Sibul National High School

Sibul National High School

Share

The official page of Sibul National High School Official Page of Sibul National High School

18/05/2026

๐Ÿ’ก๐Ÿ’ก๐Ÿ’ก

๐™Š๐™‹๐™„๐™‰๐™„๐™Š๐™‰ | Wala na namang Kuryente?

Kamakailan ay naglabas ng Red Alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa ilang bahagi ng Luzon at Mindanao dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Pero paano? Paano tayo? Sa bansang tulad ng Pilipinas na nakakaranas ng matinding init, ang pagkawala ng kuryente ay hindi lamang simpleng bagay na raraos na lamang. Napakaraming naaapektuhanโ€”pag-aaral, trabaho, maging ang operasyon ng mga ospital at negosyo, lalo na ang kalusugan ng bawat isa. Kapag walang sapat na abiso, mas lalong nagiging mahirap para sa mga tao ang makapaghanda sa posibleng pagkawala ng kuryente.

Ayon sa NGCP, ang Red Alert ay nangangahulugang hindi sapat ang suplay ng kuryente upang matugunan ang pangangailangan ng publiko kaya posibleng magkaroon ng rotational brownouts. Ayon naman sa Department of Energy (DOE), isa sa mga dahilan nito ay ang sabay-sabay na pagtaas ng demand sa kuryente at pansamantalang paghinto ng operasyon ng ilang power plant.

Sa gitna ng matinding init na nararanasan sa bansa, mas mataas din ang konsumo ng kuryente dahil sa paggamit ng mga appliances tulad ng electric fan at air conditioner. Dahil dito, mas mabilis nababawasan ang reserbang suplay ng kuryente sa ilang lugar.

Hindi maikakaila na malaki ang epekto ng pagkawala ng kuryente sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Naaapektuhan nito ang pag-aaral ng mga estudyante, trabaho ng mga manggagawa, operasyon ng mga ospital, at maging ang maliliit na negosyo na umaasa sa tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.

Mahalaga ang pagtitipid ng enerhiya, ngunit hindi ito dapat maging tanging solusyon. Karapatan nating mga Pilipino ang maayos, sapat, at maaasahang suplay ng kuryente.

Bilang isang mamamayan, mahalagang magkaroon ng malinaw na abiso, tamang paghahanda, at mas maayos na plano mula sa mga kinauukulan upang mabawasan ang epekto ng mga Red Alert at maprotektahan ang mga mamamayan mula sa mas malaking problema sa hinaharap.

via Stephanie Gabuat, Ang Sibol

17/05/2026

๐ŸŽต ๐’๐‘ผ๐‘ด๐‘ฉ๐‘น๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ซ๐‘จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ŸŽต

Inaanyayahan namin ang lahat ng magulang, mag-aaral, alumni, g**o, at mga kaibigan ng paaralan na makiisa sa ating masigla at masayang ๐’๐’–๐’Ž๐‘ฉ๐’“๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’…๐’‚ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”! ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บ

Simulan natin ang Brigada Eskwela nang may sigla, saya, at enerhiya! ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บ

๐Ÿ—“๏ธ Kailan: Hunyo 1, 2026 (Lunes)
โฐ Oras: 6:30 AM
๐Ÿ“ Saan: SNHS Old Gym
๐ŸŽŸ๏ธ Ticket: ๐๐ก๐ฉ ๐Ÿ“๐ŸŽ.๐ŸŽ๐ŸŽ lamang!

Maaaring makabili ng ticket sa mga g**o ng inyong mga anak o kay Maโ€™am Patricia Mae Matias sa Principalโ€™s Office.

Ang lahat ng malilikom mula sa aktibidad na ito ay ilalaan para sa pagsasaayos, pagpipintura, at pagpapaganda ng mga pasilidad ng ating mahal na paaralan.

Kaya tara na, Sibulanos! Magsayaw, makiisa, at maging bahagi ng bayanihan para sa edukasyon! โœจ

17/05/2026

โœจ ๐‘ต๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ฐ๐‘บ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘บ๐‘ฐ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ถ๐‘บ ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ฉ๐‘น๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ซ๐‘จ ๐‘ฌ๐‘บ๐‘ฒ๐‘พ๐‘ฌ๐‘ณ๐‘จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”! โœจ

Isang malaking pagbati, Sibulanos!

