07/05/2026
ARAL Summer Program 2026: Pag-asa at Pagkatuto para sa Kabataang Besenians
Matagumpay na naisagawa ang ARAL Summer Program 2026 sa BLISS Elementary School na naglalayong mapaunlad at matugunan ang kakulangan o learning gap sa pagbabasa ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng programang ito, nabigyan ng karagdagang oras, gabay, at pagsasanay ang mga mag-aaral upang higit pang mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa. Naging makabuluhan ang bawat gawain dahil sa dedikasyon at malasakit ng mga g**ong katuwang sa programa.
Lubos na pinasasalamatan ng paaralan si Ma’am Meha C. Elicarte, ARAL Tutor, sa kanyang walang sawang pagtuturo at pagbibigay ng panahon upang matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagbabasa. Gayundin, kinikilala ang mahalagang papel ni Ma’am Mary Rose R. Olanio bilang ARAL Focal Person sa matagumpay na koordinasyon at pagpapatupad ng programa.
Taos-puso ring nagpapasalamat ang buong paaralan kay Ma’am Jessica A. Imperial, PhD, School Head ng BLISS Elementary School, sa kanyang buong pusong suporta at patuloy na paggabay bilang tugon sa adhikain ng programang ARAL na maiangat ang antas ng pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Patunay lamang ang tagumpay ng programang ito na sa pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit ng bawat isa, mas maraming batang mag-aaral ang mabibigyan ng mas maliwanag na kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon.
30/04/2026
A heartfelt congratulations to Ma’am Lovely Lhancelle R. Rosello from Teacher III (T3) to Teacher VI (T6) under the ECP Program!
This remarkable achievement is a testament to your unwavering dedication, tireless hard work, and genuine passion for teaching at BLISS Elementary School.
Your journey stands as an inspiring example of perseverance, professionalism, and deep love for the teaching profession.
May this milestone open more doors of opportunity and inspire you to reach even greater heights as you continue to shape and uplift the lives of your learners and fellow educators.
Congratulations, BES Educators 🧑🏫
01/04/2026
BLISS EXPRESS, NANGUNA SA DSPC 2025, TOP 8 SA PAHINANG AGHAM at TEKNOLOHIYA, SCHOOL PAPER CATEGORY (Elementary Level) sa RSPC 2026
Nagkamit ng karangalan ang Bliss Express, ang opisyal na pahayagan ng BLISS Elementary School, matapos itong tanghalin na Unang Pwesto sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) 2025 sa Dibisyon ng San Jose.
Itinanghal din ito na Best Newspaper sa Elementary Category, patunay ng kahusayan ng mga batang mamamahayag ng paaralan.
Pagdating sa RSPC 2026, nakuha naman ng Bliss Express ang ikawalong pwesto sa pahinang Agham at Teknolohiya sa School Paper Category (Elementary Level) noong March 18-20 sa Baler, Aurora. Tinatayang higit 100 paaralan mula sa iba’t ibang dibisyon sa Rehiyon III ang naging katunggali ng nasabing pahayagan.
Bunga ng tagumpay na ito ang dedikasyon at sama-samang pagsisikap ng mga campus journalists sa patnubay ng kanilang School Paper Advisers na sina Ma’am Ahzziel A. Hipolito at Ma’am Mary Rose R. Olanio.
Ipinahayag naman ni Dr. Jessica A., Imperial , punongg**o, ang kanyang taos-pusong pagbati at pagmamalaki sa journalism team sa patuloy nitong pagbibigay ng karangalan sa paaralan.
Patunay lamang ito na kayang makipagsabayan ng mga batang mamamahayag ng BES sa mas mataas na antas ng kompetisyon.
01/04/2026
A heartfelt congratulations to Ma’am Meha C. Elicarte on her promotion from Teacher I (T1)to Teacher III (T3), Ma’am Mary Rose R. Olanio from Teacher I (T1) to Teacher III (T3) and Ma’am Nona Marie D. Espinoza from Teacher III (T3) to Teacher VI (T6) under the ECP Program!
This remarkable achievement is a testament to your unwavering dedication, tireless hard work, and genuine passion for teaching at BLISS Elementary School.
Your journey stands as an inspiring example of perseverance, professionalism, and deep love for the teaching profession.
May this milestone open more doors of opportunity and inspire you to reach even greater heights as you continue to shape and uplift the lives of your learners and fellow educators.
Congratulations, BES Educators 🧑🏫
31/03/2026
Pagbati sa lahat ng mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan.
Ang pagkakaroon ng parangal ay hindi lamang bunga ng talino, kundi ng tiyaga, disiplina, at determinasyon na maabot ang inyong mga pangarap.
Tema: Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao
Congratulations!
31/03/2026
The first step is done, ready for the next big journey! Congratulations, Kindergarten completers!
Tema: Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao
Ngayon ay hindi lamang pagtatapos ng isang yugto, kundi simula ng mas malaki at mas makulay na paglalakbay. Mula sa mga simpleng hakbang, sa paghawak ng lapis, sa unang pagbasa, hanggang sa pagkatutong mangarap, kayo ay patunay na ang bawat maliit na simula ay may kakayahang maging isang dakilang tagumpay.
18/03/2026
BLISS Elementary School joins the National Women’s Month Celebration by wearing purple every Wednesday, symbolizing justice, dignity, and women’s empowerment. This simple act shows our support for gender equality and our recognition of the important role of women in society, especially in the field of education. Happy National Women’s Month! 💜
14/03/2026
BLISS Elementary School conveys its deepest gratitude and sincere appreciation to Ma’am Jin Orpha DC. Jardiel, a registered Guidance Councelor and Atty. Paul Ryan Villanueva for generously sharing your time, knowledge, and expertise as resource speakers during the Gender and Development (GAD) activity.
Your meaningful and insightful discussions greatly enriched our understanding of gender sensitivity, equality, and inclusivity, and inspired us to uphold these principles not only in our workplace but also in the community we serve. Your professionalism, dedication, and passion for advocacy made the activity truly significant and impactful to all participants.
We are truly grateful for your support in promoting the goals of Gender and Development. Your valuable contribution will continue to inspire us to build a more respectful, inclusive, and empowered school community.
14/03/2026
Nakiisa ang BLISS Elementary School sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng paaralan sa mga posibleng sakuna, lalo na sa lindol. Layunin ng gawaing ito na mapalakas ang kamalayan, kahandaan, at tamang pagtugon ng mga g**o, mag-aaral, at kawani sa oras ng emergency.
Sa pangunguna ng pamunuan ng paaralan, maayos na isinagawa ang drill kung saan sabay-sabay na isinagawa ng mga kalahok ang Duck, Cover, and Hold bilang pangunahing hakbang sa oras ng lindol. Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang disiplina at pakikiisa sa pagsunod sa mga alituntunin upang masig**o ang kaligtasan ng lahat.
08/03/2026
The successful conduct of our Learning Action Cell (LAC) Session highlighted the importance of purposeful teaching and continuous professional growth. With the theme “From SMART Teaching to SMART Growth,” the session emphasized the Professional Journey Map, focusing on PPST targets and the Personal Development Plan (PDP) as guides for teachers in achieving their professional goals.
Our heartfelt appreciation goes to our speaker, Sir Arnaldo D. Abuan, for sharing his knowledge, insights, and expertise that inspired us to reflect, improve, and grow in our teaching profession. Your guidance truly motivated us to become more committed and effective educators.
Thank you for being part of this meaningful learning experience.