Malabago Elementary School - 106983

Malabago Elementary School - 106983

Share

Malabago Elementary School - 106983 is the official page of Malabago Elementary School (Sch

Photos from Malabago Elementary School - 106983's post 19/06/2026

Sa unang araw ng implementasyon ng PROJECT BOTE(Bottles for Outreach, Thrift, and Environmental Sustainability), matagumpay na nangolekta ng mga plastik na bote ang mga opisyal ng SELG, YES-O, at BKD mula sa lahat ng silid-aralan ng Malabago Elementary School.

Ang pangongolekta ng mga bote ay isinagawa bago magsimula ang klase, habang ang paglilinis at paghahanda ng mga ito para maibenta ay ginawa pagkatapos ng klase. Sa pangunguna ng kanilang mga advisers na sina Madam Janet Maten, Madam Janet Velasco, at Sir Rico Del Rosario Jr., at sa buong suporta ng ating School Head, Madam Lo**ta Marcellana, ipinakita ng mga opisyal ang kanilang dedikasyon at malasakit sa kalikasan.

Ang mga malilikom na pondo mula sa pagbebenta ng mga bote ay gagamitin upang suportahan ang mga programa at proyekto ng SELG, YES-O, at BKD para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral at ng paaralan.

Sama-sama para sa malinis na kapaligiran at mas maunlad na paaralan!

Photos from Malabago Elementary School - 106983's post 10/06/2026

Malabago ES, Nagsagawa ng Unannounced Earthquake Drill

Ngayong araw, matagumpay na isinagawa sa Malabago Elementary School ang isang unannounced earthquake drill bilang bahagi ng pagpapatibay ng kahandaan ng mga mag-aaral at kawani sa oras ng lindol.

Biglaang ipinatupad ang drill upang masuri ang agarang reaksyon ng mga mag-aaral sa aktwal na sitwasyon. Kaagad na isinagawa ang โ€œDuck, Cover, and Holdโ€ at sinundan ng maayos na paglikas patungo sa itinalagang evacuation area ng paaralan.

Layunin ng aktibidad na mas mapalakas ang disiplina, kamalayan, at kahandaan ng bawat isa sa anumang sakuna.

Sa kabuuan, naging maayos at matagumpay ang pagsasagawa ng drill, na nagpapakita ng kahandaan at kooperasyon ng buong komunidad ng paaralan ng Malabago ES.


Photos from Malabago Elementary School - 106983's post 05/06/2026

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Malabago Elementary School sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa matagumpay na pagsasagawa ng Project GUPIT (Grooming Upgrade Program through Inclusive Trimming).

Lubos kaming nagpapasalamat kina Kagawad Sara Jane Menor at Kagawad Melvin Misa sa kanilang bukas-palad na pag-sponsor ng libreng gupit para sa ating mga mag-aaral. Maraming salamat din sa mga volunteer barbers, mga magulang, at iba pang stakeholders na naglaan ng oras at serbisyo upang maging matagumpay ang programang ito.

Dahil sa inyong malasakit at pagtutulungan, mas naging handa, maayos, at kumpiyansa ang ating mga mag-aaral sa pagsisimula ng panibagong taong panuruan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa edukasyon at kapakanan ng batang Malabago!




03/06/2026

โœ‚๏ธ๐Ÿ“ข PROJECT GUPIT 2026 ๐Ÿ“ขโœ‚๏ธ

Ang Malabago Elementary School, sa pakikipagtulungan kina Kagawad Sara Jane Menor at Kagawad Melvin Misa, ay magsasagawa ng Project GUPIT (Grooming Upgrade Program through Inclusive Trimming) bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2026 sa darating na Biyernes.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng libreng gupit ang mga mag-aaral ng Malabago Elementary School upang matulungan silang maging malinis, maayos, at handa sa pagbubukas ng klase.

Maraming salamat sa ating mga sponsor at katuwang na patuloy na sumusuporta sa kapakanan at edukasyon ng ating mga mag-aaral.

๐Ÿ’™ โ€œEmpowering Communities Through Careโ€
๐Ÿ“… Date: June 5,2026
๐Ÿ“ Venue: Malabago Elementary School



30/05/2026

PAANYAYA!
Inaanyayahan po ang lahat ng mga magulang, alumni, at mga miyembro ng komunidad na makiisa sa gaganaping Brigada Eskwela ng ating paaralan. Sama-sama po nating linisin, ayusin, at pagandahin ang ating paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.
Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa!

18/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐ ๐จ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ is actively taking part in the ๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ, with the goal of helping our learners improve their reading skills in a supportive and engaging environment.

We are truly grateful to Madam ๐‘น๐’๐’”๐’‚๐’๐’Š๐’† ๐‘ด. ๐‘ธ๐’–๐’†๐’ƒ๐’†๐’„ for her kindness and generosity in donating snacks for our ARAL learners and tutors. Your thoughtful support means so much, it keeps our learners energized, happy, and motivated throughout their reading sessions.

With the dedication of our teachers, the enthusiasm of our learners, and the support of our stakeholders, we continue to make reading a joyful and meaningful journey for everyone.

Thank you for being part of this success!

15/04/2026

๐Ÿ“ฃ PAANYAYA SA MGA ALUMNI ๐Ÿ“ฃ
Magandang araw, mga minamahal naming alumni!
Malugod po namin kayong inaanyayahan na dumalo sa isang mahalagang pagtitipon na gaganapin sa ika-30 ng Abril bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na ika-120 anibersaryo ng ating paaralan.
Ang aktibidad na ito ay may temang:
โ€œMES2027@120: PAGBABALIK, PAGKIKITA AT PAGPAPLANO: LAKAS NG KOMUNIDAD NG ALUMNIโ€
Layunin ng gawaing ito na muling pagtibayin ang samahan ng mga alumni, magbahagi ng masasayang alaala, at sama-samang magplano ng mga programa at aktibidad para sa darating na makasaysayang selebrasyon.
Petsa: Abril 30, 2026,
Lugar: Barangay Malabago Covered Court
Oras: 7:00 ng Gabi
Hinihikayat namin ang inyong pakikiisa at aktibong partisipasyon upang lalo pang mapalakas ang ating komunidad. Ang inyong presensya ay mahalaga sa tagumpay ng ating layunin.
Dumalo at makibahagi! Kita-kits po tayo!

Photos from Malabago Elementary School - 106983's post 23/03/2026

We would like to express our sincere appreciation to the Bureau of Fire Protection โ€“ Sta. Cruz Station for conducting a meaningful and informative Fire Orientation at Malabago Elementary School in line with the observance of Fire Prevention Month.
Your valuable insights on fire safety, prevention, and emergency preparedness have greatly helped our learners, teachers, and staff become more aware and ready in times of emergency.
Thank you for your unwavering commitment to public safety and for sharing your expertise with our school community. Your efforts truly make a difference.

Photos from Malabago Elementary School - 106983's post 01/03/2026

Hard work truly bears sweet rewards!
Congratulations Sir Rico del Rosario , mam Jan Nhet and mam Jenelyn M Mose. May this milestone bring you even more fulfillment and opportunities to share your expertise in the service of education.

11/02/2026

Congratulations Madam Diane - you truly deserve this!

Want your school to be the top-listed School/college in Santa Cruz?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


National Road, Malabago
Santa Cruz
2213

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm