07/08/2025
✨Taos-puso po na nagpapasalamat ang SAMAFIL sa lahat ng nakilahok sa aming patimpalak na pagsulat ng TINAHING WIKA O SLOGAN. Ang inyong malikhaing pag-aambag ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng aming programa.
Sa pamamagitan ng inyong mga salita, naipahayag natin ang kahalagahan ng wika at kultura na patuloy nating ipinagmamalaki. Nawa’y patuloy tayong magkaisa sa pagpapahalaga at paglinang ng ating sariling wika. Maraming salamat po sa inyong lahat! ⭐⭐
✍️: Janix Buenconsejo
🖼️: Aljur Quintos
03/08/2025
Tara na sa Filipino Club! 🇵🇭
Inaanyayahan ka naming maging bahagi ng isang makabuluhang samahan na layuning itaguyod, ipagdiwang, at pagyamanin ang kulturang Pilipino — ito ang Filipino Club! ✨
Bilang mga mag-aaral at kabataang Pilipino, mahalagang kilalanin at mahalin natin ang ating pinagmulan. Sa Filipino Club, matututo tayo hindi lamang tungkol sa wika, kasaysayan, at tradisyon ng ating bansa, kundi mararanasan din natin ito sa masaya at makabuluhang paraan.
🎉 Ano nga ba ang naghihintay sa'yo?
✅Mga aktibidad na may kinalaman sa kakayahan at talento mo!
✅ Pagsali sa mga selebrasyon gaya ng Buwan ng Wika
✅ Pagkakataong makapagsalita sa harap ng madla at paunlarin ang iyong tiwala sa sarili
✅ At higit sa lahat, bagong kaibigan na parang pamilya! 🫂
Ang Filipino Club ay bukas sa lahat ng estudyanteng may malasakit, pagmamahal, o simpleng kagustuhang matuto tungkol sa kultura natin. Kahit hindi ka fluent sa Filipino—walang problema! Dito ka sa'min, dito ka sa'kin , dito ka sa Filipino Club, matututo ka nang may suporta at saya. ✨
Halina, makiisa, at maging boses ng kulturang Pilipino. Sama-sama nating ipagmalaki kung sino tayo, Tara na sa Filipino Club!🇵🇭

07/09/2024
✨𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄!✨
Maraming salamat sa mga munting estudyante na nakilahok sa SAMAFIL! ✨ Halina't hubugin natin ang inyong mga natatanging talento at kakayahan!.✨💛