Inaanyayahan ng Sibul NHS ang lahat ng magulang, mag-aaral, alumni, at mga kabalikat sa komunidad na makiisa sa ๐‘ฉ๐’“๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’…๐’‚ ๐‘ฌ๐’”๐’Œ๐’˜๐’†๐’๐’‚ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ngayong ๐‘ฏ๐’–๐’๐’š๐’ ๐Ÿโ€“๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa ligtas, malinis, at maaliwalas na pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng bayanihan, pagtutulungan, at malasakit, mas mapagtitibay natin ang isang paaralang handa para sa kinabukasan ng kabataan.

Ang inyong oras, lakas, at suportaโ€”maliit man o malakiโ€”ay malaking ambag sa tagumpay ng ating paaralan.

Magkita-kita po tayo at sama-samang maglingkod para sa edukasyon! ๐Ÿซถ

Photos from Sibul National High School's post 16/05/2026

๐ŸŽ’โœจ ๐Ž๐๐‹๐€๐ ๐๐€๐‹๐ˆ๐Š ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โœจ๐ŸŽ’

โ€‹Isang mainit na pagbati sa inyo, Sibulanos!

โ€‹Sa muling pagbubukas ng pintuan ng ating paaralan, handa na ang Sibul NHS na gabayan kayo sa panibagong taon ng kaalaman at tagumpay. Kaya naman, oras na para ihanda ang inyong mga dokumento at markahan ang mahahalagang petsa para sa ating gaganaping enrollment at paghahanda sa pagbabalik-eskwela.

โ€‹Sama-sama nating gawing makabuluhan at matagumpay ang School Year 2026! Kita-kits, mga mag-aaral! I-tag na ang inyong mga kaklase, i-share ang post na ito, at ipamahagi ang magandang balita! ๐Ÿซถ

โ€‹

12/05/2026

BALITA | BATO, Bantay-Sarado Habang Umiikot ang ICC Warrant

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na tanging legal na proseso lamang ang kanilang susundin kaugnay ng iniulat na arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald dela Rosa.

Ayon sa mga opisyal, kinakailangang dumaan muna ito sa tamang koordinasyon sa Interpol at magkaroon ng kaukulang utos mula sa lokal na hukuman bago ito maipatupad sa bansa. Kaugnay nito, inilagay sa protective custody ng Senado si dela Rosa habang inaasikaso ng kanyang kampo ang mga legal na hakbang laban sa naturang warrant.

Samantala, patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon habang hinihintay ang magiging desisyon ng mga kinauukulang ahensya at korte.

via Loraine Joy Umayam, Ang Sibol

Photos from ANG SIBOL - The School Publication of Sibul National High School's post 10/05/2026

๐Ÿซถ๐Ÿผ๐Ÿซถ๐Ÿผ๐Ÿซถ๐Ÿผ

06/05/2026

๐Ÿซถ๐Ÿผ

โ•”โ•โ•โ•โ• โ Kumusta ka? โž โ•โ•โ•โ•โ•—

Sibulaรฑos, kumusta ka na? Napapahinto ka ba minsan para tanungin ang sarili moโ€”โ€œAko, kumusta na?โ€
Kung hindi pa, baka ngayon na ang tamang oras para makinig sa sarili mong tinig.

Minsan, ang taong pinakamasaya sa harap ng iba, siya rin yung tahimik na may pinagdadaanan. Hindi lahat ng ngiti ay nangangahulugang okay na ang lahat.

At tandaanโ€”
okay lang mapagod.
Okay lang maramdaman ang bigat.
Okay lang ipakita na hindi ka okay.

Hindi kahinaan ang pag-amin sa nararamdamanโ€”ito ay tapang. Kaya kung may dinadala ka man ngayon, huwag mong kimkimin. Magpahinga ka, huminga ka, at kung kaya, magkuwento ka.

โ•šโ•โ•โ•โ•โ• โ Hindi ka nag-iisa.โž โ•โ•โ•โ•โ•โ•

Reach out to your guidance office if you need support.

via Unknown, Ang Sibol

Photos from ANG SIBOL - The School Publication of Sibul National High School's post 28/04/2026

Congratulations Sibulanos๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰

21/04/2026

Opinion | Lulan ng Bangkang Papel

Parang bangkang may tagas ang ating sistema, umaandar pa rin ngunit unti-unting lumulubog sa problema.

Habang may ilang patuloy na nagsasalok ng pag-asa, ang butas ng sistema, nananatiling hindi naaayos sa kabila ng dagok na dala.

via Joshua Badua, Ang Sibol

The story doesnโ€™t end here. Discover more in the full article in the comment below.

Image source: Google Images

19/04/2026

LABANAN NG DEKADA: PACQUIAO VS. MAYWEATHER JR.

Nakatakda ang muling paglaban ng pambansang kamao Manny Pacquiao laban kay Floyd Mayweather Jr. sa Setyembre 19, 2026, Las Vegas.

Ayon kay Mayweather isa lamang itong exhibition na iginiit ni Pacquiao na real fight ito. Si Pacquiao, 47, nagbalik sa ring matapos ang 4 na taong pagretiro. Ayon kay Jas Mathur, professional fight ang nakasaad sa kontrata.

via Angelica jade Butac, Ang Sibol

The story doesnโ€™t end here. Discover more in the full article in the comment below.

19/04/2026

๐™๐™€๐˜ผ๐™๐™๐™๐™€ | ๐‘ป๐’‰๐’† ๐‘ฏ๐’‚๐’“๐’ƒ๐’Š๐’๐’ˆ๐’†๐’“ ๐‘ถ๐’‡ ๐‘ฏ๐’๐’‘๐’† ๐‘ฐ๐’ ๐‘ป๐’‚๐’๐’‚๐’—๐’†๐’“๐’‚: ๐‘ป๐’‰๐’† ๐‘บ๐’•๐’๐’“๐’š ๐‘ถ๐’‡ ๐‘จ๐’“๐’Š๐’†๐’” ๐‘ฎ๐’‚๐’ƒ๐’๐’š ๐‘ณ๐’Š๐’Ž

From a baby with small steps and loose grips, to a leader with feet that grind pebbles and stones; from fragile bones to fists that wreck barricades; from tiny shoulders to shoulders that carry thousands of peopleโ€”thousands of hopes.This is the story of Aries Vincent Patrick Gaboy Lim, the 24th Mayor of Talavera. The scion of former Vice Mayor Mrs. Tess Gaboy-Lim and businessman Mr. Benito Lim, he was born in Marikina City and resides in Sibul, Talavera, Nueva Ecija. A man of education, he studied business administration, majoring in finance and wealth management, and accountancy.โ€œStars donโ€™t look bigger, but they do look brighter.โ€ This quote mirrors the qualities of our young mayor. His humbleness and God-fearing nature make him shine brightly as he delivers service that supports everyone equally.

He began as an independent candidate for barangay councilor in his hometown. His abiding will to serve resonated with the people, who voted for him in droves, making him the candidate with the highest number of votes. Now, he is a humble public servant, a leader whom many look up to. A leader who pushes forward with courage and wisdom gleaned from his past, with strength and motivation drawn from his family, and with fear and love of the Lord. A man of God.

He is a victor of the throne who does not wish to sit, but to stand up for the people; to look beyond the horizon, willing to strain his eyes gazing at every sunrise. He is a book with pages of different colors of hope, a leader passionate about serving the people with the Lord guiding him on his path.

Sailing the surging waves, attending countless parades, supporting the youth, cultivating our roots, providing leadership with generosity and goodwill, arising from humility and faithfulness to the Lordโ€”he dreams of making a better place for those around him. He is a man for the people.

A boy, now a herald of the light, who dreams only to spread his wings and let his feathers fill the cracks of the cityโ€™s asphalt, servicing the people with his hope: ๐˜ผ๐™ง๐™ž๐™š๐™จ ๐™‘๐™ž๐™ฃ๐™˜๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™˜๐™  ๐™‚๐™–๐™—๐™ค๐™ฎ ๐™‡๐™ž๐™ข.

via Ojie Bumanlag, Ang Sibol



Want your school to be the top-listed School/college in Talavera?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Address


Sibul, Talavera Nueva Ecija
Talavera
3126

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm