๐๐๐ง๐๐๐๐ข ๐ฝ๐๐ง๐ง๐๐ฃ๐ค
Ang Layunin ng Page na ito ay upang makapagbahagi ng mga Karagdagang aral sa Pananampalatayang Islam
๐๐จ๐ช๐๐ ๐ ๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐๐๐๐ง๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ๐๐ ๐๐ก, ๐๐ก๐๐๐๐ง๐๐ก ๐ ๐ข ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ ๐๐ ๐๐ก
Sa panahon ngayon, madalas ang sukatan ng tagumpay ay pera.
Mas malaking bahay.
Mas magandang sasakyan.
Mas mataas na posisyon.
Mas maraming ari-arian.
At dahil dito, marami ang naiinggit sa mga taong mas lamang sa kanila sa dunya.
Ngunit ang mga Salaf ay may ibang pananaw.
Sinabi ni Imam 'Uthman ibn Hakim Al-Awdi ุฑุญู
ู ุงููู:
"Samahan mo ang taong nakahihigit sa iyo sa Deen, at nakahihigit ka naman sa kanya sa dunya."
Napakalalim ng payong ito.
Kapag lagi kang tumitingin sa mga taong mas mayaman kaysa sa iyo, maaaring hindi ka makuntento.
Ngunit kapag tumingin ka sa mga taong mas malapit sa Allah (swt), mas sisikapin mong ayusin ang iyong Iman.
Mas gugustuhin mong dagdagan ang iyong Salah.
Mas mamahalin mo ang Qur'an.
Mas pagbubutihin mo ang iyong Akhirah.
Ito ang uri ng kompetisyong pinuri ng Islam.
Hindi kompetisyon sa pera.
Hindi kompetisyon sa katanyagan.
Kundi kompetisyon sa kabutihan.
Sinabi ng Allah (swt):
ููุงุณูุชูุจููููุง ุงููุฎูููุฑูุงุชู
"Kaya magpaligsahan kayo sa mga mabubuting gawa."
(Surah Al-Baqarah 2:148)
Kapag nakakita ka ng taong mas masipag sa Salah kaysa sa iyo, matuto ka sa kanya.
Kapag nakakita ka ng taong mas mapagbigay, tularan mo siya.
Kapag nakakita ka ng taong mas may takot sa Allah (swt), hangarin mong maging katulad niya.
At sa usapin naman ng dunya, tumingin ka sa mga taong mas kakaunti ang tinatamasa kaysa sa iyo.
Ito ang itinuro ng Propeta ๏ทบ:
ุงููุธูุฑููุง ุฅูููู ู
ููู ุฃูุณููููู ู
ูููููู
ู ููููุง ุชูููุธูุฑููุง ุฅูููู ู
ููู ูููู ููููููููู
ู
"Tumingin kayo sa mga mas mababa sa inyo at huwag sa mga nakahihigit sa inyo."
(Sahih Muslim)
Sapagkat ito ay mas makatutulong upang hindi mo maliitin ang mga biyaya ng Allah (swt).
Mga kapatid sa Islam,
Ang tunay na tagumpay ay hindi kung gaano karami ang iyong naipon.
Kundi kung gaano karami ang iyong maihaharap sa Allah (swt).
Hindi mahalaga kung sino ang pinakamayaman sa libingan.
Sapagkat lahat ng kayamanan ay maiiwan.
Ang mahalaga ay kung sino ang dumating sa Allah (swt) na may malinis na puso at mabibigat na timbangan ng mabubuting gawa.
Nawa'y gawin tayo ng Allah (swt) na kabilang sa mga taong nakikipagpaligsahan sa kabutihan, kuntento sa Kanyang mga biyaya, at hindi nalilinlang ng kinang ng dunya.
โ
MAG-AYUNO BUKAS!
Bukas ay ika-10 ng Muharram, o ASHURA, na ang gantimpala ng pag-aayuno dito ay โkapatawaran sa taon na lumipas.โ
Plus araw pa ng Huwebes, na sunnah ang pag-aayuno sa araw na ito.
Malaki ang gantimpala IN SHA ALLAH.
At isama na rin ang pamilya sa magandang gawain na ito.
โก๏ธ IBAHAGI!
Kung hindi man mapapabilang sa mag-aayuno, ay kahit papaano ay napabilang sa nagpa-alaala ng pag-aayuno. At in sha Allah ay may gantimpala ka rin.
(Basahin ang hinggil sa Ashura sa unang comment.)
IGARANTIYA SA MGA MARITES ANG PARAISO KAPAG INIWAN NILA PAGMAMARITESโโโโ
๐ Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan):
โSinuman ang magbigay sa akin ng garantiya upang pangalagaan ang pagitan ng kanyang panga (dila) at ang pagitan ng dalawang paa (ari) ay aking igagarantiya sa kanya ang pagpasok sa Paraiso (Jannah)โ Inulat ni Imam Albukhari
โฆ๏ธ Ang tinutukoy ng pagbigay garantiya sa ating dila ay:
-Ang mamumutawi mula sa ating bibig ay mula sa mabuti o salitang ikalulugod ni Allah at pag-iwas sa mga bagay na ikapopoot Niya tulad ng: - Pagmamarites (panlilibak)
- Paninirang puri
- Pag-udyok sa gawaing masama, salitang nagdudulot ng Fitnah, -Ang huwad na pagsasaksi etcโฆ
โฆ๏ธ Ang pagbigay garantiya sa pagitan ng ating dalawang paa (ari) ay:
-Ang pagsasagawa ng bagay na Kanyang Ikalulugod tulad ng pag-aasawa (upang mailayo ang sarili sa pagkakasala) at pag-iwas sa mga bagay na Kanyang Ipinagbabawal tulad ng: -Pakikiapid, -Pangangalunya (ang -Pagkakaroon ng relasyong sekswal sa hindi asawa) etc..
ALALAHANIN:
๐Anumang nagawang kasalanan kapag siya ay nagbago, nagsisi at nagbalik loob kay Allah (Taubah) ay Patatawarin ni Allah ang kanyang kasalanan.
๐ Hangga't maaari ay huwag ng ikuwento ang nagawang kasalanan kahit sa sinumang tao, kahit pa sila ay malalapit sa atinโ
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
ุญุฏูุซ: "ู
ูู ููุถูู
ูู ูู ู
ุง ุจูููู ููุญููููููู ูู
ุง ุจูููู ุฑูุฌูููููููุ ุฃุถูู
ููู ูู ุงูุฌููููุฉู" ุตุญูุญ ุงูุจุฎุงุฑู
โ๏ธ Shaykh Zulameen Sarento Puti
DOBLE ANG REWARD SA ASHOORAHโโโ
"Magpakain (Iftar) sa taong nag-fasting para karing dalawang beses nagfasting "DOBLE ANG REWARD"๐
๐ Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang kapayapaan): "Sinuman ang magpakain sa taong nag-ayuno ay makatanggap ng gantimpala na tulad ng gantimpla ng taong nag-ayunoโฆ..โ Authentic na Hadith ayon ka Shaikh Albani
Ibig sabihin: para ka narin nag-ayuno ng karagdagan (doble ayuno)
๐Naging kaugalian ni Ibn Umar na hindi mag-IFTAR liban kung may kasabay na isang miskin (mahirap) sa isang salo-salong kainan.
Kapag hindi nag-imbita ang kanyang pamilya ng isang mahirap ay hindi siya kakain sa gabing yaon (magtatampo)"๐
๐ Kung nagpa-Iftar ka ng sampung tao ay para kana ring nagfasting ng sampung araw ๐๐
PAALAALA:
โฆ๏ธSikapin na magpakain kahit na maliit na bagay tulad ng pagbigay ng kapirasong ulam sa kapitbahay o gumawa ng mainum tulad ng kape, ginataan (bilo-bilo),malaming na Juice, simpling pakain, tinapay etc..) Baka hindi lang doble ang fasting mo kundi triple o higit pa๐
Isang taon na kasalanan ay mabubura kapag nag-fasting sa Ashoorah (June 25, 2026).
Magfasting din sa 24
Pinagkuhanan sa usapin:
ุญุฏูุซ: ู
ููู ููุทููุฑู ุตูุงุฆูู
ูุง ููุงูู ูููู ู
ูุซููู ุฃูุฌูุฑููู ...... "ุตุญุญู ุงูุฃูุจุงูู ูู ุตุญูุญ ุงูุฌุงู
ุน:6415]
โ๏ธ Shaykh Zulameen Sarent Puti
ANG PINAKAIN AY MAYAYAMAN LAMANG AT ANG MAHIRAP AY PINAHUGAS LANG NG PLATO๐๐
โ
๐Kabilang sa masamang handaan (kainan) ay handaan sa kasalan na ang tanging iniimbita ay mayayaman at hindi iniimbita o iiwanan ang mga mahihirapโโโ
- Ang ganitong uri ng handaan ay hindi kanais-nais (Makruh)โ
๐ Alinsunod sa sinabi ng Mahal na Propeta:
"Ang pinaka masamang pagkain (handaan) ay handaan sa kasalan kung saan iniimbita ang mga mayayaman at iniiwan ang mga mahihirap" Inulat nila Imam Albukhari at Imam Muslim
๐ Sa ibang ulat ng Hadith: "Pinagbabawalan ang nais dumalo (mahirap) at iniimbita ang ayaw dumalo (mayaman)"
โ Ang pinaka mainam sa isang kasalan ay parehong imbitahan ang mayaman at mahirap lalu't higit ang mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, kakilala etc..
โ Ang kasalan na ang tanging iniimbita ay ang mga mayayaman at iniiwanan ang mga mahihirap ay isang uri ng pagmamalaki ng taong naghandaโ
๐๐PAALAALA:
-ANG ISANG NATATANGING HANDA (maliban sa kasal) AY WALANG PAGBABAWAL NA YAYAIN LAMANG ANG NATATANGING TAO, KAIBIGAN, KAMAG-ANAK O SINUMANG TAO ANUMAN ANG KALAGAYAN NITO.
Ang bagay na ito ay sinang-ayunan ni Imam As-San'anie.
-Walang pagbabawal na ganapin ang kasalan sa isang restaurant, hotel o saan mang mainam na lugar hangga't ang lugar ay walang napapaloob na Muharramat (ipinagbabawal) tulad ng musika, inuming alak etc.. at ang mga mahihirap ay naiimbitahan.
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
ุดูุฑูู ุงูุทููุนูุงู
ู ุทูุนูุงู
ู ุงููููููู
ูุฉูุ ููุฏูุนูู ููููุง ุงูุฃุบูููููุงุกู ูููุชูุฑููู ุงูููููุฑูุงุกู" ุฃุฎุฑุฌู ุงูุจุฎุงุฑู 5177ุ ูู
ุณูู
1432
ููู ุฑูุงูุฉ: ( ุดูุฑูู ุงูุทููุนูุงู
ู ุทูุนูุงู
ู ุงูููููููู
ูุฉู ุ ููู
ูููุนูููุง ู
ููู ููุฃูุชููููุง ุ ููููุฏูุนูู ุฅูููููููุง ู
ููู ููุฃูุจูุงููุง ุ ููู
ููู ููู
ู "ููุฌูุจู ุงูุฏููุนูููุฉู ุ ููููุฏู ุนูุตูู ุงูููู ููุฑูุณูููููู
โ๏ธ Shaykh Zulameen Sarento Puti
PINAKA MABILIS NA PARUSA SA MUNDO AY KAWALAN NG RESPETO SA MAGULANGโโโ
๐ Sinabi ng mahal na Propeta (sumakanya ang kapayapaan):
"Lahat ng kasalanan ay maaaring makamit ng tao ang parusa sa huling araw kung ito ay Naisin ni Allah maliban sa mga taong gumagawa ng hindi makatarungan sa kapwa (pang-aapi, panloloko) at ang TAONG SUMUSUWAY SA KANYANG MAGULANG (walang galang o respeto) DAHIL DITO PALANG SA MUNDO AY PARURUSAHAN NA SILA bago pa man dumating sa kanila ang kamatayan" Hadith na Authentic
ALALAHANIN:
๐ Ang kautusan ng magulang na walang pagsuway kay Allah ay nararapat sundin maliban kung ito ay sumasalungat sa batas ni Allah, Sa ganitong kalagayan ay hindi maaaring sundin ngunit pakitunguhan sila ng mainam na pamamaraan.
โฆ๏ธ Kapag nagkasalungatan ang kautusan ng magulang at ng utos ng asawang lalaki ay uunahin ang utos ng asawang lalaki, ngunit kung wala namang salungatan ay nararapat silang sundinโโโ
โฆ๏ธ Kapag inutusan ka ng iyong magulang na walang pagsuway kay Allah ay dapat mo itong isagawa agad sa abot ng iyong kakayahan at huwag ipagpaliban kundi ikaw ay mapapabilang sa sumusuwayโโ
โฆ๏ธ Huwag gamitin ang kapangyarihan upang mang-api ng kapwaโ
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
ุญุฏูุซ:"ูููู ุฐููุจู ูุคุฎูุฑู ุงูููู ู
ููุง ู
ุง ุดุงุกู ุฅูู ููู
ู ุงูููุงู
ุฉู ุฅูููุง ุงูุจูุบูู ูุนูููู ุงููุงูุฏูููู ุ ุฃู ูุทูุนุฉู ุงูุฑููุญู
ู ุ ููุนุฌููู ูุตุงุญุจููุง ูู ุงูุฏููููุง ูุจูู ุงูู
ููุชู " ุฃุฎุฑุฌู ุฃุจู ุฏุงูุฏ (4902)ุ ูุงูุชุฑู
ุฐู (2511)ุ ูุงุจู ู
ุงุฌู (4211)ุ ูุฃุญู
ุฏ (20374) ุจู
ุนูุงูุ ูุงูุจุฎุงุฑู ูู ((ุงูุฃุฏุจ ุงูู
ูุฑุฏ))
โ Shaykh Zulameen Sarento Puti
ANG KARGADOR NA LUMALABAN NG PATAS AY MAS MARANGAL KAYSA SA NAKABARONG NA MAGNANAKAW!
Ang pinakamarangal na kita, pinakamabiyaya at kapaki-pakinabang ay anumang kinita mula sa iyong mga sariling pawis!
Sinabi sa Sugo ni Allรขh ๏ทบ: Ano ang pinakamainam na kita?
Ang tugon ng Propeta ๏ทบ: โ Ang anumang kinita ng tao sa pamamagitan ng kanyang mga sariling kamay (pawis).โ Iniulat ni Imam Ahmad
๐ชดANG ATING KINITA NAGMULA SA ATING MGA PAWIS AY KABILANG SA LANDAS NI ALLรH.
Dumaan sa harap ng Propeta ๏ทบ ang isang lalaking naghahapbuhay at nakita ito ng mga kasamahan ng Propeta ๏ทบ ang pagiging masigasig, malakas at mabilis sa kanyang trabaho, kanilang sinabi: Sana, kung ang lakas at sigasig niya ay ginamit sa landas ni Allรขh ay siyang mas mainam.
Ngunit, Ang Propeta ๏ทบ ay tumugon: โHuwag ninyong sasabihin ang ganyan:
๐นKung ang kanyang paghahanap-buhay bilang pagsustento sa kanyang mga anak), Katunayan! Ito ay kabilang sa landas ni Allรขh!
๐นKung ang kanyang paghahanap-buhay bilang pagsustento sa walang kakayahan at matatandang magulang, katunayan! ito ay kabilang sa landas ni Allรขh!
๐นKung ang kanyang paghahanap-buhay bilang pagsustento para sa sarili upang pangalagaan ang puri at dangal (hindi hayaang ibaba ang sarili sa pamamagitan ng pamamalimos, panghihingi o pagpapabuhay sa ibang tao) Katunayan! Ito ay kabilang sa landas ni Allรขh!
Ngunit, Kung ang kanyang paghahanap-buhay bilang pakitang-tao o nagpapakitang-gilas lamang o may halong pagmamayabang, Katunayan! Ito ay landas no Shaytรขn (Satanas).โ Authentic na Hadith ayon kay Al-Albani
๐จNOTE: Ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay kabilang sa landas ni Shaytรขn.
๐ช Hindi tayo dapat mapagod sa paggawa ng mabuti at laluโt hindi tayo dapat mainip sa ating paghahanapbuhay dahil tayo ay gagantimpalan ni Allรขh kung ang ating paghahanap-buhay ay may kalakip na magandang hangarin!
๐PAALAALA:
๐บ๏ธ Ang post ay munting paalaala lamang at wala tayong pinapatamaan na natataging tao.
๐บ๏ธ Kung ikaw man ay natamaan, magbago ka na at ibalik ang iyong ninakaw!
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
โข ุญุฏูุซ : ู
ุฑ ุนูู ุงููุจู ๏ทบ ุฑุฌูู ูุฑุฃู ุฃุตุญุงุจ ุฑุณูู ุงููู ๏ทบ ู
ู ุฌูุฏู ููุดุงุทู ููุงููุง : ูุง ุฑุณูู ุงููู ูู ูุงู ูุฐุง ูู ุณุจูู ุงููู ุ ููุงู ๏ทบ : โ ุฅู ูุงู ุฎุฑุฌ ูุณุนู ุนูู ููุฏู ุตุบุงุฑุง ููู ูู ุณุจูู ุงููู ุ ูุฅู ูุงู ุฎุฑุฌ ูุณุนู ุนูู ุฃุจููู ุดูุฎูู ูุจูุฑูู ููู ูู ุณุจูู ุงููู ุ ูุฅู ูุงู ุฎุฑุฌ ูุณุนู ุนูู ููุณู ูุนููุง ููู ูู ุณุจูู ุงููู ุ ูุฅู ูุงู ุฎุฑุฌ ูุณุนู ุฑูุงุก ูู
ูุงุฎุฑุฉ ููู ูู ุณุจูู ุงูุดูุทุงู โ ุงูุทุจุฑุงูู ุ ุตุญูุญ ุงูุชุฑุบูุจ
โข ุญุฏูุซ : ุนู ุฑุงูุน ุจู ุฎุฏูุฌ ูุงู โ:โ ููู โ:โ ูุง ุฑุณูู ุงููู ุฃู ุงููุณุจ ุฃุทูุจ โุโ ูุงูโ : โ ุนู
ู ุงูุฑุฌู ุจูุฏู ููู ุจูุน ู
ุจุฑูุฑ โ ู
ุณูุฏ ุงูุฅู
ุงู
ุฃุญู
ุฏ
๐Sinulat at inipon ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (hafidhahullรขh)
ANG HINDI MUSLIM AY IPAGKALOOB ANG LAHAT NG BIYAYA SA KANYA SA MUNDO SAMANTALA ANG ISANG MUSLIM AY IILAN LAMANG ANG IPAGKALOOBโโโ
๐Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya): "Kapag ang hindi Muslim ay nakagawa ng kabutihan ay ipagkakaloob na sa kanya dito sa mundo, Samantala sa isang Muslim kapag nakagawa ng kabutihan ay ilalaan ang kanyang gantimapala sa huling araw at Pagkakalooban din ng panustos dito sa mundo dahil sa kanyang pagsunod sa kautusan.
๐ Ayon sa ibang Hadith: " Ang hindi mananampalataya (hindi Muslim) ay wala ng makakamit na gantimpala sa huling araw"Inulat ni Imam Muslim
๐ Sinabi pa ng Propeta: "Ang pinaka mainam na kayamanan ay kayamanan sa puso (matiwasay at madaling makontento) kahit sa maliit na bagay"
๐PAALAALA:
๐บ๏ธ Bilang isang Muslim, Huwag malungkot kapag nakakaramdam ng kagipitan (masikip na kabuhayan) dahil lahat ng ito ay pawang nakakabuti para sa kanya na hindi niya napag-aakala๐น
๐บ๏ธ Ang hindi Muslim ay ibibigay sa kanya ang lahat ng gantimpala ng kanyang mabuting gawa dito sa mundo, Ngunit wala na siyang makakamit na gantimpala sa huling arawโ
๐บ๏ธ Samantala, Ang isang Muslim kapag gumawa ng kabutihan ay Ipagkakaloob sa kanya ang dalawang kabutihan:
1-Walang katapusang gantimpala at kaginhawaan sa huling araw (Jannah)
2- iilang biyaya dito sa mundo
PAALAALA:
โฆ๏ธAng mahal na Propeta at mga Sahaba tubig at dates lamang kinakain ay masaya na sila.
โฆ๏ธ Dito sa Middle East, Ang mga ibang lahi, tinapay lang na isasawsaw sa sabaw ay masaya na sila at kadalasan wala ng dessert (pang himagas)at kadalasan napapasabay narin kami na dates at tea lamang sa umaga ay sapat na๐โ
๐ Minsan sa atin lalu sa mga may kaya kapag isang ulam lang inihanda ay magalalit na๐ต
๐๐ Huwag sana magtampo ang maybahay kapag isang ulam lang kaya i provide ni Mr.๐
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
ุญุฏูุซ:โ โ"โุฅู ุงููุงูุฑ ุฅุฐุง ุนู
ู ุญุณูุฉุ ุฃุทุนู
ุจูุง ุทุนู
ุฉ ู
ู ุงูุฏููุงุ ุฃู
ุง ุงูู
ุคู
ูุ ูุฅู ุงููู ุชุนุงูู ูุฏุฎุฑ ูู ุญุณูุงุชู ูู ุงูุขุฎุฑุฉุ ููุนูุจู ุฑุฒูุงู ูู ุงูุฏููุง ุนูู ุทุงุนุชูโ"โโ.โ
ููู ุฑูุงูุฉโ:โ โ"โ ูุฃู
ุง ุงููุงูุฑุ ููุทุนู
ุจุญุณูุงุช ู
ุง ุนู
ู ููู ุชุนุงููุ ูู ุงูุฏููุง ุญุชู ุฅุฐุง ุฃูุถู ุฅูู ุงูุขุฎุฑุฉุ ูู
ููู ูู ุญุณูุฉ ูุฌุฒู ุจูุงโ"โ โุฑูุงู ู
ุณูู
โ.
โ๏ธ Shaykh Zulameen Sarento Puti
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Website
Address
Jeddah