07/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐!โ๏ธโจ
โ
โSa nalalapit na College Retention Exam, taos-puso naming ipinagdarasal ang tagumpay ng bawat isa. Nawaโy maging makabuluhan ang lahat ng oras na inyong inilalaan sa pag-aaral, mga gabing pinili ninyong magpuyat, at mga pagsubok na inyong hinarap upang maabot ang yugtong ito.
โ
โHuwag hahayaang manaig ang kaba at pag-aalinlangan; sa halip, panghawakan ang tiwala sa sarili at ang gabay ng Poong Maykapal. Ang bawat pahina na inyong binasa at bawat araling inyong pinag-aralan ay hakbang patungo sa tagumpay.
โ
โOne take, no retake. Isang pagkakataon, isang laban, nawaโy pagkalooban kayo ng malinaw na pag-iisip, matatag na loob, at karunungang magagamit sa bawat tanong na inyong sasagutan. Anuman ang maging hamon, harapin ito nang may lakas ng loob at buong pananampalataya.
โ
๐๐ ๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ฎ๐ค๐จ, ๐๐๐จ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐พ๐๐๐จ๐ช๐ก๐ฉ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ!๐
06/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐.๐. 2025-2026
โSa biyaya at gabay ng Poong Maykapal, ating kinikilala ang mga mag-aaral na nagpakita ng kahusayan, kasipagan, at dedikasyon sa kanilang pag-aaral. Ang pagkilalang ito ay bunga ng inyong pagsisikap, tiyaga, at pananampalataya sa gitna ng mga hamon.
โ
โNawaโy magsilbi itong inspirasyon upang patuloy ninyong pagyamanin ang inyong kakayahan at magsikap para sa higit pang tagumpay. Binabati namin kayo sa isang natatanging tagumpay na karapat-dapat ipagdiwang.
โ
โPagbati sa lahat ng mga pinarangalan!โค๏ธโ๐ฅ
18/05/2026
โ๐ฒ๐๐๐? ๐ฒ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐!โจ
โKasabay ng mga pahinang ating binuksan ay ang mga gabing pinuyatan, pagod na matang lumaban, at pusong hindi sumuko. Ang panghuling pagsusulit ay hindi lamang pagtatapos ng isang taon kundi patunay ng ating tibay, sipag, at determinasyong maabot ang ating mga pangarap.
โ
โMaaaring mahirap, maaaring nakakapagod, ngunit tandaan nating malayo na rin ang ating narating. Kaya sa bawat kaba at pagdududa, huminga at magtiwala sa sarili. Hindi tayo umabot dito para lang sumuko.
โ
โ๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐. ๐ท๐๐
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!โค๏ธโ๐ฅ
15/05/2026
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ง๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ก๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ง๐ , ๐ญ๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐จ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐ฌ๐ข๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐จ 16 at 18, 2026!๐ญ
โ
โBuong galak naming ipinapakilala ang ating mga iginagalang at mahuhusay na hurado na magsisilbing gabay sa paghubog ng bawat pagtatanghal sa entablado. Taglay nila ang kahanga-hangang karanasan sa larangan ng edukasyon, pamumuno, komunikasyon, at teatroโmga katangiang tunay na magbibigay saysay at inspirasyon sa ating programa.
โ
โSa araw na ito, hindi lamang talento ang bibigyang-pugay kundi pati na rin ang pagsisikap, pagkamalikhain, at pagmamahal sa sining ng bawat kalahok. Nawaโy magsilbing inspirasyon ang ating mga hurado upang higit pang pag-alabin ang kumpiyansa at husay ng bawat isa sa entablado.
โ
โIhanda ang inyong mga sarili para sa isang araw na puno ng damdamin, kahusayan, at makapigil-hiningang pagtatanghal! Kita-kits ngayong Mayo 16 at 18, 2026! ๐โจ
โ
13/05/2026
๐0/๐0 = ๐๐๐% ๐ท๐จ๐บ๐บ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ท๐ฌ๐น๐ช๐ฌ๐ต๐ป๐จ๐ฎ๐ฌ
๐ฉ๐๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐโ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐,
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐,
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐,
โ๐ต๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐.
โ
โ๐๐๐จ๐ฌ-๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ญ๐ข ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐ค๐-๐๐ฎ๐ค๐ฅ๐จ๐ ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ฉ๐๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ 2026!
โ
โAng tagumpay na ito ay bunga ng sipag, tiyaga, sakripisyo, at pananampalatayang hindi natinag ng hirap at pangamba. โHindi naging madali ang paglalakbay. May mga panahong napagod, nagduda, at halos mawalan ng lakas. Ngunit pinatunayan ninyong ang pusong may pangarap ay kayang lampasan ang anumang pagsubok. At ngayon, tangan ninyo ang lisensyang minsan ay pinapangarap lamang.
โ
โKay gandang pagmasdan na ang mga dating estudyanteng nangangarap lamang noon ay magiging mga g**ong magbibigay-ilaw sa isipan ng kabataan. Dalhin ninyo sa bawat silid-aralan ang talino, malasakit, at pusong handang maglingkod. Sapagkat ang tunay na g**o ay hindi lamang nagtuturo ng mga salita at aralinโsiya rin ang humuhubog ng pag-asa, pangarap, at kinabukasan ng bayan.
โ
โ๐๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐!
โ๐๐๐๐๐ฒ๐จ๐ง ๐ฆ๐ ๐ ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง!๐ค
โ
06/05/2026
๐๐๐จ๐ฌ-๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข, ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ซ. ๐๐๐ฌ๐ฉ๐๐ซ ๐๐๐ฒ ๐. ๐๐๐ง๐๐จ๐ณ๐!๐ค
โ
โMula sa iyong paglilingkod bilang Dekano noong (Oktubre 2019 hanggang Hulyo 2025) malinaw na naipakita ang iyong husay sa pamumuno at walang kapantay na dedikasyon sa larangan ng edukasyon. Sa iyong naging papel bilang Pangalawang Pangulo sa Akademikong Ugnayan, lalo mong pinagtibay ang iyong layuning paunlarin ang kalidad ng edukasyon. Ngayon, bilang Pangulo ng Tarlac State University, dala mo ang mas malawak na pananaw para sa patuloy na pag-unlad ng pamantasan.
โ
โSa ilalim ng iyong pamumuno, nawaโy higit pang mapalakas ang diwa ng pagkakaisa at pakikipagtulungan sa buong komunidad ng unibersidad. Inaasahan ang patuloy mong pagsusulong ng mga programang makabago at makatao, na magbibigay-daan sa mas inklusibo at de-kalidad na edukasyon para sa lahat. Nawaโy maging inspirasyon ka sa bawat mag-aaral na mangarap nang mataas at magsikap nang buong puso para sa kanilang kinabukasan.
โ
โNawaโy patuloy ka ring pagpalain ng karunungan, lakas ng loob, at matibay na paninindigan ng Panginoon sa pagtahak sa landas ng paglilingkod. Ang iyong dedikasyon at bisyon ay magsisilbing tanglaw sa bawat isa sa pamantasan upang makamit ang sama-samang tagumpay at makapag-ambag sa paghubog ng mas maunlad na kinabukasan.
โ
โMuli, isang mainit at taos-pusong pagbati!
30/04/2026
REPOST | โ๐ก๐ผ๐ ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐๐๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ๐โ๐๐ฒ ๐ฏ๐ฒ๐ฒ๐ป ๐๐ต๐ฟ๐ผ๐๐ด๐ต ๐๐ฎ๐ ๐บ๐ฒ๐ฎ๐ป๐ ๐๐ผ ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ธ ๐๐ผ๐, ๐๐ผ๐บ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐ถ๐ ๐๐ฎ๐ ๐บ๐ฒ๐ฎ๐ป๐ ๐๐ผ ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐๐ผ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ผ ๐๐ผ๐โ๐ฟ๐ฒ ๐ฏ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐บ๐ถ๐ป๐ด.โ
Hello, Graduating Golden Eagles! ๐ฆ
The journey to this moment hasnโt been easy. There were days filled with doubt, pressure, and uncertainty but you kept going. Now, as you approach the final chapter of your college life, itโs important to give yourself the time to pause. Not just to rest, but to truly reflect on everything youโve been through.
