26/06/2026
| Mga Kasalanan ni Sara Duterte sa Taumbayan
May mga kasalanang hindi dinadaan sa kumpisal, kundi sa pananagutan! βπ½
Habang pilit na tinatakasan ni Sara Duterte ang pananagutan kaugnay ng mga alegasyon ng maanomalyang paggamit ng confidential funds, iregularidad sa mga isinumiteng dokumento, at katrayduran sa tiwala ng taumbayan, patuloy na naghihirap ang masang Pilipino. Ang lahat ng kinurakot na pondo sa edukasyon at serbisyong panlipunan ay pagnanakaw din sa buhay, kabuhayan, at kinabukasan ng mamamayan.
Konsensya ng Bayan, makiisa sa pagpapanagot kay Sara Duterte!
Convict Sara Now!
Sara Duterte, reyna ng korap!
Dumalo tayo sa UP Action Forum!
π
June 30, 2026
SANGGUNIAN
π https://tinyurl.com/MgaKasalananNiSaraSMC
π https://tinyurl.com/MgaKasalananNiSaraSMC
π https://tinyurl.com/MgaKasalananNiSaraSMC
26/06/2026
| ANG PRIDE AY PROTESTA NG URI, ARI, AT PAKIKIBAKA π³οΈβπ
Kahapon, nagtipon ang mga Konsensya ng Bayan sa harapan ng Palma Hall para sa ACCLA-san sa CSSP!, kasabay ng pagbihis ng bahagharing bandila sa bulwagan. Itinaguyod ng bawat tagapagsalita, mula sa karanasan ng mga mamamahayag hanggang sa mga anti-imperyalistang nakikibaka, na ang mga karapatang tinatamasa ngayon ay bunga ng sama-samang pagkilos ng sangkabaklaan.
βAng Pride ay hindi lamang pagdiriwang ng identidad kundi paninindigan laban sa lahat ng anyo ng pang-aapi at pagsasamantalaβ, ika ni Belle Espiritu, Chairperson ng CSSP Student Council.
Nakiisa rin ang konseho sa ginanap na UP Pride March kahapon. Sa bawat hakbang, pinatunayan ng komunidad ng UP na hangga't may diskriminasyon, kahirapan, at kawalan ng tunay na kalayaan, mananatiling protesta ang Pride! βοΈ
Muli tayong rarampa ngayong June 26, sa lansangan naman ng Maynila upang mas patingkarin pa ang panawagan para sa malaya, makatarungan, at demokratikong lipunan at buhayin ang diwa ng makasaysayang Stonewall.
MAKIBEKI, 'WAG MASHOKOT!
ANG BEKI NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!
24/06/2026
| ACCLASAN sa CSSP
BUKAS NA, MGA BAKLAAAAAAA! π
Sama-sama tayong umawra at rumampa bukas para sa paggunita sa Pride Month at sa patuloy na pagbitbit ng panawagan para sa karapatan ng sangkabaklaan! Kasama rin natin sa pakikibeki ang ibaβt ibang organisasyon at publikasyon ng kolehiyo, at ang ating reigning MX CSSP 2026, Aa Ybera! πβ¨
See you tomorrow! π©·
LGBTQIA+ SITUATIONER
β° 11:00 AM
π Student Council Office
π For online attendees, please reach out to Vice Chairperson Eryl Belen or Councilor Gab Posadas.
π https://tinyurl.com/PrideEDSignUps
UP Pride March
π³οΈβπ Local Action
β° 2:00 PM
πAS Steps
π³οΈβπ Rampahan!
β° 3:00 PM
π CAL Faculty Center
π³οΈβπ Pride March to Quezon Hall
β° 3:30 P.M.
24/06/2026
A finishing touch for your sablay. β€οΈπ»π
Celebrate your CSSP journey with the official CSSP Pin from SULΓ. It is made to honor the years, memories, and milestones that brought you to the finish line. Perfect for your graduation photos, ceremonies, and as a memento you'll carry beyond the graduation.
π© Forms will be open until June 25 (Wednesday), 3PM
π Order Now!
https://bit.ly/CSSPEnamelPins
https://bit.ly/CSSPEnamelPins
https://bit.ly/CSSPEnamelPins
Wear your CSSP pride with your sablay and mark this milestone with a symbol you'll cherish for years to come. π
24/06/2026
πβ¨ Pagbati, ππππ ππ₯ππ¬π¬ π¨π ππππ! β¨π
As we transition to engage with the public outside the (dis)comforts of our academic institutions, may our discipline remind us that truth is never neutral, justice is never automatic, and peace is never simply the absence of conflict.
We celebrate the 2026 CSSP Recognition Day with the theme βKatotohanan at Katarungan tungo sa Kapayapaan,β we recognize that truth requires confronting distortion and forgetting, justice demands challenging exclusion and inequality, and lasting peace can only emerge when dignity and humanity are upheld for all.
Join the official DP Blast as we commemorate not only our academic achievements, but also our continuing responsibility to engage critically with society and contribute to a more just future.
Padayon, CSSP Class of 2026!
π» ππππ ππ«ππ° π§π πππ π€π’π₯ππ₯π 2026
2026.07.04 SABADO 7AM (PST)
π» πππ πππππ‘ ππ¨π¦π¦ππ§πππ¦ππ§π ππ±ππ«ππ’π¬ππ¬
2026.07.05 LINGGO 7AM (PST)
24/06/2026
| ACCLASAN sa CSSP
PRIDE MARCH, ANO TARA? RAMPA TAYO NANG MAY PANININDIGANCH! πβ¨
Siyempre, hindi magpapahuli ang CSSP sa pinakakavogue na selebrasyon at pagkilos ng taon! Dahil sa gitna ng patuloy na karahasan, diskriminasyon, at krisis na kinakaharap ng masaβt sangkabaklaan, binabandila natin na ang Pride ay isang protesta β€οΈβπ₯
Tara bukas, June 25, mga beks! Makibeki, 'wag mashokot! βπ½
LGBTQIA+ SITUATIONER
β°οΈ 11:00 AM
π AS Courtyard (near AS Walk)
π https://tinyurl.com/PrideEDSignUps
UP Pride March
π³οΈβπ Local Action
β°οΈ 2:00 PM
π AS Steps
π³οΈβπ Rampahan!
β°οΈ 3:00 PM
π CAL Faculty Center
π³οΈβπ Pride March to Quezon Hall
β°οΈ 3:30 P.M.
23/06/2026
| TULOY ANG PAKIKIBAKA NG MGA KONSENSYA NG BAYAN, SA DIWA AT ALA-ALA NINA ALYSSA, MAU, AT NG TOBOSO 19!
ILANTAD ANG ANTI-KABATAANG PROPAGANDA NG NYC, SINGILIN ANG HUSTISYA, PANAGUTIN ANG BERDUGONG MILITAR!
Dalawang buwan matapos ang masaker sa Toboso, Negros na kumitil sa buhay ng 19 katao, kabilang ang mga Iskolar ng Bayan na sina Alyssa Alano at Maureen Santuyo, patuloy na ginugunita ng komunidad ng UP ang kanilang kabayanihan at paglilingkod sa mamamayan. Samantala, sa halip na makiisa sa panawagan para sa hustisya at pananagutan, naglabas ang National Youth Commission (NYC) ng isang pahayag na inulit lamang ang baluktot na naratibo ng estado at kumondena sa anilaβy panlilinlang sa mga kabataan na lumahok sa armadong pakikibaka.
Mahigpit na kinukondena ng CSSP Student Council ang pagtatangkang ito ng NYC na balutin ng huwad na βpagmamalasakitβ ang pagdungis sa pangalan ng mga sibilyang pinaslang ng berdugong militar. Habang nagpapakilalang tagapagtaguyod ng kapakanan at demokratikong karapatan ng kabataan, pinili ng komisyon na magsilbing tagapagpalaganap ng mga naratibong matagal nang binibigyang-katwiran ang panunupil, paninindak, at pag-atake sa mga organisasyon at indibidwal na nagsusulong ng tunay na paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
Sa pahayag na ito, isang araw bago ang paggunita rin sa Araw ng Kabataang Pilipino at ika-165 na kapanganakan ni Rizal, binigyang-diin ng NYC ang panganib na dala ng armadong tunggalian, subalit bigo silang harapin at bunturin ang katotohanan ng masaker at ang matagal nang krisis na kinahaharap ng mga magsasaka at kabataan sa Negros na siyang ugat ng pakikibaka ng mamamayan. Hindi nabanggit ng NYC ang 22.6% na poverty rate sa Negros Island, na siyang isa sa pinakamataas sa bansa. Hindi rin nabanggit ang milyong kabataang Pilipino na napipilitang magbanat ng buto para lamang makaraos, habang pinagkakaitan ang mga manggagawa at magsasaka ng nakabubuhay na sahod at kita.
Mismong ang mga rason na ito ang nagtulak kina Alyssa at Mau na tumungo sa kanayunan at makipamuhay sa mga magsasakang matagal nang inaagawan ng lupa. Nakapaloob man ang kabataan sa pangalan nito, ang National βYouthβ Commission ay walang pagkakaiba sa mga makinarya ng estado na sumusupil sa mga kabataang tumitindig para sa katarungan at panlipunang pagbabago.
Hindi ito ang unang pagkakataong ginamit ang retorika ng βpambansang seguridadβ upang lapastanganin ang pakikibaka ng masang inaapi. Matagal na itong pinaiiral ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang takutin at patahimikin ang mga kritikal at mulat na tinig. Ang mga institusyong ito ng pamahalaang pinatatakbo ng imperyalismong US at mga makapangyarihang may-ari ng lupa ang mismong nagpapasigla sa pag-usbong ng mga bayaran at malawakang troll farms. Batid ng mga kabataan ang mga kasinungalingan ng AFP sa mahaba nitong kasaysayan ng pamamasismo at pandarahas. Batid din nila ang kanilang paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) sa masaker sa Toboso, kayaβt armas ng estado ngayon ang sandamakmak na trolls na bumabalahura sa pagkatao ng mga biktima.
Hindi armadong kilusan ang βrecruiterβ ng mga kabataang pinipiling mag-alsa, bagkus ay ang gutom, dahas, at impunidad na pinaiiral ng estado sa mga mamamayan nito. Kung kayaβt taliwas sa mga paratang ng NYC, hindi kailanman mali ang landas na tinahak nina Alyssa, Mau, at ng mga kabataang patuloy na tumitindig laban sa kahirapan, kawalan ng lupa, at matinding militarisasyon. Silaβy pawang mga kabataang tumugon lamang sa tawag ng panahon upang makisalamuha, matuto, at maglingkod kung saan tayo higit na kinakailangan.
Dalawang buwan na ang lumipas, ngunit hindi kailanman mananahimik ang mga Konsensya ng Bayan sa pagsingil ng hustisya. Walang ibang pumipihit sa landas ng kabataan kundi ang layuning pagsilbihan ang sambayanan. Hindi instrumento ng panlilinlang ang pakikipamuhay sa masa, bagkus ay edukasyon itong nakaugat sa kongkretong kalagayan ng lipunan.
Walang bilang ng mapanlinlang na propaganda mula sa NYC, NTF-ELCAC, PNP, o AFP ang makapipigil sa masa na singilin ang mga inutang na dugo ng rehimeng Marcos Jr. at ng mga amo niyang korporasyon at dayuhan. Sa harap ng tumitinding panunupil at patuloy na paggamit ng estado ng kanilang kapangyarihan upang yurakan ang mga demokratikong karapatan at baluktutin ang alaala ng Toboso 19, hindi aatras ang mga kabataan upang igiit ang katarungan, tumungo sa kanayunan, at manindigan kasama ang malawak na hanay ng masang Pilipino.
HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!
HUSTISYA PARA KAY MAUREEN SANTUYO!
DEFEND NEGROS!
MILITAR SA KANAYUNAN, PALAYASIN!
23/06/2026
| CSSP College Deliberation Results for Student Regent Selection
Following an extensive deliberation process, the UP Diliman College of Social Sciences and Philosophy Search Committee formally endorses the nomination of Ehlon Macabontoc for the 43rd Student Regent Selection.
The online college deliberations held on the 22nd day of June on Zoom and Facebook Live provided SR Nominee Macabontoc an avenue to present their platforms, priorities, and initiatives for the student body, championing the fight for increased UP funding, the defense of academic freedom, and the advancement of student services, rights, and welfare.
The deliberations may be accessed here:
π² https://www.facebook.com/share/v/1EMCkfCEtE/
As we move toward the University-level deliberations, the CSSP SCβs communication channels will stay open for appeals until June 29, 5:00 PM.
βοΈ [email protected]
The 43rd Student Regent will be selected during the 61st General Assembly of Student Councils, where delegates across the UP System will convene to determine the sole representative of the student sector in the UP Board of Regents.
We urge our fellow Konsensyas ng Bayan to be part of the democratic process in selecting the next Student Regent towards collectively building a leadership that stands firm with the masses and genuinely serves the student body.