๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Binuksan ngayong araw, Mayo 28, ang 9th International Conference on Asian and Philippine Studies sa Chali Resort & Conference Center, Cagayan de Oro City.
Sinimulan ang kumperensiya sa isang panalanging pinangunahan ni Dr Ramilito B Correa, at sinundan ng mensahe ni Dr Deborrah S Anastacio, Tagapangulo ng DLSU Departamento ng Filipino
Tampok bilang plenaryong tagapanayam si Dr Leticia Cordeiro Simรตes de Moraes Lima, Propesor ng Centro Universitรกrio La Salle-Rio de Janeiro. Ibinahagi niya ang papel na โNavigating Distant Waters: ASEANโs Role in the South China Sea Disputes from a Brazilian Perspective.โ
Tagapagdaloy ng palatuntunan sina Dr John A Amtalao at Bb Ma Jayanne C Mapugay.
DLSU Departamento ng Filipino
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DLSU Departamento ng Filipino, Education Website, San Roque.
27/05/2026
Nakikiisa ang DLSU Departamento ng Filipino sa mga kapatid nating Muslim sa pagdiriwang ng Eid Al Adha.
Eid Mubarak!
25/05/2026
Malugod na pagbati kay Dr Princess Gissel D Servo, alumna ng PhD Araling Filipino - Wika, Kultura, at Midya ng DLSU Departamento ng Filipino, sa pagkakahirang bilang Research and Faculty Development Director ng Office of the Integrated School Principal, De La Salle University Integrated School.
Padayon, Dr Servo! Lubos ka naming ipinagmamalaki!
24/05/2026
Malugod na pagbati kay Dr Feorillo Petronilo A Demeterio III, Distinguished Full Professor ng DLSU Departamento ng Filipino, sa pagiging mentor sa Research Plan Conceptualization Workshop na idinaos noong Pebrero 27 at Marso 6, 2026 sa Pampanga State University (PamSU).
Ang workshop ay inorganisa ng Research Institute on Strategic Education ng PamSU. Nilahukan ito ng mahigit 40 instruktor at propesor ng pamantasan na nagnanais makapaglathala sa Scopus-indexed journals.
Padayon, Dr Yum! Lubos ka naming ipinagmamalaki!
23/05/2026
Malugod na pagbati sa mga mag-aaral at alumni ng DLSU Departamento ng Filipino sa pagkakalathala ng kanilang mga artikulo sa Kritika Kultura, Blg 48, 2025!
22/05/2026
Malugod na pagbati kay Dr Aristotle P Balba, alumnus ng PhD Araling Filipino - Wika, Kultura, at Midya ng DLSU Departamento ng Filipino, sa pagkakahirang bilang Dekano ng College of Criminal Justice Education, De La Salle Lipa.
Padayon, Dr Balba! Lubos ka naming ipinagmamalaki!
21/05/2026
Malugod na pagbati kay Dr Feorillo Petronilo A Demeterio III, Distinguished Full Professor ng DLSU Departamento ng Filipino, sa pagiging resource person sa Round Table Discussion on Samarโs Historic Forts and Sea Lanes na idinaos noong Pebrero 11, 2026 sa University of Santo Tomas, Manila.
Tinalakay ni Dr Demeterio ang kaligirang kasaysayan ng dalawang site ng anti-Moro Filipino-Spanish defense structure sa Lalawigan ng Samar: Bangahon sa bayan ng Gandara at Santa Rita Island sa bayan ng Santa Rita. Isinagawa ang restorasyon ng mga nabanggit na site sa pamamagitan ng pondong ipinagkaloob ng Embahada ng Estados Unidos. Bahagi ito ng mga pagsisikap ng lalawigan na itanghal ang mahigit 20 historical sites upang mapakinabangan ang mga ito para sa edukasyon at turismo.
Padayon, Dok Yum! Lubos ka naming ipinagmamalaki!
19/05/2026
Malugod na pagbati kay Dr Christopher Bryan A Co**ha, Associate Lecturer ng DLSU Departamento ng Filipino, sa pagiging plenary speaker sa Ika-23 Pambansang Kumperensiya sa Wika, Panitikan, at Pelikula ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) na idinaos noong Pebrero 20, 2026 sa Manila Tytana Colleges.
Ibinahagi ni Dr Co**ha sa kumperensiya ang panayam na pinamagatang "Mula K-pop Patungong P-pop: Ang Glokalisasyon bilang Interdisiplinaryong Lente sa Pananaliksik sa Kulturang Popular." Tinalakay sa panayam ang ugnayan ng K-pop at P-pop, at binigyang-diin na ang P-pop ay hindi simpleng imitasyon ng K-pop kundi isang malikhaing pag-aangkop kung saan ang mga global na porma ay binibigyan ng lokal na kahulugan at sensibilidad. Ipinakita rin sa panayam na ang lokal na identidad ay hindi nawawala sa gitna ng global na impluwensiya. Sa halip, patuloy itong binubuo, binabago, at pinagyayaman sa pamamagitan ng interaksiyon sa global cultural flows ng kulturang popular.
Padayon, Dok CC! Lubos ka naming ipinagmamalaki!
18/05/2026
Malugod na pagbati kay G Jezryl Xavier T Genecera, alumnus ng AB Araling Pilipinas medyor sa Filipino sa Mass Media ng DLSU Departamento ng Filipino, sa pagkakagawad sa kaniya ng full scholarship sa Friedrich-Ebert-Stiftung Academy of Political Management.
Layunin ng scholarship program na higit na palalimin ang pag-unawa ng mga kalahok sa politikal na pamumuno at literasiyang pang-ekonomiya, at linangin ang kanilang mga kakayahan sa komunikasyon at pag-oorganisa ng ibaโt ibang proyekto.
Padayon, Jezryl! Lubos ka naming ipinagmamalaki!
17/05/2026
Malugod na pagbati kay G John Kelvin R Briones, alumnus ng MA Araling Filipino - Wika, Kultura, at Midya ng DLSU Departamento ng Filipino, sa pagkakahirang bilang Assistant Executive Director ng Certification Office, TESDA Central Office.
Kasama siyang mangunguna sa pagpapatibay ng quality assurance, assessment, at certification systems ng TESDA upang matiyak ang paghubog ng mas mataas na pamantayan ng kasanayan, integridad, at kredibilidad ng Filipino workforce.
Lubos ka naming ipinagmamalaki! Padayon!
16/05/2026
Malugod na pagbati sa mga fakulti, mag-aaral, at alumni ng DLSU Departamento ng Filipino na lumahok sa 8th South Manila Educational Consortium (SMEC) Research Congress!
Nagsilbing Chair ng Organizing Committee si Dr Feorillo Petronilo A Demeterio III, Distinguished Full Professor ng departamento. Nagbasa naman ng papel-pananaliksik sina Dr Christopher Bryan A Co**ha, Associate Lecturer; Dr Christian P Gopez, Dr Leslie Anne L Liwanag, at Dr Joven B Makiling, alumni ng PhD Araling Filipino - Wika, Kultura, at Midya; G Jay Israel B De Leon, Bb Jamaica Furaque, G Rhyan Malandog, G Jeyson T Taeza, at G Vladimir B Villejo, mga mag-aaral ng PhD Araling Filipino - Wika, Kultura, at Midya.
Idinaos ang 8th SMEC Research Congress noong Pebrero 19-20, 2026 sa De La Salle University - Laguna Campus.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
San Roque