Sibol-Arko

Sibol-Arko

Share

school events and happenings

Photos from Sibol-Arko's post 05/06/2026

HAPPY 20th FOUDING ANNIVERSARY ARKONG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL ๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿพ๐Ÿป๐Ÿฅณ๐ŸŽ‰๐ŸŽŠ๐ŸŽˆ

30/04/2026

Isang paalala! Huwag kalikutan mga ka-Sibol ๐Ÿ˜Š๐Ÿซก

Photos from Sibol-Arko's post 06/02/2026

Hindi lang medalya ang napanalunan, kundi karangalan at inspirasyon para sa buong paaralan. Mula sa pagsasanay hanggang sa tagumpay โ€” sulit ang lahat ng pagod. Mabuhay ang ating mga DSPC winners! ๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘

Pagbati sa ating mga RSPC Qualifiers na sina. . .

โœ…๏ธJames A. Jabagat
1st Place Photojournalism
(FILIPINO) Sibol-Arko
Samantha Santos 6th place
Pagwawasto at Pag-uulo ng balita
โœ…๏ธRenz C. Borlagdatan
2nd Place Editorial Cartooning (ENGLISH) The Liberium
Kylie Santiago 8th place scitech
Shan Evica Pacana 10th place news writing
Ikinararangal namin kayo mga batang mamamahayag

29/01/2026

Galingan niyo mga batang mamamahayag ng Sibol-Arko, iuwi ninyo ang karanasan at tagumpay! mag-enjoy lang kayo at huwag magpatalo sa kaba at takot... ๐Ÿ™
kaya yan!๐Ÿฅฐ laban lang๐Ÿ’ช

Photos from Sibol-Arko's post 20/01/2026

Ramdam ang tensyon at kaba ng mga mag-aaral para sa screening ng Mr. and Ms. Arkong Bato National High 2026. Ngayong araw ika-20 ng Enero ay nagkaroon ng pagsala sa mga lumahok sa nasabing patimpalak na isinagawa sa canteen area. 12 na babae at lalaki lamang ang mapipili upang mapabilang sa darating na culminating sa ating paaralan.

Ibinigay ng mga Arkonians ang kanilang buong husay sa pagrampa at pagpapakilala sa sarili upang mapasama sa 12 na mapipili. Ipapaskil ang anunsyo bukas sa Bulletin board ng MAPEH na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Junior High School building ang mga mapapalad na mapipili ng para sa nasabing gawain. Arkonians: ngayon pa lang ay pagbati na sa inyong ipinamalas na husay at galing ๐Ÿ‘
๐Ÿ“ธ ๐Ÿ“ Prince Espiรฑa Catalong

16/01/2026

I got over 70 reactions on one of my posts last week! Thanks everyone for your support! ๐ŸŽ‰

11/11/2025

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ’๐ŸŽ๐Ÿ ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ , ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐•๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ณ๐ฎ๐ž๐ฅ๐š

Ngayong Nobyembre 12, 2025 (Miyerkules), ipinagdiriwang natin ang ika-402 anibersaryo ng pagkakatatag ng Valenzuela, isang mahalagang petsang kinikilala bilang Araw ng Valenzuela.

Ang kasaysayan ng ating lungsod ay nagsimula noong Nobyembre 12, 1623, nang ideklara ni Spanish Governor-General Alonso Fajardo de Entenza ang paghihiwalay ng Sitio Polo mula sa malawak na teritoryo ng Catangalan (Meycauayan), Bulacan, upang maging isang independiyenteng bayan. Mula noon, ang Polo ay umunlad bilang isang komunidad na may matatag na kultura at ekonomiya.

Di naglaon, pinalitan ang pangalan ng bayan mula Polo tungo sa Valenzuela, bilang pagkilala kay Dr. Pรญo Valenzuelaโ€”isang bayaning tubong Polo, doktor, at aktibong kasapi ng Katipunan, na nag-ambag nang malaki sa rebolusyon at pakikibaka para sa kalayaan.

Higit pa sa pagdiriwang, ang araw na ito ay isang paggunita sa ating pinagmulan. Ang makasaysayang Simbahan ng San Diego de Alcalรก, kasama ang natitirang bahagi ng lumang simbahan (convento at kampanaryo), ay nananatiling tahimik na saksi sa pag-unlad ng ating bayanโ€”mula pagiging Polo hanggang sa pagiging ganap na Lungsod ng Valenzuela.

Tunay na mayaman sa kasaysayan, kultura, at pamanang Pilipino ang ating lungsod. Nawaโ€™y patuloy natin itong pahalagahan, ingatan, at ipagmalaki.