The TSU Guidance and Counseling Unit invites all 4๐๐ต ๐ฌ๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐๐ข๐๐ ๐ด๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ to the ๐.๐.๐.๐. ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ, a recollection experience centered on Self-awareness, Appreciation for Others, Loving God, and Transformation.
More than just an event, this is an opportunity to reconnect with yourself, reflect on your journey, and gain clarity as you prepare to step into the next phase of your life.
๐๏ธ Please refer to the schedule for your assigned date.
See you there! ๐
22/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ 2-1 ๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐!๐ฅณ
Sa araw na ito ng iyong kapanganakan, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa iyong walang sawang pagsisikap at tunay na dedikasyon sa paglilingkod. Ang iyong sipag, tiyaga, at malasakit ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa iyong mga kasamahan kundi pati na rin sa buong organisasyon.
Nawaโy patuloy kang gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal ng mas malawak na kaalaman, mas matatag na loob, at mas marami pang tagumpay sa lahat ng iyong mga layunin sa buhayโsa loob man o labas ng paaralan. Patuloy ka sanang maging ilaw at huwaran sa iba.
Muli, maligayang kaarawan mula sa pamunuan ng Buklod-Diwa! ๐ค
09/04/2026
Pagbatiโt paghanga ang taos-pusong ipinapaabot ng Buklod-Diwa sa iyo, Henrie Macoy C. Yatar, sa pagkamit ng ika-5 puwesto sa Pagkukuwento sa nakalipas na Philippine Association of State Universities and CollegesโNational Culture and Arts Festival (PASUC-NCAF) 2026 na idinaos sa Lungsod ng Iloilo. Bilang kinatawan ng Rehiyon III, buong husay mong ipinamalas ang sining ng pagkukuwento sa gitna ng labing-limang mahuhusay na kalahok mula sa ibaโt ibang panig ng bansa.
โ
โMuli mong pinatunayan na ang larangang ito ang iyong tunay na forteโisang entabladong likas mong kinabibilangan, kung saan ang iyong tinig, damdamin, at talento ay nagiging buhay na sining na nagbibigay-inspirasyon sa marami.
โ
โLubos din ang aming pasasalamat at pagkilala sa iyong tagapagsanay, Dr. Jeanette Mendoza-Baquing, sa matiyaga at buong pusong paggabay tungo sa tagumpay na ito.
โ
โIpinagmamalaki ka namin, Henrie Macoy! Isa kang inspirasyonโhindi lamang sa komunidad ng Kolehiyo ng Edukasyon at Tarlac State University, kundi maging sa buong Rehiyon III. Patuloy mong dalhin ang alab ng iyong sining at ipamalas ang galing na tunay mong angkin!๐ค
07/04/2026
โSa entablado ng West Visayas State University (WVSU), dala ninyo ang buong diwa ng Tarlac State University at ang pusong nagmumula sa Rehiyon III.
โ
Dr. Jeanette Mendoza-Baquingโ at G. Henrie Macoy C. Yatar, kayo ang mga manlalakbay ng pangarapโpinanday ng sipag, hinubog ng sakripisyo, at pinatibay ng paniniwalang ang tagumpay ay hindi basta-bastang nakukuha, kundi ipinaglalaban. Sa bawat pagtapak n'yo sa entablado, sumisibol ang kuwento ng TSUโ kuwento ng tapang, talino, at hindi natitinag na paninindigan.
โ
โHindi ito simpleng labanโitoโy paglalakbay ng dangal, kung saan ang bawat kuwento ay may saysay at ang bawat kumpas ay may dalang pangarap. At sa dulo ng laban, anuman ang kalalabasan, kayo na ang tagumpayโdahil ang inyong paglalakbay ay naging ilaw ng inspirasyon. Dala ang pintig ng TSU at Region III, naniniwala kaming iwawagayway ninyo ang bandila sa WVSU.
โ
โPadayon at pagpalain nawa kayo ng Panginoon!๐ค