Panipuan High School

Panipuan High School

Share

Panipuan High School, founded in 2005, is a DepEd-managed public secondary school in Pampanga’s 3rd District.

Formerly Panipuan Integrated High School, it is a monograde school with no annexes, committed to providing quality and inclusive education.

Photos from DepEd Philippines's post 06/06/2026

FYI sa ating mga Magulang at Mag-aaral!

06/06/2026

πŸ“’ ANUNSYO PARA SA MGA MAGULANG AT MAG-AARAL πŸ“’

Magandang araw po!
Para po sa mga nagtatanong tungkol sa sectioning ng ating mga mag-aaral, nais po naming ipaalam na ang mga seksyon para sa Grade 8, Grade 10, at Grade 11 ay nakapaskil na po sa ating paaralan.

Samantala, ang mga seksyon para sa Grade 7, Grade 9, at Grade 12 ay ipapaskil naman po sa Lunes, June 8, 2026.

Hinihiling po namin ang inyong kaunting pasensya habang tinatapos ang mga kinakailangang paghahanda upang matiyak ang maayos at organisadong paglalagay ng mga mag-aaral sa kanilang mga seksyon.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, pang-unawa, at pakikiisa sa mga programa at gawain ng ating paaralan.

🏫 Panipuan High School πŸ“š Sama-sama para sa dekalidad na edukasyon. πŸ’™ Maraming salamat po at God bless! πŸ™βœ¨

Photos from Panipuan High School's post 01/06/2026

πŸŽ‰ TAGUMPAY NA KICK-OFF PARA SA BRIGADA ESKWELA 2026! πŸŽ‰

πŸ’™ Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, g**o, alumni, at mga stakeholder na nakiisa at sumuporta sa matagumpay na:

βœ… Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program
βœ… Parents Orientation
βœ… Card Distribution
βœ… Enrollment

πŸ‘ Ang inyong aktibong pakikilahok ay patunay ng ating pagkakaisa at malasakit para sa kapakanan at tagumpay ng ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas napaghahandaan natin ang isang ligtas, maayos, at produktibong pagbubukas ng klase para sa School Year 2026-2027.

Patuloy pa rin ang ating:
🏫 Brigada Eskwela
πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ Parents Orientation
πŸ“„ Card Distribution
πŸ“ Enrollment

πŸ—“ Mula Hunyo 2 hanggang Hunyo 5, 2026
⏰ 8:00 AM hanggang 4:00 PM sa School Covered Court

🎁 Tumatanggap din ang paaralan ng mga donasyon tulad ng:

πŸ–ŒοΈ Pintura at paint brush
🧹 Cleaning materials
🌱 Garden tools
πŸ“š School supplies
πŸ“„ Bond paper
🎨 Iba pang kagamitang makatutulong sa paaralan

🀝 Malugod din naming tinatanggap ang mga volunteer na nais magbahagi ng kanilang oras at serbisyo para sa Brigada Eskwela.

πŸ’› Ang bawat ambag, maliit man o malaki, ay mahalagang tulong para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta!

🏫 Panipuan High School
πŸ“– "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaligtasan at Kaalaman"



31/05/2026

πŸ“šπŸŽ“ MAG-ARAL NGAYON, MAGTAGUMPAY BUKAS! πŸŽ“πŸ“š

Ang Panipuan High School ALS CLC ay bukas para sa mga nais ipagpatuloy at tapusin ang kanilang pag-aaral.

Kung ikaw ay:
βœ… Hindi nakapag-aral
βœ… Hindi nakatapos ng Elementarya o Junior High School
βœ… Out-of-School Child, Youth, o Adult
βœ… Nais magkaroon ng panibagong pagkakataon para sa mas magandang kinabukasan

Narito ang ALS para sa iyo!
Walang hadlang ang edad sa pag-abot ng pangarap. Sa ALS, may pagkakataong makapag-aral, makapagtapos, at makamit ang mga layunin sa buhay.

πŸ“Œ Libreng Edukasyon
πŸ“Œ Flexible na Pag-aaral
πŸ“Œ Bukas para sa lahat ng kwalipikadong mag-aaral

πŸ“ Mag-enroll na sa Panipuan High School ALS CLC para sa SY 2026-2027.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay:
πŸ“ž Karla Mariz P. Framil
πŸ“± 09230819291
May pag-asa. May ALS. Edukasyon ang susi sa tagumpay! πŸ’šπŸ’™πŸ’›

31/05/2026

πŸ“£ TARA NA, MAKIISA SA BRIGADA ESKWELA 2026! πŸš΄πŸοΈπŸš—

Ang Panipuan High School ay buong pusong nag-aanyaya sa lahat ng magulang, mag-aaral, alumni, barangay officials, stakeholders, at mga kaibigan ng paaralan na makilahok sa ating Brigada Eskwela Motorcade and Ebikecade sa Hunyo 1, 2026, alas-6:00 ng umaga.

πŸ“ Assembly Area: Panipuan High School Grounds
πŸ›£οΈ Ruta: Panipuan ➑️ Acli ➑️ Gandus

Ipakita natin ang ating pagkakaisa at suporta para sa ligtas, malinis, at handang paaralan para sa bagong taong panuruan. Ang inyong presensya ay malaking ambag sa tagumpay ng Brigada Eskwela.

Sama-sama nating ipalaganap ang diwa ng bayanihan at pagmamalasakit sa edukasyon.
Kitakits! πŸ’šπŸ’›

Photos from Panipuan High School - Supreme Secondary Learner Government's post 30/05/2026
30/05/2026

π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—™π—Ÿπ—”π—š 𝗗𝗔𝗬𝗦 πŸ‡΅πŸ‡­

Mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 ay ipinagdiriwang ang National Flag Days bilang pag-alala sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas noong 1898.

Ang ating watawat ay simbolo ng kalayaan, pagkakaisa, at katapangan ng bawat Pilipino. Patuloy nating ipagmalaki at igalang ang bandilang sumisimbolo sa ating bayan.

Mabuhay ang Pilipinas! β€οΈπŸ’™πŸ’›


30/05/2026

Magkaisa para sa mas maayos, mas ligtas, at mas handang paaralan!
Inaanyayahan namin ang lahat ng magulang, barangay officials, stakeholders, at mga boluntaryo na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng Panipuan High School.

Sa pamamagitan ng bayanihan, sama-sama nating ihahanda ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto. Ang bawat oras, kagamitan, at tulong na inyong maiaambag ay malaking bahagi sa paglikha ng isang malinis, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

πŸ“… Hunyo 1, 2026 πŸ•– 7:00 AM πŸ“ Panipuan High School Covered Court
Tema: β€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaligtasan at Kaalaman”

Makilahok. Makibahagi. Magbigay ng pag-asa.
Sama-sama tayong maglingkod para sa kinabukasan ng kabataan!

Photos from DepEd Philippines's post 30/05/2026
Want your school to be the top-listed School/college in San Fernando?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Purok 2, Brgyy. Panipuan
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 7:30am - 5pm
Tuesday 7:30am - 5pm
Wednesday 7:30am - 5pm
Thursday 7:30am - 5pm
Friday 7:30am - 5pm