Muli, Maligayang ika-402 Anibersaryo ng Pagtatag, Lungsod ng Valenzuela!

Isinulat at pubmat ni: Prince Espiรฑa Catalong
Iniwasto ni: M. Marcelo

Photos from Sibol-Arko's post 08/11/2025

Pagbati rin sa mga natatanging Filipino Journalist na lumahok sa nakaraang Abnhs Mr. and Ms. United Nations 2025.
mula sa Team Sibol-Arko ikinararangal namin kayo
๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘
James Jabagat
Mathew Barba
Ashley Mae Magtanggol
Adrey Lizette Salinas
Ma. Janmelyn Libot
(1st. Runner up)

Photos from Sibol-Arko's post 08/11/2025

United Nations Celebration sa ABNHS, Matagumpay at Masaya

ARKONG BATO, Nobyembre 7, 2025 โ€“ Masaya, matagumpay, at puno ng talento ang pagdiriwang ng United Nations sa Arkong Bato National High School, na may temang โ€œCooperatives Build A Better Worldโ€, sa pangunguna ng Kagawaran ng Araling Panlipunan.

Sinimulan ang programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang, na sinundan ng panalangin. Masiglang binati ng mga tagapagpadaloy ng programa, sina Bb. Althea Rein Castillo Saquita at G. John Michael Bueno , ang mga dumalo. Nagbigay ng paunang pananalita ang punong-g**o, Gng. Juliana Tamayo-Alvarez , na isa rin sa mga hurado kasama sina G. Allan del Mundo at bisitang hurado G. Jeric J. Ambrad.

Bago ang pangunahing bahagi ng pagdiriwang, nagtanghal ang ikasiyam na baitang ng kanilang kampeong sayaw mula sa Cultural Dance Competition. Pagkatapos nito, ipinakilala ang mga kalahok ng Mr. and Ms. UN 2025 mula sa ibaโ€™t ibang baitang, na nagpakita ng talento, kagandahan, at kani-kanilang adbokasiya. Umulan din ng medalya, sertipiko, at tropeo bilang pagkilala sa mga nagwagi sa mga kompetisyong ginanap buong Oktubre.

Matapos mapili ang limang Ginoo at limang Binibini, sinuri ng mga hurado ang kanilang talino at husay sa pagsagot sa mga katanungan. Sa huli, inanunsiyo ang mga nagwagi:

Ikaapat na Puwesto: Mr. Netherlands Tristan Troy Bartolome at Ms. Philippines Raniesha Peregrino Iesha Suarez

Ikatlong Puwesto: Mr. Philippines Jadrienne Kristoff San Miguel at Ms. Netherlands Selina Gwenn Dela Cruz

Ikalawang Puwesto: Mr. Dominican Republic Kurt Nathan Manalo at Ms. USA Tiffany Jhane Famis

Unang Puwesto: Mr. China Steven Francis Armado at Ms. Russia Maria Ma Janmelyn Libot

Mr. and Ms. United Nations 2025: Mr. Ralph Aaron Estares Rae Ron at Ms. Kylie Santiago ng bansang Jamaica, Baitang 10, Pangkat Aristotle, sa pamamatnubay ng kanilang g**o, G. Victor Sayo.

Nagtapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni G. Ni**od Gamayo bilang pasasalamat. Pagbati rin sa Kagawaran ng Araling Panlipunan sa pangunguna ni Gng. Jocelyn Fernandez Canlas , at sa mga g**ong sina G. Ni**od Gamayo (Baitang 7), Gng. Melissa Rabino (Baitang 8), G. John Michael Bueno (Baitang 9), at G. Victor Sayo (Baitang 10) sa kanilang dedikasyon.

๐Ÿ“ท Ynna Gutierrez, Merialyn Replentes, Miel Macasieb, Enzo Abadines
๐Ÿ“ Ayesha Gail Paduada, Xyriel Jeff Santiago
Iniwasto ni: M. Marcelo

25/10/2025

Wellness Break: Ito ay para sa mga mag-aaral at g**o, upang bigyan daan ang kalagayang pangkalusugang pisikal at mental ng lahat. Kaya naman ay gawing makabuluhan ang inyong isang lingong bakasyon kasama ang buong pamilya.
Pagkakataon din ito upang makapaghanda para sa nalalapit na Undas, na pagdalaw sa inyong mga mahal sa buhay na pumanaw na O umuwi at bumisita sa probinsya ng bawat pamilya.

Kaya Arkonians munting paalala, mag-iingat palagi at sulitin ang bawat araw na may ngiti at sigla.

Want your school to be the top-listed School/college in Valenzuela?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Mh Del Pilar Road
Valenzuela