08/03/2026
SFNHS ESTUDYANTE, PASOK SA TOP 10-DIVISION LEVEL “BATTLE OF THE WISE”
Si Mary France N. Bitoin ng Filipino 9 ng San Fernando National High School (SFNHS) ay pasok sa ika-10 puwesto, sa kabuuang 50 kalahok sa ginanap na 2026 Division of Camarines Sur Secondary Schools “Battle of the Wise” noong Marso 6, 2026 sa Robinson Mall Naga City.
Sa patnubay ng kanyang tagapagsanay na si Marianne M. Panuelos, kasama ang Punongg**o II na si Gng. Gemma A. Realo at Filipino Department Head na si G. Salvador M. Misolas, Jr., hinarap ng mag-aaral ang mga hamon ng kompetisyon—mga tanong na hindi lamang mahirap kundi may kakaibang “twist” pa na sumubok sa lalim ng kanyang kaalaman sa Filipino.
Ang nasabing kompetisyon ay nagpapatunay ng husay at dedikasyon ng mga mag-aaral at g**o ng paaralan.
🤭
🙏🙏🙏
/Maris❣️❤🤗
22/02/2026
Isip ay armas, kaalaman ay lakas!
22/02/2026
Isang maalab na pagbati!🥰
22/02/2026
DokyuKwento ng San Fernando NHS, Kinilala at Nag-uwi ng Ikalawang Gantimpala sa Filipino Festival of Talents
----------------------------------------------
San Fernando NHS, Nagkamit ng Ikalawang Gantimpala sa DokyuKwento sa Filipino Festival of Talents!
Isang malaking karangalan ang iniuwi ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fernando (San Fernando NHS) matapos nilang masungkit ang Ikalawang Gantimpala sa DokyuKwento sa ginanap na Filipino Festival of Talents noong ika-19 ng Pebrero 2026, na idinaos sa Maura N. Sibulo National High School.
Buong pagmamalaking ibinabandera ng ating paaralan ang husay at talento ng ating mga kinatawan na sina:
- Rhane Boy Ahito
- Mariea FrenCheska Chavez
- Abegail Ferran
Pinangunahan at ginabayan sila ng ating masigasig na coach, si G. Salvador M. Misolas Jr. Ang tagumpay na ito ay bunga ng kanilang tiyaga, dedikasyon, at pagtutulungan sa paglikha ng isang natatanging DokyuKwento na kinilala sa distrito.
Binabati ng buong komunidad ng San Fernando NHS, sa pangunguna ng ating Punongg**o, Gemma A. Realo, ang ating mga mag-aaral at coach sa kanilang kahanga-hangang tagumpay. Ang pagkilalang ito ay hindi lamang nagpapakita ng kanilang kakayahan, kundi nagbibigay rin ng inspirasyon sa iba pang mga mag-aaral na paunlarin ang kanilang mga talento at ipagpatuloy ang pagtataguyod ng sining at kulturang Filipino.
Muli, CONGRATULATIONS sa ating mga magigiting na kinatawan! Ang inyong pagtatanghal ay isang testamento sa galing ng San Fernando NHS!