DepEd Manggahan National High School

DepEd Manggahan National High School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Manggahan National High School, Education, Millex Road Manggahan, Rodriguez.

22/06/2026

Happy 128th Anniversary, ka-DepEd! 🎉❤️

Salamat sa 128 taon ng suporta at pakikiisa sa pagtataguyod ng edukasyon para sa bawat Pilipino.

Mula sa mga lungsod hanggang sa pinakamalalayong komunidad, patuloy na nagsisilbing tulay ang DepEd tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat learner sa pamamagitan ng dedikasyon at malasakit ng ating mga g**o at kawani.

Ngayong taon, higit pa sa isang ahensya, ipinagdiriwang natin ang DepEd bilang isang komunidad na nagkakaisa para sa iisang layuning hubugin ang susunod na henerasyon at itaguyod ang kinabukasan ng bansa.

22/06/2026

Simulan ang linggo nang may pasasalamat sa bawat biyaya at may pusong handang maglingkod. Happy Monday, ka-DepEd! 🙏❤️

Photos from Manggonians Red Cross Youth - Manggahan NHS's post 19/06/2026
Photos from DepEd Manggahan National High School's post 19/06/2026

𝗪𝗘 𝗔𝗥𝗘 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗬 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗬! 💚 📚

Matagumpay na isinagawa ang 𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝘃𝗮𝗹𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗢𝗽𝗹𝗮𝗻 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 sa Manggahan National High School kahapon bilang bahagi ng paghahanda para sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027.

Masusing sinuri ng mga bumisitang kinatawan mula sa Schools Division Office ang kahandaan ng paaralan sa iba't ibang aspeto upang matiyak ang maayos, ligtas, at epektibong pagbubukas ng klase. Pinangunahan ang ito nina Mam Mellodin A. Antonio (EPS-Filipino), Mam Agnes Carmona (EPS), ang ating PSDS Cluster II, Mam Ma. Cristina Camarse at mga Division Nurses.

Sa pamamagitan ng kanilang mahahalagang obserbasyon at rekomendasyon, higit pang napagtibay ang kahandaan ng ating paaralan sa pagtanggap sa mga mag-aaral para sa panibagong taong panuruan.

Photos from DepEd Manggahan National High School's post 19/06/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Bilang paghahanda sa mga posibleng sakuna, matagumpay na nakiisa ang Manggahan National High School sa isinagawang 𝗦𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝘁𝗮𝗻𝗲𝗼𝘂𝘀 𝗘𝗮𝗿𝘁𝗵𝗾𝘂𝗮𝗸𝗲 𝗗𝗿𝗶𝗹𝗹 kahapon, Hunyo 18, 2026.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng ating punungg**o na si Mam Relita V. Reyes, katuwang si Sir Benedict Alejandro, SDRRM Coordinator, at ang MNHS Red Cross Youth upang matiyak ang kahandaan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani sa oras ng lindol.

Nagbigay rin ng teknikal na gabay at suporta ating PSDS Cluster 2, Mam Ma. Cristina C. Camarse upang higit na mapahusay ang pagsasagawa ng drill at matiyak ang wastong pagsunod sa mga itinakdang pamamaraan sa panahon ng sakuna.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na isinusulong ng Manggahan National High School ang kahandaan, kaligtasan, at katatagan ng buong komunidad ng paaralan.

14/06/2026

Magpasalamat sa panibagong linggo at ihanda ang sarili sa mga oportunidad na naghihintay. Happy Monday, ka-DepEd! 🙏🌻

11/06/2026

𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 🇵🇭

Nakikiisa ang Manggahan National High School sa pagdiriwang ng ika-128 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Mangonians, patuloy nating pahalagahan ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani at maging inspirasyon ito sa pagmamahal sa bayan.

Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭

11/06/2026

𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | Ang opisyal na page na DepEd Manggahan National High School ay nakalaan lamang para sa mga anunsyo, paalala, at mahahalagang impormasyon ng Manggahan National High School na matatagpuan sa Montalban, Rizal.

Ang aming paaralan ay tanging Junior High School lamang, na may saklaw na Baitang 7 hanggang Baitang 10.

Ang paglilinaw na ito ay inilalabas bilang tugon sa ilang mga komento na aming natatanggap sa mga nakaraang post upang maiwasan ang kalituhan at maiparating ang tamang impormasyon.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa! 💚

𝑴𝒂𝒏𝒈𝒐𝒏𝒊𝒂𝒏𝒔: 𝑻𝒐𝒘𝒂𝒓𝒅𝒔 𝑬𝒙𝒄𝒆𝒍𝒍𝒆𝒏𝒄𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝑩𝒆𝒚𝒐𝒏𝒅

11/06/2026

𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗢𝗢, 𝗥𝗜𝗭𝗔𝗟𝗘𝗡𝗬𝗢!

Kaisa ang Manggahan National High School sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮-𝟭𝟮𝟱 𝗻𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹, isang makasaysayang paggunita sa mayamang pamana, pagkakaisa, at patuloy na pag-unlad ng ating lalawigan.

Sa pagdiriwang na ito, ating balikan ang ating pinagmulan, pahalagahan ang ating mga tagumpay, at sama-samang harapin ang mga hamon tungo sa mas maunlad na kinabukasan.

Mangonians, ipagmalaki natin ang ating lalawigan, ang ating kultura, at ang ating pagkakakilanlan bilang bahagi ng isang progresibo at nagkakaisang Rizal. Taas noo, Rizalenyo!

10/06/2026

𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 | Para sa ating mga minamahal na magulang at tagapag-alaga, kayo po ay malugod naming inaanyayahan sa ating 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 upang talakayin ang mahahalagang pagbabago at mga programang ipatutupad sa paaralan para sa Taong Panuruan 2026–2027.

🗓️𝗜𝗦𝗞𝗘𝗗𝗬𝗨𝗟 𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

📌 Hunyo 15, 2026 | 1:00 PM
👨‍🎓 Grade 7 at Grade 9 Parents

📌 Hunyo 16, 2026 | 1:00 PM
👨‍🎓 Grade 8 at Grade 10 Parents

Layunin ng pagpupulong na maipaliwanag ang mahahalagang pagbabago at mga sistemang ipatutupad sa paaralan para sa darating na taong panuruan. Tatalakayin ang mga sumusunod:

✅ Three-Term Academic System at iskedyul ng klase at pagsusulit
✅ Mga Paraan ng Pagkatuto (Learning Systems) at suporta sa mga mag-aaral
✅ Mga Bagong Patakaran at Reporma ng Paaralan
✅ Mahahalagang gampanin ng mga magulang sa tagumpay ng kanilang mga anak

Ang inyong presensya ay mahalaga upang mas maunawaan ang mga pagbabagong ito at higit na mapagtibay ang ating pagtutulungan para sa matagumpay na pagkatuto at paghubog ng mabuting asal ng ating mga mag-aaral.

Sama-sama nating ihanda ang ating mga anak para sa isang mas maayos at matagumpay na taong panuruan!

𝑴𝒂𝒏𝒈𝒐𝒏𝒊𝒂𝒏𝒔: 𝑻𝒐𝒘𝒂𝒓𝒅𝒔 𝑬𝒙𝒄𝒆𝒍𝒍𝒆𝒏𝒄𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝑩𝒆𝒚𝒐𝒏𝒅

Want your school to be the top-listed School/college in Rodriguez?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Millex Road Manggahan
Rodriguez
1860

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm