o sumasakit ang dibdib.
Manatiling ligtas at alerto! Mag-antabay sa mga susunod na updates.
via Philippine Emergency Alerts | Ground Reports were the basis of this data
PHILIPPINES WATCH | 26 April 2026
11/04/2026
🚨AIR QUALITY UPDATE: Hazardous Air Quality in one station in Quezon City ⚠️
The Air Quality Index (AQI) in Quezon City has reached ⚠️HAZARDOUS levels, as of 4:00 PM, in Unioil Mindanao Ave., Talipapa NB, Quezon City.
This is likely due to an ongoing fire at the Navotas Sanitary Landfill, which is producing heavy smoke affecting air quality across Metro Manila and nearby provinces.
🌫️ Possible Effects
Thick smoke and dangerous air pollution may pose health risks, especially for children, elderly, and those with respiratory conditions.
⚠️ SAFETY REMINDERS
• Wear a face mask when going outdoors
• Limit outdoor activities
• Keep doors and windows closed
• Stay hydrated
• Monitor updates from official authorities
📍 Data source: IQAir (4:00 PM | April 11, 2026)
Stay safe, Shakers!
11/04/2026
QCDRRMO urges all QCitizens to wear a face mask when going outdoors as air quality in some areas reaches "unhealthy" to "acutely unhealthy" levels. The advisory aims to protect public health.
Residents with respiratory conditions are advised to stay indoors whenever possible. Those who must go out are reminded to wear a mask to protect their health.
For emergencies, call QC Helpline 122.
11/04/2026
Ang mainit at maalinsangan na panahon na nararamdaman natin ay maaaring magdala ng panganib sa ating kalusugan gaya ng pagkahapo (exhaustion) heat cramps, at kung hindi maagapan, heat stroke. Upang maiwasan ang panganib na dulot ng matinding init, dalasan ang pag inom ng tubig at kung maaari, iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw. Maliban dito, makatutulong kung magsusuot ng presko at light-colored na damit.
Maaaring malaman ang Heat Index ng isang lugar gamit ang IRISE-UP ng QCDRRMO.
Makikita sa https://app.IRISEUP.ph ang real-time weather updates at forecasts; mga datos mula sa mga weather models at instrumentong nakalagay sa strategic areas sa ating lungsod.
13/03/2026
Drive-Thru Cleaning Activity held at Emilio Jacinto National High School this March 13, 2026, in preparation for the upcoming Wash in School (WinS) Program validation, with the cooperation of YES-O, BSP/GSP, SDRRM, and the current and incoming SSLG officers to promote a clean, safe, and healthy learning environment. 🧹🏫✨
✍️: Sean Gonzales | PRESIDENT
📸: Noreene Arogante | GRADE 11 REP.
12/03/2026
Narito ang schedule ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa taong 2026 base sa NDRRMC Memorandum No. 15, s. 2026. Hinihikayat ang lahat na makilahok at makiisa sa pagpapalakas ng ating kahandaan laban sa banta ng malakas na lindol.
Tandaan na sa oras ng sakuna, bawat segundo ay mahalaga. Sabay-sabay nating isagawa ang DUCK, COVER, and HOLD bilang pakikiisa sa NSED.