19/05/2026
ᴘᴜʏᴀᴛ, ᴘᴀɢᴏᴅ, ᴘᴇʀᴏ ʜɪɴᴅɪ ꜱᴜᴍᴜᴋᴏ—ɴɢᴀʏᴏɴ, ʜᴇᴛᴏ ɴᴀ ᴀɴɢ ʙᴜɴɢᴀ ɴɢ ɪɴʏᴏɴɢ ᴘᴀᴡɪꜱ ᴀᴛ ᴅᴜɢᴏ. ✨
Isang mapagpalang pagbati sa mga tagapagmana ng wika at kaalaman na nagkamit ng karangalan ngayong Ikalawang Semestre. Ang inyong tagumpay ay hindi swerte, kundi bunga ng mga gabing nakipagbuno sa antok, ng mga sakripisyong hindi nakikita ng iba, at ng walang maliw na tiwala sa sariling kakayahan.
Huwag nawa ninyong kalimutan ang alab na nagdala sa inyo sa tugatog na ito. Gamitin ang tagumpay na ito bilang paalala sa mga susunod pang yugto: na kaya ninyo, na sapat kayo, at may mas malaki pang misyon na naghihintay sa inyo sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan.
Tumingala sa pangarap, tumapak sa katotohanan, at humakbang nang may katatagan. Padayon!✊
30/01/2026