12/10/2025
Sa kauna-unahang Pasalubong Festival na naganap sa Mayumong Bayan ng San Miguel. Pinuno ng makukulay na kasuotan at masisiglang indak ng bawat mananayaw ng mga kalahok na paaralan ang kalye ng San Miguel— bitbit ang kanilang mga produktong nirerepresenta na tunay ngang sumasalamin sa kultura at yaman ng Mayumong Bayan.
Sa kabila ng kabiguang maiuwi ang kauna-unahang kampeonato, hindi bakas sa bawat indak at sayaw ng Russelliano ang pagkatalo, bagkus ito’y isang representasyon na ang bawat Russellian ay magaling at mahusay sa iba’t-ibang larangan.
Ito’y bunga ng kanilang ilang linggong pagpapagod at determinasyon, malugod naming binabati ang lahat ng bumubuo sa Russellian Dance Troupe! Sa inyong husay na ipinamalas mula sa Indakan sa Kalye hanggang sa naganap na Showdown dahil hindi nyo binigo ang lahat ng manonood. Hayo Mayumo! Mabuhay ang Russelliano!
1/2
08/10/2025
Nag-aalab na ninais ng Grade 12 Men’s Volleyball Team na maipagpatuloy ang kanilang binuong legasiya matapos paulanan ng kanilang kampo nang malalakas na hampas ang Baitang 9 upang muling matimbrehan ang kampeonato sa naganap na Intramurals 2025. Sa gitna ng init ng araw, pinatunayan ng Seniors ang kanilang lakas at galing sa loob ng court at tinuldukan ang Championship Match sa iskor na 12-5, 4-12, at 15-5.
Sa bawat malalakas na palo, matatag na depensa, at matibay na opensa, binandera ng Seniors ang kanilang husay at galing at pinatunayang sila ang Hari ng Men’s Volleyball sa JJRMHS.
Umalingawngaw ang pangalan ni Tycoon Luciano matapos hiranging Most Valuable Player (MVP), na nagsilbing haligi at pundasyon ng kanyang koponan. Ang kanyang mga puntos at depensa’y nagbigay buhay sa kanyang kampo upang muling maabot ang tugatog ng tagumpay.
Grade 9 pa lamang ay bitbit na nila ang titulo ng pagiging kampeon, hanggang ngayong matatapos na ang kanilang karera sa paaralan ay nanatili sa kanilang mga palad ang kampeonatong pinakaaasam ng lahat.
Sa huli binulsa ng Baitang 12 ang kampeonato at nasungkit naman ng Baitang 9 ang Unang Pwesto. Kasunod nito ang Ikalawang Pwesto na nauwi ng Baitang 7.
23/09/2025
Grade 12 Sinelyuhan ang Kampeonato para sa Historic Three-Peat Glory.
Pinagharian at binanderahan ng Grade 12 Basketball Team ang Mens Basketball sa naganap na Championship Match noong Biyernes sa Intramurals 2025. Kinalawit ang kampeonato laban sa kapwa Senior High School sa iskor na 75-33.
Nagningning ang pangalan ni Meljon Magat matapos magpaulan ng tres at kumamada ng mga puntos para sa kampo ng Baitang 12 dahilan upang tuluyan nang malugmok ang koponan ng Baitang 11.
Bitbit ang kanilang twice-to-beat advantage, hindi na pinakawalan ng kampo ni Magat ang kanilang labis na kalamangan at sinelyuhan ang kampeonato. Sa huli, binulsa ng Dose ang kanilang kamangha-manghang Three-Peat Title sa Men’s Basketball.
Nakuha naman ng Baitang 11 ang Unang Pwesto, kasunod nito ang Ikalawang Pwesto na nakamit ng Baitang 10.
22/09/2025
CLRAA Qualifier, Renomeron, nagpakitang-gilas sa Intramurals 2025 sa larangan ng Swimming.
Namayagpag ang CLRAA Qualifier na si Johnehl Isla Renomeron ng Baitang 9 sa iba’t ibang kategorya sa larangan ng Swimming sa katatapos lamang na Intramurals 2025 na ginanap nitong Setyembre 17-19 sa John J. Russell Memorial High School na may temang "Championing Learning Through Sports, Building skills, Values, and Futures".
Siya ay nanguna sa 100 m individual medley, 100 m butterfly, 100 m breaststroke, 50 m breaststroke, at 25 m breaststroke.
Hindi maikakaila ang kagalingan ng atleta sapagkat siya ay nakapag-uwi na ng anim na medalya para sa ating sintang paaralan. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng CLRAA Qualifier ng Baitang 9 hindi pa din nagpahuli ang Baitang 7 na siyang naging overall champion sa Swimming.
22/09/2025
Bilang panimula ng Intramurals 2025, ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang natatanging husay at galing sa isang mainit na sagupaan ng mga Russelliano sa Bench Yell.
20/09/2025
Mula sa Patnugutan ng Ang Bukal 2025-2026, Maligayang Pagbati po sa iyong kaarawan Sir Joel. Nawa’y patuloy po kayong pagpalain ng ating Panginoon at magkaroon ng malakas na pangangatawan, at walang hanggang kasiyahan. Patuloy po sana kayong magtagumpay sa inyong mga hangarin lalo’t higit sa pamumuno sa ating Sintang Paaralan at pagmamalasakit sa mga g**o lalong-lalo na sa mga mag-aaral.
Maligayang kaarawan po, aming mahal na Punong G**o!
20/09/2025
Malalakas na hiyawan at palakpakan ang umalingawngaw mula sa mga Russelliano nang pumasok ang mga kalahok sa Mr. & Ms. Intramurals 2025.
Sa tuwing sasapit ang Intramurals sa bawat paaralan, maraming isports ang nagbibigay kulay sa tatlong araw na masayang kaganapan, ngunit hindi maitatatwa na kapana-panabik din ang pagdaraos ng isang pageant na nagbibigay ng pagkilala para sa mga mag-aaral at hindi lamang nakatuon sa angking pisikal na lakas ng bawat isa bagkus ay nagbibigay daan din ito sa pagkayakap ng bawat indibidwal sa kanilang sariling kakayahan.
Ang bagong Hari at Reyna ng Mr. & Ms. Intramurals 2025 ay sina Jane Marisol Warde ng Grade 10 Curriculum at Ervin Jay Bisco mula sa Grade 11 Curriculum.
18/09/2025
𝗜𝗡𝗧𝗥𝗔𝗠𝗮𝘇𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗲𝗯𝗮𝗰𝗸 - Intramurals 2025
18/09/2025
𝗜𝗡𝗧𝗥𝗔𝗠𝗮𝘇𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗲𝗯𝗮𝗰𝗸
Matapos ang isang taong paghihintay na muling magkaroon ng pinaka aasam na Intramurals—masayang binuksan ang Intramurals sa John J. Russel Memorial High School (JJRMHS) kahapon Setyembre 17, 2025. Ito ay sinimulan sa isang parada kasama ang mga Manlalaro, Mga G**o, Punong G**o, mga Pang-ulong G**o, kabilang din dito ang mga mag-aaral na kalahok sa bench yell at mga mananayaw ng bawat kurikulum.
Ito na ang hudyat at panimula ng tagisan ng husay, galing, talino at dedikasyon ng bawat Russelianong manlalaro at ng kani-kanilang mga koponan.